Chapter 7

808 43 31
                                    

Chapter 7: Best Friend, Best Enemy

---

PAGLABAS ko sa office ng Elite ay napag isipan kong dumeritso nalang sa pangatlong subject namin, ang physic. Last subject nalang 'to lunch break na. Kailangan kong bumawi dahil kahit mag papatayan pa kami dito, kailangan ko pa din ang grades ko. Pwede kong dalhin 'yon sa impyerno.

Napailing nalang ako sa sariling biro. Sa sobrang bigat ng pangyayari sa amin kailangan din pala kalimutan kahit minuto lang. Kapag patuloy ko kasing iisipin 'yon, pakiramdam ko mababaliw ako.

Ayaw ko naman mabaliw noh.

Nasa kalagitnaan na ako ng hallway ay may babaeng bigla nalang humarang sa dinaraan ko.

Salubong ang kilay kong tiningnan ang mukha niya.

Ito ang babaeng nakita ko sa office ni Hussien at office ng headmaster noong nakaraang araw. Yung babaeng grabe kung tumitig, na para bang nakakamatay ang pamamaraan ng pag titig niya.

Bigla namang nag init ang ulo ko dahil sa isiping 'yon.

"Get out of my way" hindi ko na siya tinanong pa kung anong kailangan niya dahil alam ko namang hindi maganda ang sasabihin niya.

Umawang naman ng bahagya ang labi niya. "I really can't believed kung paano ka nakapasok sa Elite. You're nothing, a nobody and you're just like a mess, guguluhin mo lang ang lahat. Why they can't see that?"

Hindi naman ako makapaniwala sa mga pinagsasabi niya. Alam ko naman na naiinggit siya, halata naman. Pero ang lakas naman ng loob niyang sabihin ang lahat ng 'yan sa harapan ng isang chasseur.

Damn her!

Sabagay hindi niya alam, baka kapag nalaman niya, siya na mismo ang kumitil sa sarili niyang buhay.

Ngumiti ako ng mapakla. "Kaunti lang 'yung sinabi ko, pero ang dami nang lumabas diyan sa bibig mo? I'm not wondering why you're acting like that. Besides, we're not know each other. Hindi ko alam kung kailangan ko pa bang itanong ito sa'yo"

Ginaya naman niya ang ngiti ko na para bang nang-aasar.

"Go on. Ask me anything you want. I'm not that stupid para hindi masagot ang tanong mo" sabi niya habang nakangiti pa din na parang baliw. Panay pa ang tingin niya sa kabuohan ko.

"Are you insecure? Because the way you act when you see me, nahahalata ko talagang sobrang insecure mo sa akin" hindi ko din inalis ang nakakaasar kong ngiti.

Akala niya siya lang marunong, wala akong pakialam kung mas matagal na siya sa paaralang ito kumpara sa akin. Hindi niya ako matatakot.

Nakikita ko naman na naiinis na siya. "How dare you to say that? Don't you know who i am?"

"Well i don't know who you are, and i don't fvcking care" tinaasan ko muna siya ng kilay bago ko siya tinalikuran.

Pero naudlot lang ang pag hakbang ko dahil mahigpit niyang hinawakan ang braso ko.

"I'm not done talking to you. Ganyan kaba kabastos? Hindi ka marunong rumispeto sa nakakataas sa'yo?"

Sa sinasabi niyang 'yon ay hindi na ako masyadong nagulat. Tama talaga ang kutob ko na may position siya sa PRIME STUDENT COUNCIL.

Kung nakita ko siya sa office ng headmaster at sa office ni Hussien, ibig sabihin hindi lang siya basta-basta na estudyante.

Tama. Siya si Daeva Obel. Ang secretary ng PSC.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 07, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Lost University (ON GOING)Where stories live. Discover now