KABANATA 31

682 54 2
                                    

Kabanata 31


___________________


JEAU P.O.V








Nang matapos na ang exam ay nagsilabasan kami at patakbo akong nauna.




"Pangit!" asik ko na papababa na siya ng hagdanan.



Napakapit pa ako sa dibdib ko dahil sa sakit nito dahil sa mabilis na pagtakbo ko para lang maabutan ko siya tas ngayon..hindi niya pa ako hinarap!



"Hoy pangit!" asik ko pa at napahinto naman siya at tamad na napatingin sakin.





"Ano?" diretsang aniya at napalunok ako. Kanina ay may itatanong ako sa kanya pero ngayon ay hindi ko alam ang sasabihin ko lalo na at nasa harapan ko na siya.




Napakunot ang noo ko at napahigpit sa paghawak sa bag ko. Hindi ito ang gusto kong mangyari, napaatras ako habang siya ay nakatitig lang sakin.





"Wala kang sasabihin?" aniya at nakakunot lang ang noo ko sa kanya "Tanga." dagdag niya at natauhan ako sa sinabi niya. Bago pa ako makapag-react ay humahakbang na siya pababa, kaya sinundan ko naman.




"Hoy bakit mo ko tinulongan ah!? Anong binabalak mo?" asik ko at hindi siya nagsalita sakin.




"Hoy pangit! May plano kang masama sakin no! Ano--ah siguro mali yung pinagtuturo mo sakin!" asik ko na wala parin akong naririnig na sagot. Napakatamik niya!.



"Ang yabang mo! Hindi ka magsasalita kasi alam ko na! Pag yon mali ay--"




"Ano?" tipid na aniya na mabilisang humarap sakin na muntikan pa akong mabundol sa kanya at agad akong lumayo. Muntikan ko siyang mahawakan!





"A-ano! May masama kang binabalak sakin! Naghihiganti kalang!" asik ko at nakikinig lang naman siya " Diba sabi ko sayo huwag na huwag kang magpapakita sakin! Kasi naiinis ako sayo! At --"



"Yan lang ba ang sasabihin mo ngayon Martinez?" Aniya at natigilan ako. Para siyang nangangaral sakin animoy isang guro na strikta! "Paano nalang kaya kung makikita mo ako araw-araw." aniya na tamad lang nakatingin sakin.



Ang pangit niyang tumitig!




"Anong araw-araw! Hindi yon mangyayari baduy!" asik ko at nagpatuloy nalang siya sa paglalakad habang ako ay nasa likuran niya lang nakasunod.




"Walang may gustong makasama ka Martinez kaya huwag kang mangarap sakin" aniya



Anong mangarap!?




"Kung ganon bakit sa lahat ng kaklase ko at ako pa talaga ang tinuruan mo!" asik ko pa.



"Dahil ikaw lang naman ang nangangailangan ng tulong." tugon niya pa.




"Ano!" asik ko pero di siya nagsalita.




Nang makababa na talaga kami ay doon niya ako hinarap at napahinto na naman ako baka mabundol na naman ako sa kanya!




"Mamaya ka nalang tumalak Martinez, nakakabingi kana." aniya at napataas ang kilay ko! Ganon na ba ako ka ingay sa kanya? Pakialam ko ba kung naiingayan na siya! "Tsaka. Magkikita pa naman tayo...sa susunod" pabitin na dagdag niya at tumalikod na saking umalis.




Magkikita? Sa susunod?




Napailing ako sa sinabi niya. Gusto ko siyang sigawan pero nakaalis na siya. Ayaw na ayaw ko talaga ang bawat sasabihin o salita na iiwan sakin, hindi ko gusto!.




YOUR ANNOYING BULLY (  SERIES 1 )Where stories live. Discover now