V

274 15 2
                                    


CHARLOTTE CAMILLE HEMSEY

"Damn it!"

Kahit papaano, nakahinga ako ng maluwag ng makita ko yung mga ungas na humahabol sa'min kanina. Akalain mong bobo sila pagdating sa tagu-taguan. Mabuti na lang talaga.

Hindi ko alam kung saan ako mamamatay. Sa takot ba na baka mabaril kaming dalawa ng may sayad na yun, o sa pagod dahil sa pangmalakasang takbo.

Grabe lang talaga. Buong akala ko, yun na ang katapusan ng buhay ko. Jusko.

Napabuntong hininga na lamang ako bago harapin ang babaeng kasama ko ngayon na parang hindi man lang napagod. Sana all diba. "Hoy. Alam mo, kung ano man ang hindi niyo pagkakaunawaan ng kapatid mo, pwede ka naman makipag-ayos sa kanya ee." I started. "Daanin niyo na lang sa mabuting usapan."

Pero ang babaeng ito, tila para siyang bingi at  nagsimula ng maglakad palayo hindi pa siya nakuntento at talagang iniwan lang ako dito. Ano bang klaseng ugali mayroon ang babaitang 'to? Wala man lang "thank you"? Wow talaga.

"Hoy babae!" inis na napakamot ako sa ulo ko. Bakit ba parang sagot ko pa siya? Ano naman kasi kung may gustong pumatay sa kanya diba? Ano namang pakialam ko dun. Ano ba naman kasi yan!

"Hoy hintayin mo ko!"

No choice ako kundi ang sumunod sa babaeng 'to. At sa tingin ko, mukhang hindi na nga ako makakapasok sa klase ko ngayon. Bakit ba naman kasi sa lahat ng mapapasukan kong trouble, ee ito pa? Kakaurat ah.

"Wag mo kong sundan." malamig na saad niya.

Napairap na lang ako. "Ayaw ko nga. Baka mabalitaan ko na lang bukas makalawa, palutang-lutang na yang  katawan mo sa Ilog Pasig, edi konsensiya ko pa na iniwan kita dito." mahabang sagot ko.

Nauntog naman ako sa likod niya dahil sa biglang paghinto niya. Inis na napahawak ako sa ilong ko. Hindi na nga katangusan ang ilong, nauuntog pa. Hustisya naman diba.

"Umalis kana. Hindi ko kailangan ng tulong. Lalo na kung galing sayo."

Napataas naman ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Tingnan mo talaga ang taong 'to, imbes na magpasalamat talagang pinagtatabuyan pa ko. Sarap upakan ee.

"Alam mo, ang arte arte mo. Pwede bang magpasalamat ka nalang at hindi kita iniwan dun?" inis na sagot ko.

Wala naman akong nakuhang sagot mula sa kanya. At ito lang siya, mariing nakatitig sa'kin na parang tanga. Ngayon lang ba siya nakakita ng maganda?

"Hoy! Tulala kana dyan."

I heard her tongue clicking before she rolled her eyes at me. "Annoying."

My eyes widened. What the hell? Ako pa ang annoying? Argh! "Ang pangit ng ugali mo."

"Ang pangit mo." barumbadong sagot niya sa'kin.

Kulang na lang lumapag na sa lupa ang panga ko. Grabe. Wala man lang kapreno-preno. Hindi man lang siya nagdalawang isip na sabihan ako nun. Napakasama niya talagang bwisit siya. Sa sobrang inis ko, kinaltukan ko siya. Nakakainis ee.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 30, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

LIACHISBWhere stories live. Discover now