Chapter 2

11 0 1
                                    

Pag-uwi ko sa bahay kahapon ay nakatulog din ako agad pagkatapos ko magskin care. Nagising ako ng madaling araw tapos hindi na ako makatulog. Nanood na lang ako ng kdrama at dahil doon ay inabot ako ng 3:30 am. Kinabukasan ay wala na akong panahon para kumain dahil late na ako nagising. Nagmadali akong kumuha ng hoodie sa cabinet ko at agad na sinuot iyon pagtapos ko maligo. Hindi tumunog yung alarm ko shit! Sabi pa naman ni ma'am Davilla kahapon strikto na daw sila ngayon. Hindi na rin ako nakapagkape dahil sa takot kong malate. Pagdating ko sa bus station ay sakto na kulang pa ng isa bago umalis kaya nakahabol pa ako. Nakatayo nga lang pero ayos na rin. Tinakbo ko yung entrance ng school hanggang sa room. Nakita ko pa na rinerenovate yung Start Smart University na pangalan ng school kahit na hingal na hingal ako kakatakbo. Pagdating ko sa room ay wala pang teacher kaya nakahinga ako ng maluwag. Umupo ako sa upuan ko habang hinahabol ang hininga ng saktong dumating yung teacher namin sa science. 





"Good morning." Napalingon ako kay Carson ng batiin niya ako. Tiningnan ko lang siya at tinanguan. Mabuti na lang at hindi na ako nagsalita dahil pinagalitan ng teacher namin yung classmates ko sa harap na nag-uusap. Mukha siyang masungit sayang gwapo pa naman. Hindi kasi namin siya nameet kahapon dahil wala naman siya. Ngayon pa lang. Si ma'am Davilla ay adviser at  ang teacher namin sa esp. Home room teacher din namin siya.  Ayon sa schedule ay makikita lang namin siya tuwing monday at friday. It means that every tuesday, wednesday, and thursday we can go home earlier than usual. Masaya nga iyon dahil kahit papaano ay hindi kami ganoon kastress.





"Good morning class so for today let me introduce myself first before we move on to our first lesson.  I'm Axl Silas and I'll be your science teacher for the whole school year. I'm looking forward to teaching you guys and I hope you cooperate with me." Maikling saad ng teacher ko pagtapos ay ngumiti. Ang gwapo ni sir pero hindi ko pa rin alam paano bigkasin yung first name niya. 





"Our first lesson for today is all about forces and motion. So can anyone give me their own definition of how force and motion are related?" Tanong ni sir. Nagtaas ako agad ng kamay para magrecite. Nabasa ko na iyan bago pa magumpisa yung school year dahil wala naman ako ginagawa sa bahay. Gusto ko rin na mataas ang grades ko at malaki ang parte ng recitation doon. Tumingin naman iyong mga kaklase ko sa akin na parang nagtataka. I stood up before I answered.



"A force is anything that can push or pull on an object. When the force is applied in an object and the object moves that's when the motion will show." Sagot ko at agad na umupo.



"Good." Sabi ni sir at nagdiscuss na. Nagsusulat lang ako ng notes habang nagtuturo si sir dahil nabasa ko naman na itong lesson na to. Pero syempre nakinig pa rin ako para sigurado. Pagtapos magturo ng science ay sumunod yung filipino. Ganoon rin ang ginawa niya. Nagpakilala muna siya pagtapos ay naglesson na. Babae naman ang teacher namin ngayon. Ma'am Lorei ang tawag namin sa kanya. Sinabi niya na puro panitikan daw ang pagaaralan namin ngayon. Ang unang panitikan na tinalakay niya sa amin ay pinamagatang Kung Bakit Nasa Ilalim ng Lupa ang Ginto. Pagtapos ay may pinasagutan lang siya sa amin na bukas pa ipapasa. Madali lang dahil nakinig ako. Pagtapos ng filipino ay recess na kaya natuwa ako dahil makakakain na ako at makakapagkape. Balak ko kasi tumambay mamayang lunch sa library kaya kakain na ako ngayon. 



"Saan ka niyan?" Tanong sa akin ni Carson habang nilalapitan ako. Kinuha ko lang yung cellphone ko at wallet pagtapos ay linigay sa bulsa ng palda ko.



"Cafeteria." Maikling sagot ko. Lalabas na sana ako pero pinigilan niya ako.



"Bakit?" Tanong ko habang nagpipigil ng inis. Nagugutom na kaya ako! Thirty minutes lang ang recess tapos nasa 3rd floor pa kami. 



Barely Holding OnWhere stories live. Discover now