8

1.6K 98 32
                                    

“It's okay, Dorothy. Ipapasundo na lang kita. You have work,”

“I can stay. What are you even doing na nagkakasakit na iyong bata?”

Hindi ako kumikibo habang kanina pa sila nag uusap. Based on what I saw, simula doon sa paghawak niya sa baywang nito at pag alalay niya, I think something is going on between them. I mean, the guy is mean but he treats her differently. I guess, may nahanap na din pala siyang iba after Mattee.

Judging from how attentive that Dorothy girl had been with Mataias, nararamdaman ko naman na she genuinely cares for the kid. Ayaw ko ring sumawsaw sa pag uusap nila dahil hindi ko naman iyon ugali. Hindi ko naman talaga sila parehong kilala. Mas lalo kong narealize na ang impulsive din talaga ng pagpunta ko rito. And what's even worse is that, I went here with an intention to make me feel better. Nandito ako para sa sarili ko. And after what happened earlier, bigla akong nakaramdam ng hiya.

Kanina pa na-examine ng mga doctor si Taias. I was kinda confused at first kung bakit parang aligaga ang mga staff sa ospital lalo na sa pag a assist sa kanila but I remember, they are Puntavegas. It's understandable. Hindi na rin ako magtataka kung pag aari ba nila ang ospital na ito.

Nanatili akong nakapwesto sa isa sa mga bakanteng upuan sa gilid ng silid. Nakatayo lamang si Alexander habang nakahalukikip. Hindi nito inaalis ang tingin sa anak na hanggang ngayon ay tulog pa. Taias looked better though. Nabawasan na ang pagiging maputla nito ngunit may lagnat pa rin. Hinihintay na lang namin ang resulta ng tests para malaman kung need ba niyang manatili muna rito o okay naman siyang iuwi. Sabi naman kanina ng mga doktor ay wala na siyang ibang sakit na dapat naming ikabahala.

I bit my lower lip as I stare at the child. Ang hirap palang makakita ng bata na may sakit. Your heart just aches so bad. Parang hihilingin mo na ikaw na lang ang magkasakit at huwag na iyong bata. It's just so painful to watch him suffer when you are there, living healthy.

Inisip ko, what if si Faye ang may anak? She would cry so bad. Baka mas lalo akong maiyak kapag nakita ko siyang nahihirapan.

They were talking seriously that I decided to leave. Lalabas na lang muna ako ng room para magpahangin. What happened earlier puts me in a panic. Isa pa, kailangan ko rin yatang mag isip.

So I quietly walked outside the room at mabilis na nakarating sa labas. Naglakad ako patungo sa direksyon ng malaking puno sa may bandang gilid ng parking lot. May lilim doon at medyo mahangin rin. Tirik na tirik pa rin kasi ang araw kahit hapon naman na yata.

Napabuntong hininga ako ng malalim.

Aalis nga pala ako dapat ngayon para bumalik kay kuya. I left my phone so hindi ko alam kung tumawag ba siya or something. Nagtext lang din naman ako kaning nagising ako at hindi ko rin naman alam kung susunduin ako nito.

But the thought of leaving Taias like that bothers me. Pakiramdam ko ay mas lalo akong hindi makakatulog kakaisip. And when he called his mom, I honestly got chills.

Ang sakit sa puso. I bet Mattee heard her child. Hindi ko maisio kung ano ang nararamdaman ni Mattee ngayon kasi ako, parang winawarak yung puso ko kanina.

Taias, he's still a child. Kailangan niya ng aruga at pagmamahal ng magulang. Isang araw pa lang ako roon pero hindi ko ba alam kung maaawa ako sa bata o ano. Sobrang clingy niya sa kanyang ama pero si Yelo...

Paano niya iyon nakakaya? Paano niya nagagawang huwag pansinin iyong anak niya?

I was drowning in my own thoughts kaya nagulat ako ng may biglang kumalabit sakin. Kaagad akong napapitlag at nasapo kaagad ng isa kong kamay ang aking dibdib. Paglingon ko ay nakita ko si Dorothy.

YELO (P.S#6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon