Chapter 36: Love In Madness

11.7K 562 124
                                    

Shamiere's POV

Hiyang-hiya akong tumingin sa kanilang lahat matapos kong magpalit ng damit sa likod ng puno.Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko dahil sa hiya.Hindi rin ako makatingin sa kanila ng diretso.

"I-I." Tanging naiusal ko lang.Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanila matapos nila akong makita sa ganung sitwasyon.

Nang tingnan ko sila ay hindi rin makatingin sakin ang mga lalaki at pulang-pula rin ang kanilang mga mukha.Si Bea ang unang nagsalita kaya napatingin ako sa kaniya.

"Why are you here Sham?! At b-bakit nakahubad ka?!!" Napapahiyang naiiwas ko naman ang paningin ko sa kaniya.

"I-I thought there's no one who can find this place s-so i decided t-to swim."

"Nang n-nakahubad?!" Biglang sigaw ni Theo kaya naibaling ko naman sa kaniya ang paningin ko at dun ko nakitang magkasalubong na ang kilay niya.

"I-I.."

"You're still a girl Sham,you should've been careful." Sabat naman ni Van.

"Tama Sham,pano kung may ibang nakakita sayo dito at may gawin sayo?" Si Mitch.

"I can protect myself."

"Kahit na! Sa susunod na maligo ka wag kang maghubad!" Si Theo na naman.

"Alangan namang basain ko ang damit ko?!"

"Kung yun ang paraan para hindi mo na kailangang maghubad oo!" Sa totoo lang naiilang nako sa mga pinagsasabi nila.

"Eh bakit ba galit na galit ka?!"

"Because you're stupid!"

"W-What?!"

"Tsk! I'm outta here!"

Saad nita at nagmartsa palayo.Agad ko naman siyang pinigilan.

"Sandali! P-Pwede ba kitang makausap?" Hindi siya lumingon pero batid kong narinig niya ang sinabi ko.

"For what?" Malamig niyang tugon.

"I have to tell you something."

Ilang segundo pa ang lumipas bago siya sumagot.

"I'll see you there." Batid kong sa tambayan ang tinutukoy niya.Tumango nalang ako kahit hindi niya ko nakita at nag-umpisa na siyang maglakad paalis.

Tumingin naman ako sa mga kaibigan namin at marahan nila akong tinanguan sensyales na sumunod nako.Ngumiti lang ako ng tipid at napapahiyang iniwas ang paningin sa mga lalaki at sumunod na din kay Theo.

Nang makarating ako sa tambayan ay naabutan ko siyang nakaupo sa sofa habang nakasandal at nakatingala.

"T-Theo." Tawag pansin ko sa kaniya.Tumingin naman siya sa gawi ko at tumayo,naglakad siya patungo sakin at tumigil sa harap ko.

"I-" hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang bigla siyang magsalita.

"Not in here." Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"Saan?"

"Follow me."

***

Natagpuan ko ang sarili kong nakasunod kay Theo paakyat papunta sa...rooftop?

Hindi pa'ko nakakapunta dito ni minsan kaya nung tuluyan kaming makaakyat ay namangha ako dahil tanaw na tanaw mula dito ang kabuoan ng akademiya.Mas nasiyahan pa'ko dahil sa preskong ihip ng hangin na siyang dahilan ng paglipad ng iilang hibla ng buhok ko.Nang pumunta si Theo patungo da dulo ng roodtop ay sumunod agad ako sa kaniya.Tinanaw ko ang mga estudyanteng naglalakad sa baba na lingid sa kaalamang pinagmamasdan namin sila.

The Mysterious Girl of Terrensia Academy [Completed]Where stories live. Discover now