Chapter 27

697 52 5
                                    

L I A

"Hoy, Lia! Anong oras na!" tumingin ako sa may pintuan nang bigla nitong niluwa si Yzah. "Wow, gising kana? May lagnat ka?" she teased while leaning on the wall with her arms being crossed.

"Maaga naman ako lagi, sadiyang mas maaga ka lang talaga. Duh," I said without looking at her.

"Bumaba kana bago lumamig ang pagkain."

Tumango lang ako sa kaniya bilang sagot. I saw from my peripheral vision na nag make face siya at umirap bago sinarado ulit ang pinto ng kuwarto ko.

I just ignored her dahil ayokong masira ang mood ko ngayon. I continued brushing my hair while looking at my reflection at the mirror. I didn't know that I'll still feel this feelings again after several years.

"Ngayon ko na lang ulit nakita 'yang ngiti mo, Lia," I said to myself while pointing my index finger at my reflection.

Tumayo na 'ko at kinuha ang bag habang sinasabit sa braso ko ang coat ko. I also took my earings at sinuot habang papunta ako sa pintuan but I suddenly stop when I remembered something. Agad akong lumapit sa may drawer at kinuha ang nag-iisang laman no'n.

"Hope he'll like this," I murmured habang nakangiti.

Pinasadaha ng mga daliri itong pabango, ang pabangong matagal ko nang ginawa para lang sa kaniya. I made this exclusively for him kaya siguro naman ay ma-appreciate niya, hindi ba.

Kumuha muna ako ng paper bag at dahan-dahang nilagay doon ang pabango bago tuluyang lumabas sa kwarto ko.

"Ba't parang ang saya mo ata ngayon?" Yzah asked pagkaupo ko sa ko sa tabi niya.

"May napanaginipan lang," I lied.

She look at me with questioning look, I just shrugged at her at pinagpatuloy na ang pagkuha ng pagkain.

Mostly, si Yzah ang kumikilos at nagluluto rito sa bahay dahil ayos lang na mahuli siya sa work niya. Lazy boss ang peg niya. Then tuwing Sunday lang kami naglilinis, but when I say linis, as in linis talaga.

We live in the same roof since we got a job and started to earn our own money, although minsan umuuwi pa rin ako kila kuya Paul. Just to visit my niece.

"Himala hindi mo binabanggit ang pangalan ng ex mo ngayon."

I stopped dahil sa sinabi niya. Umiwas agad ako ng tingin. Kailangan pa ba talaga niya iyon mapansin.

"You should be glad," I faked a cough bago tumayo. "Mauuna na 'ko, naalala kong kailangan ko nga palang pumasok ng maaga."

Bumeso na ako sa kaniya bago kinuha ang gamit ko at lumabas na ng bahay.

I know I shouldn't be lying pero ayoko pa munang sabihin kay Yzah ngayon. Panigurado ay papagalitan lang nila ako dahil sa kagagahan ko.

But hey, I don't want to lose hope because of them. Sasabihin ko na lang siguro sa kanila 'pag okay na ang lahat. At alam kong malapit na 'yon mangyari.

Sumakay ako ng taxi hanggang sa makarating na 'ko sa work ko. I took out my ID from my bag at agad na tinap sa scanner not just to enter but of course to record my time in.

Until We Meet Again [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon