[38] Happiness Is A Choice

360K 7.8K 1.2K
                                    



****



Kaunti na lang ay didikit na ang mukha ni Alex sa laptop. Malapitang tinititigan niya ang larawang taglay ang magandang tanawin na matatagpuan sa bansang binabalak nilang puntahang mag-asawa.


May pinagpipilian na silang mga bansang pagbabakasyunan ngunit hindi pa rin nakakapagbigay ng huling desisyon si Alex. Maiigi niya munang sinasala ang bawat lugar na pwede nilang bisitahin.


"Ayoko dito. Hindi masyado maganda yung view ng mga bundok. May ganyan din sa Pilipinas, bakit pa tayo pupunta diyan?" umiiling na wika niya.


"Rejected again? Paano mo naman nasabing pangit ang view ng mga bundok na iyan. Wala niyan sa Pilipinas. Is there something wrong with your eyes? Look at that ang ganda nga eh... half of it is still covered with snow. Sabi mo gusto mo ng sight ng bundok na may snow pa sa tuktok. Here it is!" medyo napapagod nang pahayag ni Blake.


Ang dami-dami niya ng pinakitang mga lugar sa misis na pwede nilang puntahan pero wala ni isa mang pumapasa pa sa panlasa nito. Halos maubos na ngang i-research ng kanyang sekretarya ang mga magagandang mountain ranges sa mundo. Ang hiling ng asawa ay makapamasyal sa lugar kung saan maraming makikitang mga bundok kaya't ano pa bang magagawa niya kundi pagbigyan ang kagustuhan nito. Pero hindi niya akalaing ganito ito magiging kapihikan. Sa mga naunang pagbabakasyon nila sa ibang bansa ay hindi naman ito naging maselan.


"Oo nasabi kong maganda yung may snow pero yung mga nagyeyellow at namumulang mga puno talaga ang gusto kong makita. Mas maganda yun eh," napapangusong katwiran ng babae.


Palihim na umikot ang mga mata ni Blake sabay buntong-hininga. Malapit niya ng hindi maintindihan ang asawa sa pabago-bago nito ng desisyon. "Hon tell me the truth. Ayaw mo talagang magbakasyon tayo that's why you're acting this way, right?" prangka niya sa misis.


"Gusto!" mabilis na sagot ng babae. "Bakit ano bang mali sa kilos ko? Tinitiyak ko lang naman na pareho tayong mag-eenjoy sa pupuntahan natin."


Napailing si Blake. "Sige na. Sige na. Just think about the place kung saan ka mag-eenjoy. Don't worry about me, kahit saan okay ako."


Lukot ang mukhang napalingon si Alex sa mister. "Pwede ba naman yun? Imposible namang wala kang lugar na gustong puntahan," di kumbinsidong pahayag niya.


Nakataas ang kilay na tumitig si Blake sa asawa. "Kahit saan basta kasama ka mag-eenjoy ako. Okay na?"


Agad na naantig si Alex sa tinuran ng mister. "Awww! Ang sweet naman ng hubby ko!"


Ngumiti siya ng abot tenga at naglalambing na naupo sa kandungan nito. Pinulupot niya ang mga kamay sa leeg nito at binigyan ng isang madiing halik sa pisngi.


"Hon, matagal na akong sweet. Sige na pumili ka na ng lugar. Kailangan na nating mafinalize yung itinerary natin. Mahigit isang linggo na tayong hinihintay ng travel agency," inip nang wika ng lalaki.

Ang Misis Kong Astig!Where stories live. Discover now