"Dito na lang tayo,"
"Ha?" nakanganga kong tanong.
Pinagtaasan ako ng kilay na tila ba para akong nahihibang dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Karga karga pa rin nito si Rikana.
He leaned a little. "Ayaw mong lumabas kaya dito na lang tayo. You already spent too much time with them the past days kaya sa'kin mo naman gugulin ang oras mo," diretsahan nitong bungad pagkaupo pa lamang naming dalawa sa magkaharap na couch.
He brought me into his room. Seeing how he was confident to bring me here, mas lalo kong nasiguro na hindi sila magkasama ng babaeng flower pot na iyon.
Kanina ay hindi ko pa lubos na maintindihan ang mga nangyari. Those words that he said, I wasn't really sure they were true. Hindi rin nagsink in sa utak ko lahat dahil sa bilis ng mga pangyayari.
He literally just dissed the hell out of her. Hindi ko sigurado kung ano dapat ang aking maging reaksyon but I can't say that I wasn't happy. I was really glad especially after the stunt she pulled last time. Kapag naiisip koi yon ay gusto ko biglang sabunutan ang kanyang buhok. She was very proud then na halos magpasama ng aking loob tapos malalaman ko na wala naman pala silang relasyon? Sa naisip ay hindi ko napigilan na hindi tapunan ng masamang tingin si Yelo.
"What?" inosenteng tanong nito na akala mo talaga ay walang ginawang masama.
"Magpapakita ka lang sa'kin kapag nasaktan na ako!" I hissed at him.
Nakagat ko ang pang ibabang labi at hindi na malaman kung ano ba ang dapat na sabihin.
I love him; I am sure of that. Simula noong magkahiwalay kami noon hanggang ngayon ay siya lamang ang laman ng puso ko. The space he has in my heart was never replaced and I doubt kung may iba pa bang taong kayang umokopa noon.
Napalunok ko. His stares are very intimidating. Parang tumataas ang mga balahibo sa aking batok dahil sa sobra niyang paninitig lalo pa nga at halos mawarak na yata ang aking dibdib sa sobrang lakas ng bayo sa loob niyon.
Why? Just why does he affect me this much? Parang sobrang unfair na halos mabaliw ako at mawala sa sistema habang siya ay mukhang hindi man lang apektado sa aking presensya.
Muling pumasok sa isip ko ang nangyari sa amin kagabi. Kaagad na namula ang aking pisngi dahil doon. I remember kuya Ae being there with us and sir Roy hearing everything! Nakakahiya!
"Arika?" pukaw nito sa aking atensyon. Naipilig ko ang aking ulo at hindi kaagad nakasagot.
I heard him sigh. "Did I do something wrong again?" he asked, tila ba nag aalala na naman.
Ngumuso ako. "I don't know what to say. I mean, it's been two years..." bulong ko. "A lot has happened," dagdag ko pa.
Sa dalawang taon, wala akong alam sa kung ano ang mga nangyari sa kanya. I know it was stupid and careless of me. Napakamali na darating siya at akong si tanga ay parang wala lang na makikipag sex sa kanya. At this point, gusto ko biglang sampalin ang sarili ko. I feel like I have lost all the respect that I have for myself.
And now darating siya rito na parang wala lang?
This feels so wrong.
Bago pa siya makapagsalitang muli ay may kumatok sa may pintuan. Kitang kita ko kung paanong kumunot ang noo ni Yelo bago tamad na tamad na tumayo habang karga pa rin si Rikana.
Panay pa rin ang katok ng kung sino roon kaya naman bahagya akong nag alala dahil baka mainis si Yelo. So when he opened it and didn't say a word, nabawasan naman ang aking kaba. Hindi ko kasi nakikita kung sino iyon.
BINABASA MO ANG
YELO (P.S#6)
Romance"You know loving him and hoping that he'll love you back is like a shoot for the moon, right?"