[34] On One's Knees

325K 7.2K 1.3K
                                    

                                                       

                                                      *****

Humahangos na dumating si Blake sa opisina ni James. Naabutan niya doon ang naaalarmang hepe kasama ang anim pang mga kapulisan. dumating din ang tatlo sa mga namumuno sa private investigations niya. Nagpadala ang mga kriminal ng mensahe sa pamamagitan ng isang uploaded video. Ayon sa hepe hinahamon ng mga ito si Alex na iligtas ang inspektor.

"Where's the video?" di makapaghintay na wika niya.

Binuhay ni James ang monitor ngunit nang bubuksan niya na ang video biglang natigilan ang lahat. Napansin nila ang walang ingay na pagsulpot ni Isabelle. Nagtatakang napatingin si Blake sa babae.

"What are you doing here?" kunot noong sabi niya.

"I followed you," mahina't nanginginig na boses nito.

"Who is she?" taka ni James.

"She's someone close to Inspector Aldovar."  Naisip ni Blake ang kalagayan ng kalusugan ng babae. Delikado dito ang direktang masaksihan kung anuman ang nasa video. "You can't stay here, Ms. Chan."

Umiling ng pagtutol ang babae.

"Ma'am alam kong nag-aalala kayo pero sa ngayon ho ay tanging pamilya at awtoridad lang ang pwede sa silid na ito," wika ng hepe.

"I-I'm his family too..." ani Isabelle.

"I'm sorry Ma'am pero hindi po kayo pwede dito. Direktang pamilya lang po ang pwede naming payagan," saway ng isang pulis sabay hawak nito sa braso ng babae upang yakagin ito papalabas.

"Kailangan kong malaman ang kalagayan ni Brandon. I-Is he still alive? N-Nakatakas ba siya? L-Ligtas na ba siya?" wika ni Isabelle habang tinatanggal ang kamay na nakahawak sa kanya at tumatangging humakbang.

"Sorry po Ma'am pero kailangan niyo na po munang lumabas," giit ng pulis.

Tumulo ang luha ng babae at binigyan nito ng nagmamakaawang tingin ang pulis. "I need to know. I'm his family too..."

"Sorry po talaga-"

Nagpumiglas si Isabelle hanggang sa unti-unti itong naghisterya. "I need to hear it now! I'M HIS FAMILY! HE'S THE FATHER OF MY CHILD! KARAPATAN KONG MALAMAN KUNG LIGTAS ANG AMA NG ANAK KO!!!"

Natigilan ang lahat lalo na si Blake. Ni ang kumurap ay pansamantalang di niya nagawa. Ito na ang pinakakaaasam niyang sandali, ang lumabas mismo sa sariling bibig ni Isabelle ang katotohanan. At nasabi na rin ito sa wakas ng babae...Ngunit sa kabila ng narinig na pag-amin, wala siyang iba pang naging reaksiyon maliban sa pagkagulat. Sa mga oras na iyon ay walang puwang ang kahit kaunting katiting ng galak sa kanyang dibdib.

"TELL ME HIS SAFE!"

Tiningnan niya ang tila nawawala sa sariling babae. Di niya maintindihan kung bakit sa kabila ng mga kasalanan at pasakit na idinulot nito sa kanilang mag-asawa ay nakakaramdam pa rin siya ng kaunting awa.  Nilingon niya si James.

Ang Misis Kong Astig!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon