Rikana was asleep kaya naman iniwan ko muna ito sa kanyang crib. I kissed the top of her head gently bago sinigurong maayos ang pagkakahiga nito at saka tumalikod.
I quickly grab a set of change of clothes at nagmadaling magtungo sa banyo. I didn't bother closing the door para marinig ko kung sakaling umiiyak ang bata. Besides, the front door is automatically locked. Wala namang papasok doon.
Hindi rin naman ako nagtagal maligo at lumabas na. Ano kaya'ng pakikipaglaro ang ginawa ni Zarah sa bata at tila napakahimbing ng tulog nito?
After fixing myself, I went out. I left the room open para marinig ko kung sakaling gising na ito at umiiyak.
Rikana is just one year old at medyo mahina ang resistensya nito. Noong dumating rito ang pinsan ni Zarah noon at walang pakundangan ritong iniwan si Rikana noong unang buwan pa lamang, Zarah and I both knew we need to do something.
Ayaw ko mang kunsintihin ang pinsan ni Zarah, wala rin naman akong magawa. Simula noon ay hindi pa ito nagpapakitang muli. Mabuti na rin dahil baka sungalngalin ko ang nguso niya kapag nakita ko siya.
Until now, I can't even fathom how she had the heart to leave her child. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya or kung may pinagdaraanan ba siya but Rikana, though unhealthy, is such a ball of happiness to me and Zarah.
Nawalan pa nga ng lalaki tong si Zarah kakaalaga sa pamangkin.
For us, every second that Rikana was asleep is a precious moment na hindi dapat sinasayang. Ibig sabihin kase niyon ay may oras akong magligpit. Napailing ako ng maalala ang estado ng kusina.
Malinis nga ang sala pero parang inararo naman ni Zarah ang kusina, so I started cleaning. May tira namang pagkain si gaga pero, sana talaga edible. Habang tumatagal nagiging weird tong si Zarah e.
I was just drying my hands with a kitchen towel when I heard my phone ringing. I went closer on the table top at dinampot iyon.
“Lakas ng radar ng bruha,” natatawa kong turan ng makita ang pangalan ng kaibigan. Baka naramdam na naman nitong tina-trash talk ko siya sa utak ko kaya naalala na namang tunawag. Mabilis ko itong sinagot at ni hindi ito hinintay na makapagsalita.
“Nasamid ka ba kaya ka tumatawag? Pero legit minumura na kita sa isip ko. Ano'ng feeling, mare?,” bungad ko rito. Kung anumang balak niting sabihin ay tila nawala saglit sa kanyang isipan dahil bigla itong natahamik. It took her a good three seconds before she finally reacted.
“Alam mo, tangina ka,” naiirita nitong sagot.
Natawa ako ng malakas. “Nagiging palamura ka na. Kaya ka walang bebe e,”
Mas lalo lamang akong napahalakhak ng magmura na naman ito.
“Joke lang, sorry na. Pero jba ka, mare. Wala pang two hours petiks ka na dyan, puro cellphone,”
I lean on the counter as I was imagining her pissed off expression.
“Asarin mo pa 'ko. Tignan ko lang kung mapakali ka dyan pag narinig mo sasabihin ko,”
Napaangat ako kaagad ng kilay. Ano naman ang trip ng bruha na 'to? Bahagya akong nag isip ng mga posibleng bagay na maging dahilan kung bakit ito tumawag. Bigla akong napangiwi.
“Is that your way of telling me na yari na naman ako sa mga boss pag pasok ko?”
Baka nagkaproblema na naman sa Rooms Division. Hindi naman bago iyon. Ang problema ko lang ay kung gaano kalaki ang problema. Napakamot ako ng noo. Minsan ito ang mahirap sa trabaho. Nasa bahay ka na nga pero yung utak mo parang naiiwan roon. Palaging maiisip mo na baka may kung ano'ng mangyari. Hindi naman ako pwedeng mag reklamo, the higher the position is, the greater responsibility - well, at least for the type of job I signed up for.
BINABASA MO ANG
YELO (P.S#6)
Romance"You know loving him and hoping that he'll love you back is like a shoot for the moon, right?"