20. Prinsesa Ornisa

13 1 0
                                    

Ornusa POV 

Ang hirap palang maging isang reyna. Ngayon naiintindihan ko na si Kadita kapag nangungulit sya sa akin upang inisin ako. Yun nalang ata ang nagiging pahinga nya noon ang asarin ako o  kaya naman inisin ako. Makaalis sya kahit saglit sa trono nya. Kaya eto ako ngayon ako naman ang nangungulit sa kanya ngayon.

"Ano ate? Naiintindihan mo na kung bakit kita laging kinukulit noon?" Masayang sabi nya sa akin na kinatawa ko lang din ngayon. 

"Oo naiintindihan na kita ngayon." saad ko sa kanya. 

"Mga mahal na reyna, Nandito po ang hari ng black siren kingdom." Paalam sa amin ng isang taga sunod

Naninibago pa rin ako sa kanyang itinawag sa akin.

Nakita kong pumasok na sya. At umupo sya sa harap ko. 

"Alam ko na kung ano ang binabalak ng kapatid ko. Alam ko na rin kung sino ang kakampi nya upang maisagawa ang plano nya." Diretsong saad nya sa amin. 

Hindi ko alam pero para akong kinakabahan sa kung ano man ang sasabihin nya lalo na sa mga panunuring tingin nya sa akin. Na para bang may alam sya na hindi ko alam. Sana mali ang hinala ko.

Sana hindi tungkol kay Ornisa ang sasabihin nya. Sana mali ang hinala ko na kasabwat ni Ornisa si Helios.

"Paano mo nalaman?" Tanong nang aking kapatid kay Hylos.  

"Umuwi ako sa aming palasyo. Doon ko sya narinig na may kausap."  Sagot nito sa amin 

Hylos's POV 

Nagsimula na akong magkwento sa kanilang dalawa. Habang nagkkwento ako sa kung anong narinig ko usapan ng kapatid ko at ng kasabwat nya nakatingin lang ako sa aking destiny na inaaral ko ang kanyang ekpresyon

"Sinasabi mo bang si Ate Ornusa ang kasabwat ng destiny ko?"  Tanong ni Kadita sa akin na ngayon matamang nakatingin sa kanyang kapatid

"Kaboses nya at nakita ko rin ang mukha nya ng sumilip ako saglit. At sigurado ako na sya ang kausap ni Helios. Pero nagtataka ako kasi hindi ko man lang naramadaman na nasa paligid sya at ganon din sya. Hindi nya alam na andon ako." Saad ko sa kanya 

"Reyna Ornusa, baka gusto mong magpaliwanag sa kung ano man pahayag ng iyong destiny." 

"Hindi ako ang nakita mong kausap ni Helios, my destiny!" Sasad  nya sa akin

"Kung hindi ikaw sino? Sigurado ako sa nakita at narinig ko. Imposible na dahil palihim kong ginamit ang kapanghariyan ko." Saad ko  sa kanya 

"Si OrnisaAng aking kakambal." Matamang nakatangin sa amin na para bang sinusuri nya kung ano bang magiging espresyon namin sa sinsabi nya 

"May kakambal ka? Bakit hindi ko alam. Bakit hindi nyo man lang sya nababangit nina Ama sa akin?" Diretsong tanong ni Kadita sa kanyang kapatid. 

"Dahil si Ornisa ay aking kabaliktaran. Kung anong kinsama ng kapangyarihan namin ay yun ang kabutihan na nanalaytay sa aking puso kabaliktaran naman kay Ornisa. Masama ang hanggarin ni Ornisa sa ating lahat." Ornusa 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 04, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Destiny is A Werewolf! [ON - GOING] | [ SLOW UPDATE ]Where stories live. Discover now