1.

85 3 0
                                    

Desmond's Point of View

Nakatingin lang ako sa kawalan. Habang iniisip ko pa rin ang aking mate. Hindi ko malamang dahilan kung bakit bigla syang umalis. Pagkatapos kong sabihin sa kanya ang salitang mate bigla na lamang syang tumalon sa dagat. Pinilit kong sundan sya kung saan sya lumangoy pero hindi ko sya naabutan pa.

Ilang araw na rin ang lumipas ng full moon hindi ko pa rin sya nakikita.

"Alpha desmond?"

Tumingin ako sa tumawag sa akin. Ang aking beta.

Ako nga pala si Desmond Swiss ang Alpha ng Dark Wolf.

"Kelangan na natin maghanda papunta sa main land. Para sa mga pagpupulong na magaganap. " Sabi ni Beta Archie.

"Sige. Ikaw na bahala. Sabihin mo na lamang sa akin kung tapos na ba para ma icheck ko." Ako

"Yes alpha."

Isang malalim na bumuntong hininga ang pinawalan ko.

"Ang lalim ata nun Des." Sabi ni Archie.

Anjan pa pala sya. Hindi ko napansin akala ko kasi umalis na sya. Yun pala umupo lang sa sofa na meron dito sa office ko.

"Pansin ko lang or namin ng nasa pack. Simula ng full moon. May nagbago sayo." Sabi nya.

Malapit kaming dalawa para na kaming magkapatid. Magkapatid na nga ang turingan namin eh. Sabay kaming lumaki saka sabay na rin kami nagtraining para sa pagiging alpha ko at sya bilang beta nya.

Kilalang kilala namin ang isa't isa.

"I found my mate." Sabi ko sa kanya.

"You already found the luna of our pack."

"Yes, but I don't know her. Bigla syang umalis ng sinubukan ko sya lapitan."

"Makikita mo rin sya."

"Sana nga."

Aquarius POV

Hi everyone, I am Aquarius Oceania Waves.

O di ba pangalan palang alam mo nyo na kung ano ako.

I am the queen of ocean.

Ilang araw na ang nakalipas simula ng makita at mahanap ko ang destiny ko.

Ang destiny ay yung mga sireno o sirena na nakatadhana na makasama namin pang habang buhay. Kung para sa mga werewolf ay soulmate or mate. Sa mga vampire ay beloved or their eve. Sa amin ay destiny.

Sinusubaybayan ko sya sa pamamagitan ng tubig. Nakikita ko sya gamit ang tubig. May kontrol ako sa tubig kahit na anong uri ng tubig kayang kaya kong kontrolin yan ang kapangyarihan ko. Basta may tubig na malapit sa kanya kaya ko sya makita at makausap pero sa ngayon hindi ko muna sya makakausap gamit ang tubig.. Hanggang duon lamang ang magagawa ko ang makita sya sa pamamagitan ng tubig.

Sa ngayon nakikita ko sya kausap ang kanyang beta. Pinag uusapan nila ako na nakita na nya ako. Isa pala syang alpha.

Isa akong sirena na may kakaibang buntot gray bluish ang buntot ko. Naiiba sa karamihan.

Ang pangkaraniwan na buntot na meron dito ay blue or kaya naman iba ibang kulay pa. Isang kulay lang para sa isang pang karaniwang uri ng sirena.

"Queen" tawag sa akin ng aking kaliwang kamay ko.

Si Clave.

"Napapansin kong parang malalim palagi ang iniisip mo at ang lalim ng mga buntong hininga mo. May problema ba aqua?"

My Destiny is A Werewolf! [ON - GOING] | [ SLOW UPDATE ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon