KABANATA 89

633 60 4
                                    


Kabanata 89


______________



LEI P.O.V.



Tulalang nakikinig si Jeau sakin na nirerehistro pa ng isipan niya ang lahat na nasabi ko. Napapilantik nalang ako sa dila sabay tayo at ayos sa high heels sa paa.







Sa tingin ko si Jeau palang ang nakwekwentuhan ko ng ganito. Lumaki akong tahimik na tao pero pag siya na ang magtatanong ay mapapaamin ako. Halos lahat na ata alam na niya. Sa daming matalino sa paligid ko tanging siya pa ang nakakaalam ata sa pinagdaraanan ko, pero ayos narin sigurong malaman niya ang lahat mula kay Monica. Hindi niya kasalanan ang magmahal, hindi mo matuturuan ang sarili para pumili ng taong mamahalin. Ngayon kung nasasaktan siya sa nangyayari ay tatanggapin niya nalang yon.






Inaasahan ko na ang lahat na malalaman niya rin ang lahat kay Monica. Pinili kong manahimik kahit alam ko dahil una kaaway kami, kung sasabihan ko siya sa katutuhanan ay siguradong hindi niya ako papaniwalaan. Pangalawa, hindi ko hilig ang mangialam sa problema nila at diko na problema yon pagmalalaman na nila ang totoo. Pangatlo sa kabila ng lahat ay meron sa sarili ko ang nagtutulak na mas mabuting itago nalang sa kanya ang lahat kay Monica at Calvin kesa makita siyang masaktan, o siguro mas mabuti na kung siya na ang makakakita para sarili niya naman ngayon ang paniniwalaan niya.






Yung sa pamilya ko ang iniisip ngayon, mas gusto kong hindi bumalik nalang at magsimula ng panibago. Wala na akong mababalikan doon dahil nawala na ang lahat sakin. Wala naman akong problema sa lolo ko dahil una palang sa paglipat ko ay siya na ang tumulong sakin. Sadyang ayoko lang na pinalitan si Mama ni Miss Oblada. Ayokong nasasapawan ang tunay na pamilya niya. Hindi ko rin masisisi si Monica kung kasalanan niya ba ang pagkawala ng kapatid ko. Hindi niya yon kasalanan dahil kasalanan na yon ng kapatid ko. Choice niyang gawin yon, walang masisisi pag ang sarili mo na ang pumili ng kamatayan.






Hindi rin pala maganda ang magdrama sa rooftop, ang daming lamok.






"A-aalis kana?" Nauutal na tanong niya ng maikapa ang sarili at pinagpagan. Tinapon ko sa kanya ang binigay niyang suit jacket, mabango iyon at parang dumikit pa nga ang bango niya sa katawan ko at tumango bilang pasasalamat narin. "S-sandali!" Sigaw niya para mapahinto ako sa paglalakad at tamad na lumingon. "Ayokong umalis!" Biglang pagmamaktol niya na hindi ko inaasahan.







"Kailan kapa nagmamaktol?" Mahinang tanong ko at napatigil siya sa ginawa niya sabay tumikhim at iwas tingin sakin.





"Anong nagmamaktol? Ulol." Bawi niya na nakapamulsa, hinayaan ko nalang siya at tumalikod ng sumigaw siya ulit. Baliw na ata to tinatiyagaan ko nalang dahil kaarawan niya.





"Hindi nga ako nagmamaktol! Pero ayokong bumaba! Dito kalang!" Asik niya para naman akong kinakilabutan sa kanya ngayon. Mas tumanga pa eh. "Hindi pa ako tapos sa mga tanong ko..saka ayoko muna doon baka may magtanong pa." Mahinang rason niya bago ko siya binalikan sa pwesto pero nakatayo at pasandal na ako sa railing ng rooftop nila. Nakatingin lang ako sa kanya sa may gilid. Diko siya maintindihan parang naiilang na tanga siya ngayon. Sa tuwing mapatingin ako sa kanya ay napapaiwas rin siya na parang kinakabahan pa. Naiihi naba to?.





"Ayos kalang?" Panigurado ko.



"O-oo naman. Wala lang--" diko tinapos ang sinabi niya at tinapunan ko siya ng isang sigarilyo na sa taranta rin ay nasalo niya pa ito. Taka at kunot noo siya napatanong sakin ngayon. "Teka! Adik ka sa ganito? Ayyyssshh! Kanina!? Pinakitaan mo talaga kami sa bisyo mo no!?" Asik niya na naiinis na parang siya pa ang apektado.





YOUR ANNOYING BULLY (  SERIES 1 )Where stories live. Discover now