Chapter 17

1.5K 27 10
                                    

Iniwas ni Rosana ang kaniyang paningin. Hindi niya alam ang isasagot kay Lowell. Makikita ng lalaki sa kaniyang mga mata kung siya ay mag sisinungaling.

Hindi niya napag handaan ang araw na ito. Hindi naman niya kasi sukat akalain na pagtatagpuin muli ang kanilang landas.

Hindi niya inexpect na sa ganitong paraan pa sila mag kikita. Okay pa sana kung impis pa ang kaniyang tiyan eh. Pero hindi, nakita na nito.

At iniisip pa nito na siya ang ama which is totoo naman. Pero ano na nga ang isasagot niya?

"I really wanted to have a baby. That's my biggest dream. I'll be happy if he's my baby. But if not, I'll still take care of you. Aakuin ko ang bata. Mamahalin ko rin siya higit pa sa buhay ko. You'll be my queen and he's our prince. And we'll live happily ever after. " tila nangangarap na anito.

Nakayakap parin ito sa kaniya kaya naman ramdam niya ang malakas na tibok ng puso nito.

Gusto niyang sabihin dito na ito ang ama. Pero paano kung kunin nito sa kaniya ang bata kapag naipanganak na? Mapera ito at tiyak na kaya nitong gawin ang lahat para makuha ang kustodiya ng bata.

Subalit gusto rin niyang maranasan na maalagaan. Buong buhay niya ay siya na ang kumakayod para sa pamilya niya. Siya na ang nag sasakripisyo at nag papakahirap para lamang makakain sila ng tama. Para mabuhay sila.

At kung mararanasan niyang maging reyna ng lalaking ito, sa tingin niya ay napaka saya nun. Ang tanging sumasabit lamang sa isip niya ay baka kuhanin nito sa kaniya ang mga bata.

Dahil ang alam niya ay may asawa ito. Maaari pa siyang sampahan ng kaso kung mahuhuli sila.

"Pero hindi ba... May asawa ka na?" tinignan niya ito sa mata. Agad na dumiretso ang katawan nito.

Mataimtim silang nag titigan. "mag fafile ako ng annulment. And then we'll get married after." ngumiti pa ito. "Don't think about it okay? Makakasama saiyo ang mastress. Kabilin bilinan ng doktor na kailangan mong mag bed rest. So don't overthink. Ako na ang bahala doon." anito.

"Gagawin mo akong kabit mo?" kunot noong tanong niya. Kung pagsasama samahin kasi ay lalabas na isa siyang kabit dahil kasal pa ito. At may anak pa sila.

Sinapo ng malaking kamay nito ang kaniyang mukha. At saka Nakipagtitigan sa kaniya. "Listen, Baby, mag fafile ako ng annulment. And it will just take few months para mapawalang bisa ang kasal namin. I'll use my connections. And you're not my mistress. You're my life. So don't you ever think na isa kang kabit. Dahil ikaw lang, ikaw lang ang gusto ko. Ikaw at ikaw lang ang pipiliin ko. " seryosong turan nito. Ramdam niya ang sinseridad sa sinabi ni Lowell.

Aminado siya na may nararadaman siya sa lalaki. Ang akala niya ay nawala na iyon sa pag daan ng panahon. Subalit natabunan lang pala. At ito nga, muling bumabangon. At mukhang hindi niya mapipigilan. Lalo pa at mabulaklak ang mga salita ng lalaking ito.

Bumuntong hininga si Rosana. Nakapag desisyon na siya. Sana naman ay hindi niya pag sisihan ang gagawin niya. Gusto lamang niyang maging selfish saglit. Kahit na maraming gumugulo sa isipan niya, mas makabubuti kung ipag papaliban niya muna ito.

Gaya nga ng sabi nito, hindi dapat siya mastress. Saka na niya iisipin ang tungkol sa asawa nito. Sa ngayon ay gusto muna niyang maramdaman na sumaya.

"Baby.. I'll promise, hinding hindi kita lolokohin. You'll be my one and only. That's true. And I'll fucking kill myself if I'll cheat on you." seryosong sabi nito.

"Mahal mo ba ang asawa mo?"

"No." mabilis na sagot nito. "Nag pakasal lamang kami para sa merging ng kumpanya. Nanganganib kasi ang kumpanya nila, and her father is my father's best friend. So, wala akong nagawa. I'm the only son that he got. Kaya napilitan akong pakasalan siya." ramdam at kita niya sa mata nito ang sinseridad.

Hiding The Billionaire's Twins (TBC 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon