Chapter 86: Disaster Part I

7.9K 315 52
                                    

THIRD PERSON'S POV

"SHAM! SHAMIERE!!" Tila nagising sa isang bangungot ang dalaga.Mariin niyang ipinikit ang mga mata at pagkatapos ay inikot ang paningin sa paligid.Natagpuan niya ang kaniyang sarili na nakahiga sa gitna ng napakalawak na sahig.

"Sham! Pinakaba moko!" Sinubukang aninagin ng dalaga ang mukha ng lalaking nagsalita at ganun nalang ang pagluha ng mga mata niya nang makitang si Miko ito.Bumangon siya mula sa pagkakahiga sa hita nito at umupo sa harap niya.Maluha-luha niya itong hinawakan sa magkabilang pisngi at sinuri ang kabuuan ng mukha nito.Parang hindi pa rin siya makapaniwala na buhay ang lalaking nasa harapan niya.

"A-Akala ko, akala ko tuluyan ka ng mawawala sa akin." Pagkasambit niya ng mga katagang yun ay mabilis niyang sinakop ang distansya nila ng binata at agad itong niyakap ng pagkahigpit-higpit.

"H-Ha? Ano bang sinasabi mo Sham? Teka,ayos ka lang ba? Kanina ka pa walang malay,akala ko kung ano na ang nangyari sayo." Naguguluhang wika ni Miko.Pero nanatili lang na nakayakap si Shamiere sa kaniya.

"W-Wag ka ng mawawala sakin ha?" Pautal-utal na tanong ng dalaga na lalong nagpataka kay Miko.

"Ha? Hindi kita maintindihan Sham."

"Ipangako mo! Ipangako mo na hindi mo na ulit ako iiwan." Halos pumiyok na ang boses na anas ni Shamiere,walang nagawa si Miko.Kahit takang-taka man ay ginawa niya pa rin ang sinasabi ni Shamiere.Pinunasan niya ang mga mata nito bago magsalita.

"P-Pangako,hinding-hindi kita iiwan." Mas hinigpitan pa ng dalaga ang pagyakap niya kay Miko.Naguguluhan man sa inakto ng dalaga ay dinamayan niya pa rin ito.Hinagod niya ang likuran ni Shamiere kasabay ng pagpapatahan niya rito.

***

"Pwede mo bang sabihin sakin ang nangyari?" Maya maya'y tanong ni Shamiere matapos mahimasmasan.Humiwalay na ito ng yakap kay Miko at tumayo,ngunit nakahawak pa rin siya sa braso ng binata,tila takot na baka bigla nalang maglaho o mawala ang kaibigan.

"W-What do you mean Sham?"

"Ano ang nangyari? Bago ako mawalan ng malay?"

Natigilan si Miko dahil sa narinig.

"Miko? Ano ang nangyari?" Pag-uulit pa ng dalaga.Tinitigan siya ng mariin sa mga mata ng binata.

"Y-Yung babaeng nakasagutan mo k-kanina, si Dawn. May ginawa siya sayo. Sa tingin ko, napaloob ka sa isang ilusyon na kagagawan niya, Sham."

Natahimik si Shamiere.

Wala sa sarili siyang napatingala, doon niya nakita ang napakalaking chandelier na nanatiling nakadikit sa kisame,buo at walang pinsala.

"Hindi niya ko pinaloob sa isang ilusyon Miko, dahil pinasok niya mismo ang isipan ko." Nagtatangis ang bagang sambit ni Shamiere kasabay ng pagsarado ng mga kamao niya.

"Teka ano? Akala ko ba hindi yun ang kapangarihan niya? Pero aaminin kong may nararamdaman akong napakalakas na enerhiyang nagmumula sa kaniya...kagaya ng nararamdaman ko sayo."

Muli na namang natahimik ang dalaga.Subalit makaraan ang ilang segundo ay muli siyang nagsalita.

"Nasaan na siya? Si Dawn? Saan siya pumunta?" Tanong niya habang iniikot ang paningin sa kabuuan ng silid.

"Bago ka mawalan ng malay,may pinalabas siyang itim na usok sa mga palad niya at pumasok ito sa katawan mo Sham, matapos nun mabilis siyang naglaho na parang bula sa kinatatayuan niya. Hindi ko na alam kung saan siya napunta."

Mas nadagdagan ang galit na naramdaman ng dalaga sa narinig niya sa kaibigan.Nagsisimula ng magdurugo ang palad niya sa sobrang higpit ng pagkuyom niya.

The Mysterious Girl of Terrensia Academy [Completed]Where stories live. Discover now