KABANATA 11

810 63 2
                                    

Kabanata 11

___________________


JEAU P.O.V.




"Gago tara na nga!"asik ko at akmang tatalikuran si Calvin nang may mabangga ako.



Saktong sa dibdib talaga tumama ang mukha ko. Bakit paharangharang ito sa harapan ko?



"Anak ng garapata naman oh!"inis na usal ko.


"Say it again Martinez."



Inis akong tumingin sa nabangga ko at agad akong nagulat sa laki nito. Ang laki niya.



"SIR SORRY SIR! SIR PASENSYA NA PO SIR!"natatarantang usal ko sa bakla!.




Busit! Sa lahat ng guro sa Laurente bakit siya pa ang napagsabihan ko ng ganito!



"Martinez.."



"S-sir..Bimboo?"



"Go to Dean--"



Pareho kami ni Calvin at Sir Bimboo na napatingin sa loob ng silid ng HUMSS dahil sa malakas na bulabog.




Napangisi ako na parang wala sa sarili dahil si panget na naman ang matutuunan ng atensyon ni Sir ngayon. Bakit ba naman hawak niya ang buhok ng kaklase niya.




"Lagot ka ngayong panget ka."napailing-iling na usal ko



Agad namang pumasok si Sir Bimboo sa loob at doon natahimik at napaayos ang lahat sa pag-upo maliban sa tatlo.



Napatingin lang ako sa kanila ganon rin si Calvin sa gilid. Gusto ko ring makita kung paano mapahiya yang pangit na yan dito sa Laurente.



"Anong kaguluhan to!?"sigaw ni Sir na namumuo sa classroom."Ikaw?"sabay tingin niya sa kasama ni panget na ngayon ay seryuso lang na nakatingin labas ng classroom.



"Wala namang mangyayari dito Sir kung walang mangugulo dito. Siya ang nauna"sabay turo niya sa babaeng may dugo ang ilong at magulo ang buhok.



"Pambihira namang mga babae ito. Takaw gulo talaga. Kababaeng tao habol pa nila ang gulo!"usal ko kay Calvin. Paano ba naman ay nakakaya nilang gawin iyong kay Cherry.




Pinagtutulongan ba naman.




"Ikaw? Bago kaba dito sa Laurente!?"sigaw ni Sir Bimboo kay panget at gaya ng dati ay tamad itong tumango kay Sir.




"Hindi ko gusto ang pakikitungo niya sa kagaya kong baguhan."tamad na dagdag niya pa.




"Ano!? Ikaw kaya ang sumuntok sa akin! At siya!"sabay turo sa kasama ni panget "siya rin ang sumuntok sa mukha ko!!"sigaw pa nito at nagulat naman ako. Hindi naman normal ang ginawa nila dahil dumudugo talaga ang labi ni Cherry pati ang ilong nito at namimilipit sa sakit.




"You three..follow me!!"sigaw pa ni Sir at lumabas sa silid at agad naman akong aalis nang magsalita rin siya smain ni Calvin.





"Martinez. Sumunod ka rin."aniya at namilog ang mata ko.





"Bakit ako Sir? Hindi naman ako ang nakipagsuntukan kina Cherry?"




Napasulyap ako saglit kay panget na ngayon ay nakakunot naman ang noo na nakatingin sakin. Kahit anong gawin niya ay hindi parin mawawala ang seryusong pagmumukha niya at iyon ang napansin ko sa pagkatao niya.


YOUR ANNOYING BULLY (  SERIES 1 )Where stories live. Discover now