Twenty-one

29.1K 1.1K 206
                                    

AEIGNN

  

Nakatitig lamang ako sa larawan namin dito sa loob ng opisina ko. Mapait akong napangiti at napapahid ng butil ng luha na kumawala sa mga mata ko.

         

Ang tagal kong inasam na mahalin niya rin ako, ngunit tila nais talaga kaming kontrahin ng sitwasyon.

           

She's more than just an agent. Callia...... she's  neither more than or below someone's expectation. Kailan ko lamang nalaman ang mga ilang nalalaman ko, at halos hindi ito ma-proseso ng utak ko.... kasabay pa nitong biglaan niyang pagkawala.

       

Kinuha ko ang larawan at hinaplos ko iyon. "Ang hirap mong mahalin. Mula noon, hanggang ngayon, tila hirap na hirap akong sungkitin ka pati ang tiwala mo."

      

*****

    

"Dude!" Ayaw ko man sanang pansinin ang pagtawag na iyon ni Russell ay nilingon ko na rin. Hindi siya titigil kung hindi ko siya papansinin.

    

"What's your problem?" Walang emosyon na wika ko rito at ngumisi lamang siya sa akin ng nakakaloko.

           

"Nag-aaya si Paolo, Clarence at Davidson mamaya. Alam kong hindi ka sasama kung simpleng aya lang, pero dude, there are women na inimbita ni Clarence from IT department," anito sa akin na animo sayang-saya at handang-handa sa kung ano man ang kaganapan mamaya.

                 

"I won't still go. Marami akong kailangan asikasuhin—"

            

"One piece collector's item," putol niya sa akin ngunit pinaningkitan ko lamang siya ng mata.

             

"I just got mine, stop luring me. Not fucking effective," nakangisi kong wika sa kaniya at tuluyang bumagsak ang balikat niya.

         

"'Tang ina, Aeignn. Kailangan ka namin. Hindi pupunta 'yong mga babae kung wala ka," pagtatapat niya sa akin at muli ko siyang tinapunan ng nakakalokong ngisi. Just as I suspected. They used me again to lure those women.

                 

"Noon ko pa kayo sinabihan na huwag n'yo 'kong ginagamit sa mga katarantaduhan n'yo—"

              

"Just this once, dude. Promise, una't huli na 'to," halos nagmamakaawang wika ni Russell sa akin kaya't wala akong nagawa kung hindi bumuntong hininga at tanguan siya.

               

"Una't huli. Fine."

           

"IRONIC bar, 9pm," pahabol na wika niya saka pa tinapik ang balikat ko at tumakbo paalis.

      

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa mahagip ng tingin ko ang isang babae sa ilalim ng malaking puno ng acacia at mukhang kumakain ng pananghalian. Ito ang unang pagkakataon na makita ko siya rito sa tinatambayan ko. She looks so timid and an outcast.

The Vicious Agent (Freezell #9) [Completed]Where stories live. Discover now