Chapter 19

914 33 13
                                    

"Mamaaa!!" ang tili ng anak nya ang gumising sa naglalakbay nyang pag iisip. Nilingon nya ang mga bata na naka upo sa kama ng kwartong inookupa nila.

Binalikan nya nang tingin ang kapatid at saka sya ngumiti. Tinapik nya ang balikat nito ngunit wala pa rin itong reaksyon na kahit ano. Kaya naman pumasok na sya sa kwarto at nilapitan ang mga anak.

Nilingon nya si Lowell at nakitang kausap nito si Russel. Hindi mabasa ang mukha ni Russel kaya naman nagugulumihanan sya kung bakit ganoon na lamang ang ikinikilos nito.

Tinignan nya ang nanay nya pero simple lang itong ngumiti. Mukhang may hinala na sya kung bakit ganito ang inaakto ng pamilya.

Niyakap nya agad ang kambal. Namiss nya ang mga ito kahit saglit pa lamang siyang nawalay. Mahal na mahal nya ang mga anak, at hindi nya kakayanin pa kung may mangyari pa ritong hindi maganda.

"Nay, si Lowell nga po pala.." pakilala nya sa lalaki. Hindi nya alam kung sino ito sa buhay nya dahil hindi pa nila ito napapag usapan. Although gusto nitong tumayong ama ng mga anak nya, pero hindi nya gusto iyon. Dahil totoo naman eh.

"Hello po Nay. Ako po yung father ng baby na dinadala ni Rosana." slang ang pagkakasabi nito at mahahalatang Englishero si mokong. Muntik na syang matawa. Cute.

"Paano mo nasabing ikaw ang ama? Sure ka ba?" napalingon sya sa Nanay nya sa isinagot nito. Bakit ganun ang tanong nito? Naguguluhan sya.

"Nay??" takang tanong nya. Hindi sya binalingan nito "Bakit ngayon ka lang nag pakita? ilang buwan na ang tiyan ng anak ko, malapit ng lumabas ang apo ko tapos ngayon ka lang nag pakita?" seryoso nitong turan.

Lumapit ako dito at bumulong. "Nay, ano ba ang nangyayari sa inyo? Nay wag mong kalimutan na nariyan ang mga bata. Naririnig kayo" sambit ko.

Nag buntong hininga naman ito at saka kumurap kurap. Ibinalik nito ang tingin kay Lowell.

"I'm sorry po Nay. I didn't know that Rosana is pregnant. I just saw her earlier. I'm actually looking for her almost 7 years na. And she kept on hiding and avoiding me, but now, I won't let her leave me again. Pananagutan ko po ang anak ko, Hindi ko po tatakbuhan gaya ng ginawa nya sa akin sa loob ng anim na taon." seryosong sagot ni Lowell.

Nakatingin ang lahat sa kanya. Si Nanay na seryoso din ang mukha, si Russel na nakatayo sa gilid ng kama ng kambal at blangko pa rin ang mukha, si Yaya Kol na nag cecellphone pero naka tingin ang isang mata kay Lowell at ang isa ay sa cellphone na hawak nito, at ang Kambal na tahimik lang pero titig na titig sa ama nila.

"Paano? Paano mo mapapanagutan?" dagdag na tanong ng kanyang ina.

Lumapit sa kanya si lowell at hinawakan ang kamay nya. Inilapit iyon sa bibig at marahang hinalikan. Napangiti naman sya sa gesture nito. Maging ito ay ngumiti din sa kanya.

"Liligawan ko po si Rosana. At gusto ko rin pong itira sya at ang mga bata sa Bahay ko sa Makati. Hanggang sa makapanganak sya. Bubuuin ko po ang pamilya ko, pangako hindi ko po sasaktan si Rosana at ang mga bata." seryosong turan nito.

"Ilalayo mo sila sa amin?" gulat na tanong nang kanyang ina. Napalingon naman sa kanya si Lowell. Tila hindi alam ang isasagot at humihingi na ng tulong sa kanya.

"Uhm, Lowell, ganito kasi... Hindi ko gustong malayo sa pamilya ko. Kung nasaan sila, naroon din ako. Hindi ako lalayo sa kanila. Mahal ko ang pamilya ko kaya hindi kami mag hihiwa hiwalay."

tumango tango naman ito. "Okay. Then, lahat kayo ay dun na titira sa bahay ko. Malaki naman iyon at kakasya tayo." nakangiti pa nitong sagot.

"Sabihin mo nga sakin, single ka pa ba?" nawindang sya sa sagot ng kanyang ina. Napabaling sya dito at nakita nya ang kakaibang hitsura ng nanay nya. Sobrang seryoso nito to the point na hindi na nya mabasa ang iniisip nito. Ngayon lang nya ito nakita na nagka ganito.

Hiding The Billionaire's Twins (TBC 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon