Chapter 29: Lorna the Wicked White Witch

11.6K 595 25
                                    

Theo's POV

"Stop! Stop!Stop!" Iritado kong sigaw at huminto sa pagtakbo.Hinihingal na tumigil din ang iba at takang tumingin sakin.

"Why in the heck are we running?!"sigaw ko at parang natauhan naman sila.Inis silang bumaling ng tingin kay Eros at sinamaan ito ng tingin.

"W-What?" Painosinteng tanong nito.

"We can fight them you skunk!" Sumbat sa kaniya ni Erene.Nakatanggap naman siya ng batok mula kay Lash at Gino.

"S-Sorry! Sorry!" Nakangusong saad nito,pasiring na inalis ko naman ang paningin ko sa kanila.

Naging alisto ako ng makarinig kami ng papalapit na yabag,ganun din sila.

Nagpalabas ako ng apoy mula sa palad ko at inihanda ito kung sakali mang umatake ang lobo.

Ramdam kong malapit na sa kinatatayuan namin ang lobong iyon.
At hindi nga ako nagkamali dahil maya maya lang ay nakarinig na ako ng kaluskos sa paligid.

"Humanda kayo!" Pagbabala ko sa mga kasama ko't agad naman silang bumuo ng mga sandata nila na gawa sa kaniya-kaniya nilang mahika.

Hindi nagtagal ay lumabas ang napakalaking lobo mula sa isang madabong na halaman.Kulay itim ito at nanlilisik ang kulay itim na mga mata!

"HAHAHA! Eh iisa lang naman pala eh!" Tawa ni Gino habang nakatingin sa lobong nasa harapan namin.

"Huwag ka ngang mayabang diyan! Baka ipalapa kita ng wala sa oras dyan eh!" Bara sa kaniya ni Eros.

Naging alerto naman ako nang humakbang papalapit sa amin ang itim na lobo.Ngunit hindi namin inaasahan ang sunod nitong ginawa!

Umalulong siya ng napakalakas-lakas!

Hindi nagtagal ay may naririnig na naman kaming papalapit na mga yabag.This time they're many!Damn it!

Tumambad sa amin ang sampung maiitim na mga lobo.Sobrang laki nila at mababagsik kung titingnan.Ang mga pangil nila ay lumalabas na tila gustong-gusto na kaming lapain lahat!

"Happy?!" Inis na baling ko kay Gino.

"D-Dre naman." Nakangusong sagot niya lang.Hindi nako nagsayang pa ng segundo at agad kong tinira sa mga lobo ang apoy sa palad ko.Nakaiwas naman sila,pero hindi sa mga sunod na ginawa kong atake.

Sunod-sunod akong nagpalabas ng apoy sa kamay ko at agad agad itong tinitira sa kanila.Tatlo ang napuruhan at binaiwan ng buhay.Pero hindi nagpatinag ang iba sa kanila at agad na tumalon papunta sa amin.Nagsikilos na din ang mga kasama ko at lumaban gamit ang kanilang mga sandata.

Bumuo din ako ng sariling espada na gawa sa apoy at itinusok sa lobong akmang tatalunan ako.

"Shamiere!" Sigaw ko at agad na iniwasiwas ang sandata ko sa likuran ni Shamiere ng makitang lalapain na siya ng isang lobo dun.Thank goodness!

"Thanks." Nakangiting sagot niya at natigilan naman ako! Bakit kailangan niya pang ngumiti?

"Duck!" Sigaw niya.Nagtaka naman ako pero agad ding sinunod ang sinabi niya.Nang mismong pagyuko ko ay kinumpas niya ang kaniyang kaliwang kamay sa direksyon ko at nagulat nalang ako nang may makitang lobong naging yelo sa gilid ko.

Gulat akong napatingin sa kaniya!

"T-Thanks." Pagpapasalamat ko.She smiled and nod at me.

"Anytime."

Nang pasadahan ko ng paningin ang paligid ay napaslang na ang natitirang mga lobo ng mga kasama namin.Bahagya pa kaming nagulat ng sa isang iglap naging tao ang mga ito,ganun na din ang kanina pa naming napaslang.

The Mysterious Girl of Terrensia Academy [Completed]Where stories live. Discover now