Chapter 1

22 2 3
                                    

Tahimik lang at simple ang buhay ko. I'm a 2nd year high school student.  Gusto ko na tumanda para mas mabilis ako makagraduate at magkaroon ng trabaho. Gusto kong tulungan si papa at may mapatunayan din sa sarili. 1st day of school ngayon kaya maaga ako nagising para makagayak. 6:30 am pa lang ay nasa sakayan na ako ng bus at naghihintay. Habang nasa bus ako ay nakaearphones lang ako habang kumakanta ng mahina. Unti unting napuno ang bus kaya medyo nailang ako. Hindi kasi ako sanay sa maraming tao. May nakita akong buntis na nakatayo lang kaya agad kong nilapitan. Tinanggal ko muna ang isang side ng earphones ko sa tenga bago lumapit.



"Hello po kayo na lang po umupo sa upuan ko." Then I smiled. Ngumiti naman siya agad sa akin at nagpasalamat. Binalik ko agad sa tenga ko yung earphones ko. I'm listening to korean drama ost songs. Masyado na kasi akong naaadik sa korean drama and wattpad recently. Sakto naman na kailangan ko ng bumaba kaya hindi ako gaano tumayo ng matagal. I'm walking silently and peacefeully by myself ng biglang may bumangga sa akin. 



"Oops sorry." I heard. 



Hindi na ako nagabala pa na lumingon at naglakad na lang. Pagdating ko sa classroom ay may mga tao na at mukhang close na din sila. Tahimik lang akong umupo sa pinakadulo at malapit sa bintana. Maya maya pa ay dumating na ang teacher namin. As usual may introduce yourself nanaman. I always hated this. I don't like being the center of attention. It's my turn na so weather I like it or not I have to do it. Annoying.



"Zephaniah Arendelle Baiamonte. 13 years old." I said without smiling. Lumingon ako sa teacher ko at mukhang naintindihan niya naman na ayoko na magsalita pa kaya pinaupo niya na ako. Buong dalawang subject namin ganoon lang ang nangyari. Tumunog ang bell hudyat na recess na. Naisip ko na bumili na lang ng tubig sa cafeteria at tumambay sa room. Linagay ko ang earphones ko sa tenga bago ako lumabas ng room. Nasa pintuan pa lang ako pero kita ko na agad na madaming tao sa loob. Napahinto tuloy ako at napaisip kung bibili pa ba ako o hindi na lang. 





"Are you going in or not?" Medyo nagulat ako dahil sa nagsalita sa tabi. Umiling lang ako at mabilis na naglakad palayo. Nauuhaw pa naman ako hay. 





Sa susunod na mga subject namin ay ganoon pa din ang nangyari. Expected ko naman na dahil first day pero nakakatamad pa rin. Buong klase ay nakaheads down lang ako habang nakaearphones. Ayokong makipagusap sa mga classmates ko. Lunch na ng tinanggal ko ang earphones ko sa tenga. Sumasakit na din kasi. Ang hirap nga lang dahil masyadong maingay kahit sa hallway dahil 1st day. Bumili lang ako ng tapsilog at kape pagtapos ay naghanap ng upuan sa pinakadulo para makakain. Mabilis kong tinapos iyon para makapaglakad lakad dito sa school. Masyado kasing malaki kaya hindi ko pa naiikot. Sa private school ako nagaaral at gustuhin ko man na sa public ay ayaw ni papa. Marami daw kasi mga basagulero doon at baka mapahamak lang ako. Maganda din dito dahil may mga puno at bench sa gilid kaya bukod sa may mapagtatambayan ako ay masarap pa ang simoy ng hangin kahit mainit. Nagpalipas muna ako ng oras sa ilalalim ng puno.





"Lift your head 

baby don't be scared 

of the things that could go wrong along the way...

Kanta ko pagtapos ay ipinikit ang mga mata. I stayed a little bit longer before I decided to get up. Tahimik lang akong naglalakad ng may marinig akong ingay sa gilid. Dahan dahan akong naglakad palapit pagtapos ay sumilip. Tatlong babae ang nakatayo habang ang isa naman ay nakaupo sa sahig. Bullying. That's what it looks like. Akala ko sa wattpad lang o kdrama nangyayari iyon pero meron din pala sa totoong buhay. Naestatwa ako ng magkatitigan kami nung babae. Should I help her? or not? Napabuntong hininga ako at napagdesisyunan na tulungan siya. Lalapit pa lang ako ng may humawak sa kamay ko. Lumingon ako at nakitang lalake iyon. Hmm pogi sana kung hindi lang pakielamero. 



Barely Holding OnWhere stories live. Discover now