16. Flashback Chapter 7 Pt. 4

28 2 0
                                    

Flashback pa rin po ito. Mahaba habang pagbabalik tanaw sa nakaraan pa ito. 5 chapters or so po ata ang mga flashback. Isasama ko na rin yung mga flashback sa iba pang chapters. Konting push pa matatapos ko na to.

xoxo

Douglas POV

Napabalikwas ako ng bangon. Anong klaseng panaginip iyon?

Sino sila?

Hylos? Helios? Kadita?

Sino sila?

Ang kilala ko lamang ay si Ornusa.

Nakaraan.

Alam kong nakaraan iyon ni Ornusa. Pero bakit ko nakita sa panaginip ko?

"Kuya? Are you awake?" Biglang sabi ni Anastasia sa isip ko.

"Yea, kagigising ko lang. Why?" Balik na tanong ko sa kanya.

"Breakfast na tayo. Saka gusto ka raw makausap ni Ama." Sagot nito sa akin.

Nag ayos na ako.

Bakit ko nakikita ang mga iyon? Bakit ko napaniginipan iyon?

Helios destiny ni Kadita.

Si Hylos naman destiny ni Ornusa. Masamang nilalang si Hylos kaya naging masama si Ornusa. Ganon yung pagkakaintindi ko kay Helios.

"Kuya!" Tawag sa akin ng kung sino. Ni hindi ko pinansin langoy lang ako ng langoy.

Biglang may tumapik sa akin tumingin naman ako sa tumapik sa akin at saka ko lang pinansin.

Tiningnan ko lang sya.

"Kanina pa kitang tinatawag di mo ko pinapansin. Anyare sayo?" Paghihimutok ni Anastasia habang na lumalanggoy kami papuntang hapag kainan.

"Mamaya ko sasabihin sayo." Sabi ko bigla sa kanya.

Makalipas ang ilang oras

Nasa throne room kami. Kasama kaming dalawa ni Ana bilang mga prinsipe at prinsesa ng kaharian. Katabi ni Ama si Nile dahil sya ang susunod sa pwesto nito.

Anastasia - si Inang Reyna - si Ama - si Nile at ako huli.

Kaharap namin ng mga taga konseho.

"Mahal na hari malapit na sumapit ang blue moon. Kelangan na natin maghanda." Biglang sabi ng punong konseho.

Ang blue moon ay may dalawang bagay na maaaring dala. Ang isa ay maaaring kasayahan or kapahamakan.

The last time na nagkaroon ng blue moon ay generation pa nina lola merill, kabutihan ang nanatili sa buong karagatan. In our generation its different. Kasi alam kong kasamaan ang dadating. Hindi ko alam kung may magagawa pa ba ako sa kalagayan ko ngayon.

Or may magagawa pa ba akong pigilan ang nakatadhanang mangyari. Pero kung mapipigilan ang nakatadhanang mangyayari gagawin ko na kahit na ano pang kapalit. Kung kamatayan ko pa ang kapalit magsasakripisyo na ako para sa buong karagatan. Ayoko ng gulo, ayoko ng kasamaan. Kabutihan ang mananatili sa mundo.

"Douglas?" Biglang tawag sa akin ni ama. Kaya naman napatingin ako rito.

"Ayos ka lang ba? Kanina ko pang napapansin na ang lalim ng iniisip mo. Hindi ka rin nakikinig sa pagpupulong natin. Hindi ka rin nagbibigay ng mga suwestyon mo na palaging ginagawa mo kapag may pagpupulong tayo." Sabi ng aking amang hari.

"Wala lang ito ama. Hindi lang siguro maganda ang gising ko. Wala po kayong dapat ipag aalala. Sasabihin ko naman po sa inyo kung may problema." Paninigurado ko sa kanya.

My Destiny is A Werewolf! [ON - GOING] | [ SLOW UPDATE ]Where stories live. Discover now