Chapter 6

320 22 6
                                    

Chapter 6: Lason

---

MALAYA akong gumagala dito sa loob ng LU. Naka suot ako ng pang disguise ng chasseur ng Elite. Naka black leather jeans at leather jacket ako habang may suot na purple mask na kalahating mukha lang ang matatakpan.

Alas dose na nang gabi. Tapos na din ang curfew ni Prime. As usual, nakasabit pa din ang katana ko at nasa loob ng magkabilang boots ko ang blade card at red card. Malalim na ang gabi pero may nakikita pa din akong nag palaboy-laboy. Lahat sila naka purong itim at naka maskara na kulay itim.

Naalala ko tuloy ang babaeng naka encounter ko kanina. Magkatulad ang mga suot nila pero dilaw lang ang maskara nung babae kanina sa dorm namin.

May nakita akong isang lalaki malapit sa rest room, at gaya nung iba ay naka purong itim din ito. May kausap itong babae na parang takot na takot sa kanya. Pinagmasdan ko lang sila mula dito sa kinatatayuan ko. Hinablot nung lalaki ang buhok ng babae at tinutukan nito ng kutsilyo ang leeg ng babae.

Mula dito ay dinig na dinig ko ang pigil iyak ng babae. Parang takot siyang may makakita sa kanila. Isang bagay lang ang nahahalata ko, tinakot ng lalaking 'yon ang babae. Kaya hindi magawang sumigaw ng babae dahil parang pinagbantaan niya ito.

Kinuha ko ang blade card ko sa boots ko at pwersahang hinagis ko ito sa direction ng lalaki.

"Boom" saad ko ng biglang tumama ang blade card ko sa leeg ng nito.

Kahit nangingisay habang takip ang leeg niyang may sumirit na dugo ay nagawa pa din niyang lumingon sa gawi ko. Nasa malapit na nila ako kaya kita ko ang buong expression niya.

"C-Chasseur n-ng Elite" tanging nasambit niya bago siya binawian ng buhay. Isang hakbang patungo sa kanya ang ginagawa ko at idinikit ko ang red card sa noo niya.

"My first victim" nakangiting saad ko. Pinagpag ko ang kamay ko pagkatapos kong pulutin ang blade card na nahulog sa lupa.

Binalingan ko ang babae. Ang takot na nakita ko sa mukha niya kanina ay mas dumoble pa ngayon. Nanginginig ang buong katawan niya at parang hindi siya makakilos.

Bumuntong hininga ako at lumapit sa kanya. "Don't worry, i won't kill you"

Iniwan ko ang babae na hindi pa din nakabawi sa takot. Nilibot ko ang buong university. Nag babaka-sakaling akong makita ko uli ang babaeng naka bangga ko kanina sa dorm namin. Ngunit kanina pa ako nag palakad-lakad dito sa buong university, pero wala akong nakita na naka mask ng kulay dilaw.

Malakas ang kutob ko na ang babaeng naka bangga ko kanina ay ang chasseur ng Ukkanawa. Malalaman ko din 'yon.

Bigla akong napahinto ng madaanan ko ang building kung saan kami dinala ni Hussien noong una. Naisipan kong pasukin ito upang tuklasin kung ano ang nasa loob. Alam kong sobrang laki ng building na 'to pero mag babaka-sakali pa din ako na sana mahanap ko kung saan parte ang cage dito.

Yes, alam kong ang buong building na 'to ang kulungan, but i have to make sure kung saan nakalagay ang mga bagay na tinatago nila. Malakas ang kutob ko na maraming nakatagong sekreto dito sa loob ng paaralang ito.

Palaging may mali sa bawat kilos ng mga taong nakapaligid sa amin. I need to find out the truth.

Inalam ko ang buong paligid dito sa loob ng building. Tahimik na at wala na akong nakikitang taong nag liliwaliw dito sa loob. Binilisan ko ang bawat hakbang ko upang libutin ang ground floor. Hindi na ako nag abalang sumakay pa ng elevator dahil wala naman sa ibang palapag ang pakay ko.

Gusto ko munang dahan-dahanin ang bawat bagay na gusto kong matuklasan, at uunahin ko ang ground floor.

Sa haba ng aking nilakbay dito sa malaking ground floor ng PCB ay may nakita akong naka lagay na 'RESTRICTED AREA'

Lost University (ON GOING)Where stories live. Discover now