Eight

33.6K 1.4K 440
                                    

CALLIA

     

Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Tila ako nanginginig. Tila ako hindi makapaniwala sa narinig ko mula sa kaniya.

           

"Anong karapatan mong gawin sa akin ito!? Nag-usap na tayo tungkol dito, Aeignn!" Gustong-gusto ko nang umiyak. Gustong-gusto ko nang magwala. Gusto kong ibuhos lahat ng hinanakit ko.

            

"I have all the rights, Callia. Alam na alam mo 'yan," saka niya ibinaba ang baril at nginisian ako na animo kahit anong gawin ko, ay ang nais niya pa rin ang masusunod.

           

"I don't fucking care! Migo and I will never split up—"

        

Bigla niyang pinaputok ang baril at tinamaan nito ang isang babasaging vase na may maliit na halaman. "I guess, you really want him dead," wika niya at nakita kong bumalatay sa mukha niya ang napakaseryosong reaksyon. "Wala akong sinabi na hindi ko ginawa," nahintakutan ako sa paraan ng pagkakasabi niya no'n.... dahil alam ko.... alam kong kayang-kaya niyang patayin si Migo.
          

Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko sa kakapigil ng sakit ng dibdib at luha na nais kumawala mula sa akin. "Why do you keep on manipulating me? Why do you keep on doing this to me—"

             

"Because you are mine, Callia. Sa akin ka. Lahat ng mayroon ka ay para sa akin. Hangga't hindi kita pinagsasawaan, hindi ka makakawala mula sa mga kamay ko," aniya saka tumayo mula sa kinauupuan niya at nagsimulang maglakad patungo sa akin habang hawak pa rin niya ang baril sa kaliwang kamay niya.

           

"WHEN WILL YOU EVER LET ME GO!? KAILAN MO 'KO PAGSASAWAAN!?" Hindi ko na napigilang isigaw kasabay no'n ay ang pag-agos ng mga luha ko.

              

Nakalapit siya sa akin at bigla niyang dinakot ng isang kamay niya ang magkabilang pisngi ko saka niya iniangat ang ulo ko upang magtama ang mga mata namin.

         

"Pakakawalan lang kita kapag patay na 'ko, Callia. I will never give you and your fucking lover your good days to enjoy... dahil kapag namatay ako, sisiguraduhin kong patay rin siya," walang emosyong wika niya sa akin ngunit dama ko ang galit niya sa masakit na pagkakapisil niya sa mukha ko. "I am a demon? You must've underestimated me, Callia. I'm not just a demon. I am the king of hell. I will make your lover experience how hell tastes like," aniya saka pabalang na binitawan ang mukha ko.

        

Mabilis kong hinawakan ang kamay niya saka ako lumuhod sa kaniya. "A–Aeignn, please. Huwag si Migo. Nagmamakaawa ako sa'yo. Ibibigay ko lahat, huwag mo lang gagalawin si Migo—"

        

Mabilis niyang inagaw ang kamay niya sa akin na nagpahinto sa akin sa pagsasalita. "And you're fucking willing to kneel in front of me just for that guy? You're stepping on my ego, Callia," aniya kaya't napatingala ako sa kaniya at ang mapait niyang ngisi ang sumalubong sa akin.

              

"Just please, not him. I'm begging you."

              

"Nagmakaawa rin ako sa'yo noon, Callia, pero wala kang ginawa. Nagmakaawa rin ako sa'yo noon, but you made me like this... you made me the most cruel man alive," mabilis akong napayuko sa narinig kong iyon mula sa kaniya. Malaki ang pagkakautang ko kay Aeignn. Malaki ang naging kasalanan ko sa kaniya. Isa ako sa pinakamalaking dahilan kung bakit naging demonyo siya.

The Vicious Agent (Freezell #9) [Completed]Where stories live. Discover now