Chapter 4

4 0 0
                                    

Pagtapos ng naging pag-uusap namin ni Kayden kahapon ay bumalik na sa normal ang lahat. Pinapansin na niya ako o inaasar. Napapadalas ang mga labas nila lalo na tuwing weekends. Gustuhin ko man sumama ay ayaw ko naman na mapabayaan ko yung training namin ni kuya. Hinahanap din ng katawan ko iyon dahil nakasanayan na. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nasasabi sa kanila na muntik na akong marape. Pakiramdam ko ay personal na buhay ko na iyon at ayoko din maging istorbo sa kanila. Aaminin ko na hanggang ngayon ay apektado pa rin ako. Pero kung may isang bagay man na nagbago sa akin pagtapos ng nangyari iyon ay ang mas tumapang ako. Lunch na namin ngayon kaya kasama na namin sila Saph. 




"Tapos na kayo sa requirements?" Tanong ni Teo sa amin. Malapit na kasi matapos yung school year at nasa 4th quarter na kami ngayon.



"Ako may naumpisahan na ikaw ba Saph?" Tanong ni Kayden. 



"Ganoon rin naman. Ikaw Zeph?" Lingon sa akin ni Saph. 



"Tatlo na lang." Sagot ko naman at ngumiti.



"Nakng! Sipag ah!" Sabat ni Teo. Natawa lang ako ng mahina at nagkibit balikat.



"Uuwi ka na agad mamaya Saph?" Tanong ulit ni Kayden kay Saph. Nagkatinginan kami ni Teo pero wala din sa amin nagsalita.



"Oo wala naman tayong pupuntahan diba?" Patuloy na usap nila. Kinuha ko yung tubig sa harap ko dahil natutuyot nanaman yung lalamunan ko.



"Pg tayo ulit?" Aya ni Kayden. Ang ibig sabihin ng pg ay play ground. Hindi siya literal na play ground pero kainan iyon at may bilyaran sa loob. May karaoke din at movie theater. Aircon pa kaya talagang dinadayo ng mga estudyante kahit sa ibang school. Malapit lang iyon sa amin at lalakarin lang.



"Oo ba!" Ngisi ni Saph. Tahimik lang ako at nakikiramdam sa kanila.



"Ikaw Teo sama ka?" Aya naman ni Saph.



"Syempre!" Sagot agad ni Teo. Hinihintay ko na ako din ayain nila pero walang dumating. Hindi naman kasi talaga ako sumasama sa mga labas nila dahil nga sa training ko. Hindi rin pala nila alam yon. Pero sana man lang tinanong nila ako? Umiling ako sa sarili ko at sinabing okay lang yon.



Tle ang subject namin ngayon at ang tinuturo ay measurement and instruments. Tahimik lang ako nakikinig at nagsusulat ng notes. Sinulyapan ko si Kayden sa tabi ko at nakita na nagcecellphone siya sa ilalim ng table. Yung table kasi namin ay parang may maliit na lalagyanan ng libro. Kung hindi ako nagkakamali ay pembroke table ata ang tawag doon. Nakangiti lang siya habang nagttype doon at paminsan minsan ay tumatawa ng mahina. 

Barely Holding OnWhere stories live. Discover now