Chapter 5

6 0 0
                                    


Pagtapos ng nangyari sa Cafeteria ay palagi ko na inaaya si Schiele na sumama sa amin. Wala naman sila naging reaksyon nung sinabi ko iyon. Papayag man sila o hindi okay lang. Pero si Schiele sasamahan ko. Kinakausap naman nila si Schiele pero hindi gaano kagaya ko. Naiintindihan ko dahil bago pa lang naman. 




"Ano pala balak ng booth niyo sa school fair?" Tanong bigla ni Saph. Nandito kami sa pg ngayon at kumakain. Sumama na ako para mas maging malapit sa kanila si Schiele. Dito kasi sa Start Smart 4th quarter yung school fair. Pero mas gusto ko nga iyon dahil para after hell weeks enjoy na lang kami at wala ng iisipin. 




"May pa singing contest kami. Pwede bands or solo." Sagot ko at ngumuya ng nachos.




"Hoy pwede tayo dun ah!" Excited na sabi ni Teo. Parang may bumbilya na umilaw sa ulo ng tatlo at nagkatinginan. Syempre hindi ako kasali. 



"Pwede ba kami sumali doon Elle?" Lingon sa akin ni Kayden na parang kuminang pa yung parehong mata. Kami? 



"O..o naman." Mabagal kong sagot. Parang nawalan ako bigla ng gana kumain. 



"Ayon! Yes! Mapapakita ko na talent ko!" Ngisi ni Teo na nasundan ng asaran. Kami ni Schiele ay tumatawa tawa lang din. 



"Restroom lang." Paalam ko at tumayo. 



"Sama ako." Pigil sa akin ni Schiele. Nginitian ko naman siya. Pagdating namin sa cr ay tiningnan ko lang yung sarili ko sandali pagtapos ay naghilamos. Baka sakali na mawala yung mga nasa isip ko. Hindi ko namalayan na nakatitig lang pala sa akin si Schiele.




"Ayos ka lang?" She looked worried. Sana all worried.



"Oo naman." Ngiti ko. I'm a bit shocked when she rolled her eyes at me.



"Hindi ka magaling magsinungaling." Saad niya sabay hugas ng kamay. Naghulog siya ng limang piso sa vending machine at binigay sa akin yung tissue.



"Oh. Punasan mong mabuti mukha mo." Seryoso niyang sabi sabay sandal sa lababo. Pinunasan ko yung mukha ko until I'm satisfied at sabay kaming lumabas.



"Oy bakit parang natagalan kayo?" Bungad ni Kayden pagupo namin. 

Hai finito le parti pubblicate.

⏰ Ultimo aggiornamento: Apr 20, 2021 ⏰

Aggiungi questa storia alla tua Biblioteca per ricevere una notifica quando verrà pubblicata la prossima parte!

Barely Holding OnDove le storie prendono vita. Scoprilo ora