Chapter 4

323 18 2
                                    

Chapter 4: Chasseur/Hunter

---

HANGGANG ngayon hindi pa din malinaw sa akin ang mga pangyayari. Sobra sobra ang expectation ko na kaming magkakaibigan ang napabilang sa Elite, pero hindi pala. Bakit sa aming apat ako lang? At diba sabi ni Surah na makakasali lang ang isang estudyante sa both group kapag may napatay na ito.

Pero bakit ako, wala pa akong napatay, pero bakit nagiging Elite ako? Anong nangyari? Ano na namang trip ng mga tao dito sa paaralang ito?

Ang gulo!

"France, tara na. Let's go to our dorm. 5:30 na ng hapon, malapit na ding gumabi" untag ni Ellice sa akin.

Kaming dalawa nalang kasi ang natira sa class room namin dahil nauna na sina Ella at Amanda. Sumakit kasi ang tiyan ni Ella kaya sinamahan siya ni Amanda pauwi ng dorm.

"Ah, mauna kana, Ellice. Susunod ako"

Nagsalubong naman ang dalawang kilay niya. "What? Alam mo naman na mapanganib diba? Anong gagawin mo?"

"Ellice, don't worry. Regular class today. Hindi killers day ngayon kaya wala tayong dapat ipag-alala" nginitian ko siya.

Bumuga muna siya ng hangin bago kinuha ang mga gamit ko. "Sige, ako na mag dadala nito"

Tumango ako.

Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa nawala na siya sa aking paningin.

Tumayo ako at lumabas na din ng class room namin. Palubog na ang araw at wala na din masyadong estudyante. Kaunti nalang ang naglalakad sa hallway at sa tingin ko kanya-kanya na silang pumunta sa dorm nila.

Ang aga naman ata nilang umuwi sa kanya-kanyang dorm nila. Hindi naman killers day ngayon, bakit parang natatakot pa din ang iba?

Psh!

Kinuha ko ang phone ko na nasa bulsa ng palda ko at tiningnan ang oras.

5:50 pm na. 10 minutes nalang mag 6 pm na.

Not bad. May oras pa ako upang libutin ang buong paaralan. Baka may mahanap akong paraan kung paano makalabas sa paaralang ito. Nag lakad lang ako ng naglakad. Paunti-unti na din ang mga estudyanteng nakikita ko.

May nadadaanan pa ako na parang nagtataka kung bakit pa ako nagliliwaliw sa buong paaralan samantalang sila ay nagkanya-kanya ng pumasok sa mga dorm nila. May mga tumatakbo pa nga na parang takot na takot makita sa mga kinatatakutan nila.

Napailing nalang ako habang pinagpatuloy ko ang paglalakad. Padilim na din ng padilim. Binuksan na nga ang mga ilaw sa poste at ang sinag ng araw kanina ay napapalitan na ng sinag ng ilaw sa bawat poste at bawat class room na madadaanan ko.

Tiningnan ko uli ang celphone ko at nakita kong one minute nalang mag 6 pm na. Ibinulsa ko ang celphone ko ay tumingin sa dinadaanan ko. Malapit na ako sa building na pinapasukan namin kagabi nang bigla nalang tumunog ang bell.

Nagtataka naman ako dahil kanina pa tapos ang huling klase namin, bakit tumunog na naman ang bell? Napailing nalang ako habang pinagpatuloy ko ang balak kong pagpasok sa PCB.

Ang meaning ng PCB ay Posaidon cage building. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng Posaidon, basta ang alam ko lang ay ang cage.

Pero bakit parang wala naman akong nakitang nakakulong dito? Sabagay malaki nga pala ang building. Natagalan nga kami nung sumakay kami sa elevator papunta sa pakay namin, eh sa last floor pa 'yon, ibig sabihin sobrang laki ng building na 'to. Kaya kung may ikinulong man sila rito, iyon ay hindi ko pa nakita.

Lost University (ON GOING)Where stories live. Discover now