Chapter 3

7 0 0
                                    

Hanggang convenience store lang ako nagpahatid kay Kayden kahapon. Malapit na lang din naman iyon sa bahay at lalakarin na lang. Mga dalawang kanto lang. Pag-uwi ko kahapon ay ako lang ulit mag-isa sa bahay. Hindi naman big deal sa akin dahil sanay na ako. Nagbasa lang ako ng wattpad buong maghapon. Pagdating ng gabi ay nagluto naman ako ng corned beef para ulamin sa dinner. Medyo dinamihan ko iyon dahil baka dumating sila kuya at papa tapos gusto nila kumain. Kumain muna ako at ng matapos ay tinakpan ko yung natira na ulam. Nagsulat din ako sa sticky note ng 'baka sakali na gusto niyo kumain' pagtapos ay idinikit iyon sa plato na nakatakip. Bago ako bumalik sa kwarto ay nagdala ako ng tubig sa taas dahil palagi ako inuuhaw kapag madaling araw na. I brushed my teeth then did my skin care routine. Pinatay ko na rin yung ilaw pati lamp shade. Ang tagal kong nakahiga at nakapikit pero hindi nanaman ako makatulog. Pinailaw ko iyong lamp shade sa gilid ko at binuksan iyong mini cabinet na katabi lang ng kama ko. Uminom ako ng dalawa na sleeping pills at humiga ulit. Maya maya ay inantok na rin ako. Kinabukasan ay maaga ako nagising. Hindi na ako kumain ng breakfast pero uminom naman ako ng kape kaya ayos lang. Hindi na baleng hindi ako makakain basta makainom lang ng kape. Sinusumpong ako ng migraine kapag hindi ako nakainom eh. Mas naging close kami ni Kayden sa pagdaan ng mga ilang araw. Gaya ngayon recess na kaya nakabuntot nanaman siya sa akin. 



"Rice kakainin mo?" Tanong niya sa akin habang naglalakad kami. Napaisip tuloy ako. Kapag nagrice na ako ngayon hindi na ako kakain mamayang lunch. 

"Oo gutom na rin eh." Sagot ko at nagkibit balikat na lang. 

"Mas okay nga iyon dahil puro ka lang kape." Panenermon niya. Sa isang linggo na magkasama kami parati ay pansin niya na tuwing lunch at recess ay may kape ako parati. Nasa tapat na kami ng cafeteria ngayon at papasok na sa loob. Sasagot na sana ako ng may pumutol sa akin.

"Pre!" Sabi ng isang lalaki sabay lapit kay Kayden. Dumistansya naman ako at binigyan sila ng space para makapag-usap. 

"Buhay ka pa pala gago ka! Bakit ngayon ka lang nagpakita isang linggo na ren ah?" Rinig kong sabi ni Kayden. Umusog nga ako para hindi marinig usapan nila tapos ang lakas din pala ng boses netong mokong na to. Dumaan yung tatlong asungot sa harap ko kaya nabaling yung atensyon ko sa kanila. Nabigla ako ng onti dahil nginitian nila ako. Ngumiti rin ako pabalik. Pagtapos nila magsorry sa akin ay hindi na nila ako ginulo pa. Kapag nagkakasalubungan kami ay tinatanguan lang nila ako at ganoon rin yung ginagawa ko. Nagbagong buhay na ata.

"May papakilala ako sayo pre!" Sabi ng lalaki na kausap ni Kayden. Bumalik tuloy yung atensyon ko sa kanila. Nakita ko na pinakilala ng lalaking iyon kay Kayden yung isang babae. Ang ganda niya. Anghel ba to? Nagusap pa sila doon ng onti. Hinayaan ko lang at hindi napansin na lumilipas pala yung oras. I still have 10 minutes before the next subject though. Umalis lang ako doon saglit at bumili ng tatlong tubig. Yung dalawa ay para sa akin at yung isa naman ay kay Kayden. Hindi na rin makakakain yon. Pagharap ko ay nandoon na si Kayden kasama yung lalaki kanina at yung babae. Nagulat ako pero hindi ko pinahalata iyon.

"Oy? Ano meron?" I asked cooly. 

"Bakit bigla bigla ka nawawala? Kanina pa kita hinahanap?" Iritang tanong niya. Hinahanap? Parang hindi naman. Mukha siyang nageennjoy kausap yung lalaki tapos babae. Syempre hindi ko sinabi yon magmumukha lang ako tanga.

"Bumili lang ako ng tubig. Matatapos na recess eh hindi na tayo makakakain. Oh." I said then I gave him the water that I bought. Kinuha niya iyon pagtapos ay inakbayan ako.

"Kaibigan ko nga pala. Si Teo tapos yung kasama niya si Saphira." Pagpapakilala niya sakin doon sa dalawa.

"Hello." Sabi ko lang at tumango.

Barely Holding OnWhere stories live. Discover now