Twenty-nine

34.5K 1.1K 355
                                    

CALLIA

        

Nanginginig akong hawak ang test kit habang nakaharap sa salamin. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Hindi ko alam kung anong unang iisipin ko.

               

"Are you done?" tanong ni Aeignn mula sa kabilang pinto.

            

"L–Lalabas na 'ko," utal na tugon ko sa kaniya saka ako huminga ng malalim. Nakakapanglamig sa pakiramdam.

                    

"I'm waiting, Callia. Don't you dare fool me. Alam kong buntis ka na, kailangan ko lang talaga ng ebidensya," may pagbabantang wika niya.

        

Nagsimula akong humakbang papalabas ng banyo at nagulat ako sa nakita ko. Si Aeignn ay tila nagpapanggap na malakas pero putlang-putla.

               

"Ayos ka lang ba?" natatarantang wika ko sa kaniya.

            

"Ayos na ayos lang ako," hindi ko alam pero tila pinapatatag lamang niya ang tinig niyang iyon.

             

"Aeignn, may masakit ba sa'yo? Tell me. Hindi ako manghuhula," wika ko sa kaniya. Pangsamantala kong nakalimutan ang test kit.

               

"Ayos lang ako. Tao ako. Parte ng pagiging tao ko 'to," sagot niya ngunit tila wala naman siya sa sarili niya habang sinasabi niya 'yon. It's weird. This was the first time I saw him like this. Hindi ko alam kung napapano siya. Nagsisimula na akong kabahan.

           

Inabot ko sa kaniya ang test kit na hawak ko saka ako mabilis na tumungo sa kama at nagtalukbong ng comforter. Ayokong makita ang reaksyon niya sa resulta ng test kit.

               

Hindi ko alam kung anong ginawa niya sa test kit, ngunit bigla na lamang akong nakarinig ng malakas na kalabog kaya't agaran akong napabangon. Nakita ko si Aeignn na patagilid na nakabulagta sa sahig... nakatalikod sa gawi ko.

            

Agad kong kinuha ang baril sa may drawer at mabilis kong tinignan ang mga bintana kung mayroon bang mga assassin... ngunit wala. Dumulog ako kay Aeignn at 'pag hawi ko sa balikat niya ay nakita kong dilat siya at bumubulong-bulong.

               

"Panatang Makabayan, iniibig ko ang Pilipinas. Aking lupang sinilangan. Tahanan ng aking lahi. Kinukupkop ako at tinutulungan. Maging malakas, masipag at marangal. Dahil mahal ko si Callia, susundin ko ang payo ng aking mga magulang, diringgin ko ang tuntunin ng kamahalan, tutuparin ko ang tungkulin ng isang amang makabayan, magtitimpla ng dede, mag-iiwi, at mag-aalaga ng buong katapatan." Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko mula sa kaniya. Anong naririnig ko ngayon!? Anong version ito!?

          

"AEIGNN!" saka ko pa siya ginalaw-galaw ngunit tila wala itong talab sa kaniya.

                

Halos panawan ako ng malay-tao nang bigla na lamang siyang bumangon na tila wala lang ang nangyari at sa gulat ko ng todo ay humarap siya sa malaking salamin at biglang nag-monologue ro'n.

              

"Bakit niya kaya nagawa 'yon? Am I not enough? May kulang ba sa'kin? May mali ba sa'kin? Pangit ba 'ko? Pangit ba ang katawan ko? Kapalit-palit ba 'ko? Then, whyyyyyyyyyyyy!!!?"

The Vicious Agent (Freezell #9) [Completed]Where stories live. Discover now