Chapter 9

890 16 3
                                    

"Bakla ka?!" gulat na tanong ng lalaki. Napasimangot naman si Rosana. Inirapan niya ang lalaki at saka siya humarap sa kaibigang si Pushy.

"Abno ba itong lalaking ito?" nakasimagot niyang tanong sa kaibigan. Natawa naman ito.

"Mag tigil nga kayo. Para kayong mga ewan herherher" namimilipit pa ang dila nito sa pag sasalita. Napaka arti. Ngali ngali niya itong kutusan.

Tumikhim naman ang lalaki. "Babe, hindi sya bakla. Yun lang ang endearment namin sa isat isa, but babaeng babae sya. Hayan nga at nakapag anak na ng twins. And ninang nila ako." yumakap pa ito sa bewang ng lalaki.

Umasim naman ang mukha ni Rosana sa kasweetan ng dalawa. 'Umay' sigaw ng isip niya.

" Oh... I just thought— never mind. Wait, she's your friend? The singer at the club? " ang lalaking kasama nito. Ngumiti naman si Pushy.

"Yes, Babe. She's my best friend, Rosana Madrigal." pakilala nito sa kanya. Humarap naman sa kanya ang kaibigan. "And bakla, ito naman si Prince Jacob Montréal Eleazar, my boyfriend, slash fiancé and soon to be hubby." kinikilig na pakilala nito sa lalaki.

Nanlaki ang mata ni Rosana! Talaga ba? Huwaw!

"Seryoso?" di makapaniwalang tanong ni Rosana sa kaibigan. Napa simangot naman ang huli. "Oo nga! Grabe ah. Parang di makapaniwalang nakabinggwit ako ng gwapo? Hay nako bakla wag kang ganyan." inirapan pa sya nito.

Natawa naman si Rosana. Baliw talaga itong kaibigan niya. "hindi naman sa ganun bakla. Nagulat lang ako. Di ko kasi inexpect na mag kakagustuhan kayo ni Sir Jacob." mahinhing sabi niya.

"oops, cut the sir. Jacob. Just call me Jacob." nakangiting sambit nito. Napakamot naman sa kilay ilong si Rosana. "hehe. Nasanay lang si—Jacob hehe"

"Paano pala kayo nag kakilala?" takang tanong ni Pushy. Salitan sila nitong tinitignan. Nanlamig ang katawan ni Rosana. Teka.. Kaibigan ito ni Mr. Marco hindi ba? So, kaibigan rin ito ni Adamson? Ng lalaking ama ng mga anak niya?

Hala! Hindi! Baka isumbong nito ang tungkol sa mga anak niya. Baka sabihin nito sa lalaki na may mga anak ito. Pero teka.. Alam ba nito ang nangyari sa kanila? Ang pag bebenta niya ng katawan Para sa pera? Ang paghuhubad at pag sasayaw niya sa harap ng mga lalaki, at sa lalaking tinatawag na Adamson?

"hoy bakla! Natulala ka na! Tinatanong kita! Oyy!" napapikit pikit pa siya sa pag wasiwas ng kamay ni Pushy sa mukga nya. Tumikhim sya. Tinitigan niya ang lalaki.

Hindi dapat malaman nito ang totoo. Maging si Pushy ay hindi alam ang totoong nangyari. Ang alam lamang nito nabuntis siya ng naka one night stand nya dahil lasing sya bago sila makauwi sa Nueva Ecija. Hindi nito alam ang totoong kwento. Kaya dapat ay hindi rin malaman ng nobyo nito.

Dahil lagot na kapag nangyari yun. Mananatili lamang itong sikreto na dadalhin niya sa hukay. Walang pweding maka alam pa.

"ha?" ang tanging naisagot na lamang niya. Natawa naman ang kaibigan. Subalit matiim ang titig sa kaniya ng kasintahan nito. Iniiwas niya ang tingin.

"Ang sabi ko, paano kayo nag kakilala?" ulit na tanong ni Pushy. Naupo na ulit ito kaya naupo na din siya. Ang mga bata na nasa sala din kanina ay umalis na para tumulong sa pag hahanda sa labas ng bahay.

"Ahm, natatandaan mo nung may big client sa club? 6 years ago? Diba kumanta kami nun. Yung may mayayamang lalaki na nag tungo sa club natin dahil may celebration sila. Isa kasi siya sa nag request ng kanta nun. Nag kabungguan kami sa CR and sabi niya ay batiin ko sya. And yun naman ang ginawa ko. And after nun wala na.. H-hindi na kami nag kausap pa. Ngayon na lang ulit kami nag kita. " kinakabahang kwento niya.

Hiding The Billionaire's Twins (TBC 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon