10.

57 2 1
                                    

Aquarius POV

Ilang araw na ako dito sa pack nina Desmond. So far so good naman ang pagsstay ko. Wag lang dumating yung hitad na yun.

At dahil busy si Desmond sa mga dapat nyang gawin. Nag iisa akong naglilibot wala din kasi Desiree ngayon may mga dapat din sya asikasuhin. Si Dive naman ayun trinitrain ang mga delta ng pack.

Habang naglalakad ako may nakita akong mga binatang pack members. Dinaanan ko lang sila.

"Naku patay! Tatama yung bola sa Luna! Malalagot tayo sa Alpha kapag nasaktan mate nya!" Biglang sigaw ng isang binata. Naglalaro kasi sila ng soccer.

Kinumpas ko lang ng bahagya ang kamay ko. Para mapigilan ang pagtama ng bola sa akin.

Ibinabalik ko na ang bola sa mga naglalaro  gamit ang tubig.

"Wow! Ang galing!" Sabi bigla ng isang pup.

"Sorry po Luna." Hinging paumanhin sa akin ng mga naglalaro.

Ngumiti ako sa kanila.

"Okay lang hindi naman ako natamaan." Sabi ko sa kanila.

"Luna paano nyo po nagawa yung patigilin ang bola gamit ang tubig?" Tanong ng isang pup sa harap ko. Lumuhod naman ako para maging kapatay ko ito. Nakita ko pang nanlalaki ang mata ng isang babae para bang nagulat na nasa harap ko na agad ang anak nya.

"Eto ba?" Inianggat ko ang mga kamay ko sa bandang dibdib ng batang ito. Ay may mga lumabas na tubig na nagsasayawan.

Manghang mangha naman ang mga nakakita. Lalo na yung mga pups. Kaya ayan ang nangyari mga naglapitan yung mga pups sa akin.

Nag magic show na tuloy ako. 

Madami pa akong tricks na ginawa para mapasaya yung mga nanunuod.

Napapangiti nalang ako habang nakikita silang masaya.

Sana palagi nalang ganito.

Yung masaya at walang gulo.

Pero alam kong hindi palaging ganon ang takbo ng Buhay. Mapatao man o kung anong nilalang ka pa.

Desmond's POV

Anong meron?

Bakit nag uumpukan ang pack members ko?

Hindi nila napapansin ang pagdating ko dahil halata naman silang busy sa kung ano man ang pinapanuod nila.

"Alpha!" Napansin naman ako ni Arman na isa rin sa mga nanunuod.

"Anong meron?" Tanong ko dito habang naglalakad sa umpukan ng members.

"Magic Show alpha!" Sabi nito.

Magic show?

Pagtingin ko sa sinasabi nyang magic show nakita ko ang mate ko na naglalaro ng tubig.

Naglalaro lang sya pero para sa mga nakakita para syang nagttricks gamit ang tubig. Ang saya nyang tingnan habang nakikipaglaro na ng tuluyan sa mga pups.

Ang ganda nya talaga lalo na kapag nakangiti. Yung mga totoong ngiti katulad ngayon.

Napansin ata nyang andito ako nanunuod sa kanya. Ngumiti ito sa akin at kinumpas ang mga kamay. Biglang may mga tubig na pumalibot sa akin at inaakay ako papunta sa mate ko.

Nabigla ako ng nasa loob na kami agad ng isang bubble at lumutang paangat kaya napatingin ako sa mga pack members ko na hindi lamang kami ng mate ko ang nasa bubbles maging sila din.

Biglang may mga waves sa paligid parang nakikita namin ang kailaliman ng karagatan yung parang mga water mesuem sa ilalim ng dagat parang ganon. Ang pinagkaibahan nga lang nasa bubbles kami. Nakikita namin lahat ng uri ng isda at kung ano ano pa.

My Destiny is A Werewolf! [ON - GOING] | [ SLOW UPDATE ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon