IV

149 12 0
                                    

CHARLOTTE CAMILLE HEMSEY

Napairap ako. Tss. Sino bang hindi mapapairap kung ang bubungad sayo pagkapasok na pagkapasok mo ay mga tsimosang nilalang na walang ibang ginawa kundi ang pag-tsismisan ang buhay ng may buhay.

Kakaurat. Nagbulungan pa sila kung maririnig ko lang din naman. Mga boba.

Hindi ko na lang sila pinagtuunan pa ng pansin at nagdere-deretso lakad lang ako hanggang sa tuluyan na kong makapasok ng room ko.

At gaya ng inaasahan ko, pati dito sa room grabe ang tinging binibigay sa'kin ng mga kaklase ko. Tss.

Ngayon lang ata sila nakakita ng maganda.

"Chammy."

I inhaled deeply. "Oh bakit?"

Pasalampak naman akong naupo sa upuan ko. Kay aga-aga sira na agad ang araw ko.

"Ang usapan natin, kaibiganin mo si Taylor." Lilian started. "Bakit mo naman hinampas ng bote? At talagang sa ulo pa ah." dagdag pa niya.

Napairap naman ako. "Hindi ko kayang makipag kaibigan sa babaeng yun." walang pakundangang sagot ko sa kanya. "Mas mabuti pang awayin siya hanggang sa magsabi ng totoo kaysa ang makipag plastikan sa kanya."

Totoo naman diba. Mas maganda yung plano ko. At least dito, alam na agad niya ang totoong pakay ko kung bakit ang panay lapit ko sa kanya.

"At kailan ka pa naging matapang Chammy?" Yvonne asked.

I shrugged my shoulder. "Ngayon lang ata?" natatawang sagot ko.

Oo nga 'no, ngayon lang ako nagkaroon ng tapang para makipag-away. Siguro ganun nga talaga, kapag mahalaga sayo yung isang tao magiging matapang ka. Para kay Hanny naman kasi lahat ng ginagawa kong 'to. Alam ko, may kinalaman si Taylor sa pagkawala niya.

"You're really unbelievable Chammy." saad ni Lilian.

Natawa naman kaming tatlo dahil sa inasal niya. Para siyang stress na stress dahil sa nalamang ginawa ko.

"Sikat kana dito sa University dahil sa ginawa mo sa kanya." Samantha said, all of sudden.

Nagkibit balikat ulit ako. Ee ano naman? "Alam ko. At wala akong pakialam." I leaned in my chair. "At saka ayaw niyo nun? Sikat na 'tong kaibigan niyo." pagbibiro ko pa.

Samantha shooked her head. "Ewan ko sayo. Hindi ko na alam kung anong pinaggagawa mo."

Tanging pagtawa lang ang itinugon ko sa kanya. Hindi na din ako sumagot pa at mas pinili na lang ang manahimik. Nakatutok si Yvone sa laptop niya. Si Samantha naman panay lang ang pindot sa cellphone at habang si Lilian, kunot noong nakatingin sa'kin na akala mo'y binabasa ang nasa isip ko. Inirapan ko tuloy siya. Ang weird niya ee.

"Stop staring Lil." inis na saad ko. "Para kang tanga."

"Nagta-.."

"Girls, may sasabihin ako."

Halos sabay-sabay kaming tatlo na napabaling ng tingin kay Yvonne ng bigla siyang magsalita. Para kasing importante yung sasabihin niya kaya na-curious ako. Hehe.

"C'mon, spill it Yvonne. Nang bibitin ka pa ee." Samantha hissed at her.

"Eto na. Makahintay kasi diba." barumbadong sagot naman ng isa. "Taylor is a adopted child." she finally said.

LIACHISBWhere stories live. Discover now