18. Continue of Flashback: The Prophecy

15 1 0
                                    

Third Person Point Of View

Habang lumilipas ang mga araw, linggo buwan at taon.

Patuloy ang pagsasanay ni Douglas sa pangangalaga ni Hylos. Walang nakakaalam sa pagsasanay nyang ito. Kahit ang kanyang ama, o ang kanyang kakambal. Mas minabuti nyang ito itago nya ang kanyang pagsasanay na ito para sa kakaibuti ni Hylos.

"Habang lumilipas ang sandali mas nagiging mahusay ka na sa paggamit ng aking kapangyarihan. Ngayon may ipapakilala ako sayo. Nang mahasa mo rin ang kanyang kapangyarihan." Pahayag ni Hylos kay Douglas.

Kunot noo na nakatingin lamang ito kay Hylos. Na para bang hinuhulaan kung sino ba ang ipapakilala nito.

"Gusto kong makilala mo ang aking destiny. Ang aking nakatadhana, Ornusa." Hylos.

Gulat na gulat na tiningnan ni Hylos ang pinakilala sa kanya. Hindi sya makapaniwala na kaharap na nya si Ornusa. Na nakikilala lang nya sa kwento ng mga ninuno nya. Hindi nya ito inaasahan.

Douglas POV

Hindi ko ito inaasahan.

Sabagay immortal si Hylos. Kaya siguro naging immortal na rin si Ornusa dahil ng kanyang destiny.

"Kinagagalak kong makilala ka Douglas." Sabi ni Ornusa sa kanya.

"Tama ba ang haka haka ko? Kaya ka naging immortal din ay dahil kay Hylos." Pahayag ko dito. Hindi tanong kundi pahayag ko sa kanilang dalawa.

Ngumiti naman ito sa akin tumango.

"Kung ganon, simulaan na natin ang pagsasanay ko sayo." Sagot ko sa kanya.

Hylos POV

Habang tumatagal mas nagiging bihasa sya. Madali din syang matuto sa kung ano man ang ituro ko sa kanya. Alam kong magiging madali rin ang pagtuturo sa kanya ni Ornusa.

Alam kong sa mga susunod na araw mauungkat na ang tunay na nangyari noon. Hindi na namin maiiwasan kung ano ba talaga ang totoong nangyari noon. Malilinis ko na rin ang pangalan ng babaeng mahal ko.

Kung hindi ko man nagawa noon. Ngayon magagawa ko na.

Puputulin ko ang kasamaan ng kapatid ko. At ng babaeng iyon.

Habang pinapanuod ko ang pagsasanay ng dalawang ito.

"Hylos.."

Narinig kong tinawag nya ako kaya naman palihim akong umalis sa pagsasanay. At pinuntahan ko ang tumawag sa akin.

Nasa loob na ako ng kweba ng makita ko sya.

"Kamusta ang pagsasanay ng isang taga bantay?" Tanong nito sa akin.

"Maganda ang nagiging daloy ng kanyang pagsasanay. Wala kang dapat ikabahala. " Sagot ko sa kanya.

Ang babaeng nilalang na ito ay syang katulong namin noon upang makatakas sa kamay ng aking kapatid. Sa lahat ng nilalang na hindi ko inaakalang tutulong sa amin sya.

Kung sino ang destiny pa ng kapatid ko ang tumulong sa amin.

"Kadita." Biglang tawag ko sa pangalan nya.

Tumingin lamang ito sa akin.

"Wala ka pa bang balak sabihin sa tapagligtas?" Tanong ko dito.

"Di sa akin nakatadhana na malaman nya ang totoo. Ang tutulong sa kanya upang masupil ang kasamaan ang magsasabi ng totoo. " Sagot nito sa akin.

Si Douglas ang magsasabi sa tagapagligtas?

"Tama ang iyong haka haka. Sya ang magsasabi sa tagapagligtas. Hindi pa panahon para malaman nila ang totoong nangyari. Sa ngayon ipagpatuloy nyo lang ang pagsasanay sa kanya. Habang ako'y patuloy pa ring binabantayan ang tagapagligtas." Mahabang paliwanag nito sa akin.

My Destiny is A Werewolf! [ON - GOING] | [ SLOW UPDATE ]Where stories live. Discover now