KABANATA 79

562 79 7
                                    



Kabanata 79




__________________



JEAU P.O.V.




Ilang araw rin akong nanatili sa bahay, walang pasok na kami ngayon maliban kina Stanly na sa lunes na ang exam! Ha! Salamat nalang at wala na akong iisipin. Tsaka apat na araw narin ang nakalipas at diko napansing lumalabas si pangit sa kwarto niya. May pinag-usapan lang sina papa, hindi rin ako handa ng makarating siya dito siguro ay may pinaghahandaan sila yon dinig ko eh.







"Oh ito na pala si Jeau." Tawag pansin sakin ni lola na akma ko lang dadaanan pero nakakahiya naman kung lalampasan ko!.






"Sa susunod na linggo na ang party." Ani sakin ni papa at napakamot lang ako sa buhok ko.






"Ah oo.." nasabi ko nalang at nilapitan si lola Wa para yakapin. Ni hindi ko nga alam ang pinag-uusapan nila.





"Si Lei hindi ko siya nakita ngayon? May lakad ba?" May maautoridad na tanong ni papa samin, nakikita ko lang naman yon pagkakain na ng sabay.





"Nasa taas lang ang batang yon. May inaasikaso."





"Inaasikaso?" Tanong pa ni papa na may pagtataka!. Nilapag ni lola ang hawak niya tiyaa at kalmadong tinignan lang si papa.






"Alam mo naman yon. Ang daming nawala sa kanya kaya sanay ng mag-isa." Aniya at doon ako nagkainteres para makinig sa pinag-uusapan nila! Isasantabi ko nalang muna ang lakad ko!.







"Nawala la?" Sabat ko sa kanila at totoo nga namang may nawala na kay pangit, mula sa ina niya at kapatid ang mapait pa doon ay hindi pa sila magkasundo ng Dean.







"Hayaan nalang natin si Lei, kung makikipag-usap ka sa kanya Joao siguraduhin mong mag-iingat ka." Dagdag pa ni lola.





"Nga pala sa susunod na linggo na ang dating ng mga katulong natin. Tamang-tama para sa darating na party." Saad pa ni papa. Marami-rami pa silang pinag-usapan bago ako nagpaalam doon, akala ko pa naman magkwekwento pa sila kay pangit!.







Hindi ko ramdam ang gumala ngayon lalo na at nag-iisa pa ako! Mas gusto ko munang libangin ang sarili ko. Boung araw sa bahay lang ako at naisipan nalang mag-practice at gumawa ng mga sariling dance steps. Malakas ang tunog ng speaker ko sa sariling kwarto na tinatawag ko nalang rin na isang studio, dito ako nag-eensayo sa pagsasayaw.






"And I don't wanna go go
I don't wanna go go
I don't wanna it no no
I don't wanna it no no
I don't want to walk this earth
If I gotta do it solo (solo)

Cause I was so high
And now I'm so low
And I don't wanna walk around alone, solo
Said I don't want to walk this earth
If I gotta do it solo (solo) solo "







Pawis akong natapos sa sayaw at sabay tingin sa orasan, halos apat na oras na pala akong nandito. Nang makaligo at bihis na ako sa kwarto ay balak kung lumabas sa pagbukas ko ay rinig ko na ang pagtutog ng piano sa ibaba at alam ko na kung sino iyon.






Pababa ako ng hagdanan at naabutan ko si lola Wa na nanunuod kay pangit na pasimple at kalmadong nagtitip sa puting piano. Ana ay parang napakadali lang gawin ang ginagawa niya pero ng mapatingin rin ako sa kamay niya ay ganon nalang ang bilib ko sa bilis ng bawat galaw nito.






YOUR ANNOYING BULLY (  SERIES 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon