“Kanina ka pa tahimik, everything okay?” tanong ni Alexander. We were inside his car at tapos na rin kaming kumain. Hindi namin kasama si Taias at sa isang simpleng restaurant lang rin kami kumain. Wala akong gana kanina kakaisip sa sinabi ni kuya.
How come na si Yelo ang nang iwan e halos mundo na nga kung ituring ni Yelo si Mattee? And si kuya na rin mismo ang nagsabi, mahal na mahal ni Yelo si Mattee. Ang gulo, parang imposible.
“Ni hindi ka nag dessert, milagro,”
Muling pumasok sa isipan ko ang gabing lasing na lasing siya at ginusto na niya ring mawala. Iyon ba? Iyon ba ang magagawang iwan ang taong mahal niya?,
“Arika!”
Napakislot ako ng maramdaman ang kanyang kamay sa ibabaw ng aking hita. Mabilis akong napalingon sa kanyang gawi. I saw how he shake his head at binawi na rin ang kanyang kamay.
“Wala ka sa sarili. May nangyari ba?” I can sense the worry in his voice. Bigla tuloy akong nakonsensya. Kanina pa siguro niya ako kinakausap.
Sinundo na nga niya ako sa condo ni kuya pero ni hindi ko man lang siya napagtutuunan ng pansin.
“No, ahm," nag iwas muna ako ng tingin. I hate lying to him but what can I do?
"It's just that, iniisip ko lang si kuya and his struggle with Xavi,” pagdadahilan ko.
Sige, Arika. Sinungaling ka! Masjnog sana kilay mo! Pagsita ko sa aking sarili.
Gusto ko tuloy biglang katukan ang aking sarili dahil sa mga binibitiwang salita. Yes, I am really worried about them ngunit sa pagkakataong ito ay iba ang gumugulo sa aking isipan. But I can't tell him that, I'm not ready.
“Hm, understandable. Bago ako jmalis kanina, hindi pa rin nagpapansinan ang mag aasawa,” natatawa nitong sagot. Maging ako ay bahagyang natawa sa naisip. Apparently, hindi rin alam ng mga lalaki ang tungkol sa anak ni Kuya. Well, I guess maliban sa asawa ni Grey na hindi ko rin alam kung paanong nalaman. But, the moment Xavi called some of them as his ninang, doon na nagkagulo.
Hindi na nakuhang tumangi ng mga babae dahil kaharap nila ang mga bata nung nagka-aminan. I guess Xandria wasn't able to tell them that they are coming.
Ang mga lalaki naman, they were mad because they were left in the dark. Ang ending, there was a question about loyalty. Of course, the girls, except for Bobbie since she's not aware too, will be loyal to Xandria. But it's not like sasabihin ng mga lalaki kay kuya ang tungkol doon considering na halos dalawang taon pa lang yata mula ng makabalik sila ni Bobbie rito.
They were just disappointed. Ni hindi sila nakatulong lalo na si kuya Aedree na mas madrama pa yata sa mga buntis noong araw na 'yon. But at the end of the day, it was Xandria's choice. Sinunod lang din naman ng mga babae ang gusto nito. Not that I approve of it. Nanghihinayang kasi ako sa panahon na magkasama sana silang pamilya.
“Buti pa kayo nila Cloud, hindi naman kayo nahirapan sa mga bata. Taias follows you wherever you go,” dagdag ko pa. Si kuya ang tagal na ngang hindi nakasama si Xavi, hindi pa siya pinapansin ng bata. That is just so unfair!
“Your cousin is a capable man. I'm sure makukuha rin niya ang loob ng anak niya,”
Tumango na lamang rin ako at hindi na nagsalita pa. At least hindi na ito mag iisip kung ano pa ang gumugulo sa'kin.
Nang muling iniliko ni Yelo ang sasakyan ay bahagya akong nagtaka ngunit bago pa ako makapagtanong ay nauna na ito.
“Dadaan ako saglit sa opisina. I need to sign a few papers. Mabilis lang,” paliwanag nito. Tumango naman ako kaagad. Hindi pa ako nakakapunta sa opisina nila.
BINABASA MO ANG
YELO (P.S#6)
Romance"You know loving him and hoping that he'll love you back is like a shoot for the moon, right?"