Chapter 11

894 17 2
                                    

"Mama huwag mo pong kakalimutan ang pasalubong ko ah?" naiiling na lang ng ulo si Rosana sa pangungulit ng anak niyang si Lorhiella.

Kasalukuyan siyang bumabyahe patungo sa restaurant ng kaibigang si Pushy at asawa nitong si jacob. Isang buwan na ang nakalipas mula ng maka graduate siya at muli niyang makita ito.

Naikasal ito kinabukasan matapos abg graduation party niya gaya ng napag planuhan ng magkasintahan. Civil wedding lamang at iilan lang silang saksi sa pag mamahalan ng dalawang iyon.

At ngayon nga ang araw ng grand opening ng 'Foursome', ang restaurant ng mag asawa. Asiwa parin siya sa pangalan ng kainan kaya naman hindi niya masyadong iniisip ito. Hindi kasi magandang pakinggan para sa kaniya.

"Oo naman anak. Napaka rami mo ng nilagay na sticky notes sa loob ng bag ko. May nakalagay na sa wallet, sa cellphone, sa bawat bulsa, maski sa loob ng kotse ay mayroong mga nakadikit. Paano ko paba malilimutan iyon?" natawa pa siya kapag kuwan.

Humagikgik naman ang kaniyang anak sa kabilang linya. Tila giliw na gilie ito habang naiisip ang kalokohang ginawa.

" Makakalimutin ka kasi Mama. Kaya ganyan na ang ginawa ko. Para hindi mo makalimutan. "

" Oo na. Basta mag papakabait kayo riyan ah. Wag mag papasaway kay Nanay. Wag nyo ring pagurin ang Yaya Kol ninyo at nirarayuma yun kahapon pa." paalala niya sa anak.

Kasalukuyan silang mag kausap ng mga anak niya sa telepono. Naka Bluetooth iyon sa earpods niya kaya malaya siyang nakakapag drive. Malapit na siya sa pupuntahan niya ng tawagan siya ng mga anak gamit ang cellphone ng yaya ng mga ito.

"Opo. Natutulog po ngayon si Yaya Kol. Masakit daw po kasi ang tuhod at binti niya. Kaya itinali ko muna sa kama niya para hindi na bumangon pa at mag pahinga na lang." seryosong turan ng anak na babae.

Napamulagat naman ng mata si Rosana. Hindi makaniwala sa ginawa ng anak." Ano?! LORHIELLA RAMONA! Ano na naman ang ginawa mo sa Yaya ninyo? " nagagalit niyang tugon habang seryoso na nag dadrive.

" Eh Mama kasi sabi ni Yaya Kol, napapagod na raw po siyang habulin kami at sundan. Hindi siya makapag pahinga. Kaya itinali ko muna siya sa kama niya para hindi na sya bumangon pa muna. Don't worry katabi niya kami ngayon." pasaway na sagot ng anak.

Napa face palm na lamang siya. Ang batang iyon talaga. Hindi niya alam kung paano nakakapag isip ng ganoon. Limang taong gulang pa lamang pero kung mag isip at kumilos ay akala mong kay tanda na. Napaka kulit pa.

" Nasaan ang kakambal mo? Kakausapin ko"

"Narito po ako Mama." sagot naman ng anak na lalaki. "Lorhis, ano na naman ang ginawa ng kakambal mo?!" tanong niya sa anak. Sa kambal, mas matino itong kausap.

"Gaya po ng sinabi niya. Pinipigilan ko po pero sabi niya ay pati ako itatali niya at lalagyan niya ng make up mo kapag naki alam ako. Kaya hinayaan ko na lang po. Alam mo naman po na ayokong ayoko ng make up. Lalo na at itatali pa ako nitong si Lorhiella. " bugnot na sagot ng anak.

Napa iling iling na lamang siya. Wala na talaga siyang magagawa pa sa mga anak. Siguro naman ay pag tumanda at nag matured ang mga ito ay magiging tuwid na ang pag iisip. Sa ngayon kasi ay mahirap pang kastiguhin dahil bata pa.

"Oh siya. Basta ang bilin ko ah? Mag pakabait para may pasalubong kayo sa akin." paalala niya. Sumagot naman ang mga anak niya na mag papakabait daw ang mga ito.

"Mama huwag mo pong kalilimutan ang sunflower seeds ah? Ipapakain ko po sa alaga ko. Alam mo naman yun, paborito ang sunflowers." paalala ng anak na lalaki.

Nangiti na lamang siya. Kung ang hiling ng anak na babae na pasalubong ay make up at chocolates, ang anak naman niyang lalaki ay humihiling ng sunflower seeds para sa alaga nitong manok.

Hiding The Billionaire's Twins (TBC 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon