Chapter 18

632 12 1
                                    

"Mamaaaaaa!!!!!" atungal agad ang bungad sa akin ng anak ko.

"Bakit Lorhis? Anong nangyari?" agad kong tanong. Biglang dumagundong ang puso ko at sobrang lakas ng tibok nito.

Agad na nag isip ng kung anu ano ang utak ko lalo na at ayaw tumigil ng anak ko sa kakaiyak.

"Tumahan ka na apo, baka hikain ka na nyan" rinig kong pag alo ni nanay sa apo nya.

"Nay ano ba ang nangyayari? Bakit nag wawala si Lorhis?"

"Ate, pinag bawalan kasi ng duktor na panatiliin si Atom dito sa loob ng kwarto. Dahil maaari daw na mayroon din itong virus at baka makapang hawa pa ng tao. Eh ayaw ni Lorhis kaya eto umiiyak." sagot ng kapatid kong si Russel.

"Tito Chico hug me" rinig pa nya ang mahinang boses ng anak na babae. Napailing na lamang siya. Malamang ay pasimple na naman itong humaharot sa crush.

"Papunta na ako dyan sige. Huwag nyo nalang muna paalisin si Atom. Anak, si Mama na bahala okay?? Pabalik na ako. "

Narinig niyang umoo ang anak at ina kaya naman pinatay na nya ang tawag.

Paglingon nya ay agad siyang napatingin sa katabi. Nanlaki ang mata niya. Oh no! Hindi nito pweding malaman na may dalawang anak pa ito!

Nakatulala sa kaniya si Lowell. Tila narinig ang boses ng mga bata. Malamang siguro ay umiral ang tinatawag na lukso ng dugo kaya biglang ganito. Napakurap kurap ito at saka madiin na lumunon bago naka pag salita.

"Si-sino iyon?" takang tanong nito.

Agad siyang nag isip ng isasagot. Hindi nya maaaring ipaalam ang totoo. Malamang ay kukunin nito sa kaniya ang mga anak sa oras ng kagipitan. Kaya mas makakabuti kung ang malalaman lang nito ay ang batang dinadala niya ngayon.

"a-ahm, iyon ang mga anak ng a-ate ko. Oo tama. Anak ng ate ko iyon." Bungad nya. Halata sa boses niya ang pagsisinungaling. Lalo na at nag uutal utal pa siya sa pagsasalita.

"Anak ng ate mo? Bakit Mama ang tawag sa iyo?" may confusion sa mata nito.

"Namatay ang ate ko sa panganganak. At ako ang tumayong ina ng kaniyang mga anak. Ayaw namin na lumaki ang mga bata na walang magulang, kaya naman ako na ang naging nanay nila. Wala nga lang tatay." turan nya. Pinapanalangin na sana ay paniwalaan siya nito.

Hindi niya gustong itanggi ang anak, subalit ito ang makakabuti. Kaya ito ang gagawin nya. Hiding the Billionaire's Twins.

"Eh yung ama ng mga anak niya? Nasaan?" dagdag na tanong nito. Bakit ba napaka matanungin ng taong ito? Hirap na hirap na nga sya mag sinungaling ay napaka dami pa nitong tanong.

"Wala. Iniwan sya ng Amerikano nyang boyfriend matapos ang pagkakadestino nito sa lugar kung saan ofw ang ate ko. Kahit nalaman nitong buntis siya, ay hindi sya pinanagutan. Iniwan sila at wala nang paramdam pa. Mainam nga kung namatay na lamang sa gera iyon eh. " kunwari ay naiinis pa sya sa pag sasalita.

Oh Diyos ko! Patawarin nyo po ako ngayon pa lamang dahil sa mga kasinungalingan ko.

Tumango tango naman si Lowell. "Nasaan sila ngayon?" sa tanong nito ay bumalik ang pag kabog ng dibdib nya. Ang mga anak ko!!

"Nasa ospital sila ngayon. Dinala ko sila kanina sa ospital na sinabi ni Pushy." untag niya.

Dahan dahan siyang tumayo at inalalayan naman siya ng lalaki. Kailangan na nyang puntahan ang mga anak niya. Hinahanap na sya nito. Pero paano sya makakawala sa lalaki na ito? Tiyak di na sya nito hahayaan pang makawala sa paningin nito.

"Sasama ako. Hindi ko na hahayaan pang mawala ka na naman Rosana. Lalo na at may anak na tayo ." sinserong sabi nito. Tumango na lamang sya saka inayos ang sarili.

Hiding The Billionaire's Twins (TBC 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon