Chapter 5

1.5K 362 18
                                    

L I A

"Mauuna na 'ko, kuya Paul, ate Layla," pagpapaalam ko.

Kumuha muna ako ng isang pirasong tinapay bago tumayo sa hapag at handa na sanang tumakbo papalabas nang tawagin ako ni kuya Paul. I turn around and looked at him while my mouth is busy on chewing.

"Gisingin mo muna sila Silver at Lyka sa taas bago ka umalis," utos niya.

Teka, ano daw!? Ako ang gigising sa tulog mantika na si Lyka? Eh kahit anong ingay ata ang gawin ko do'n sa taas ay hindi 'yon magigising eh.

Tiningnan ko naman ang oras sa phone ko bago tumingin ulit sa kaniya. "Baka malate ako, kuya Paul," reklamo ko.

Pero tinaasan lang niya 'ko ng kilay. "Saglit mo lang naman gagawin 'yon," dugtong na aniya.

Bumuntong hininga ako pero hindi ibig sabihin ay susundin ko na siya. Agad kong ginawi ang tingin kay ate Layla na tumango lang sa 'kin. She looked at his husband and hold his hand bago ngumiti. "Ano ka ba naman, love, magigising din naman sila Lyka kaya hayaan mo na si Lia."

Malambing na pagkakasambit ni ate Layla. Nakatingin lang ako kay kuya Paul at hinihintay na paalisin na 'ko. He scratch the bridge of his nose bago bumuntong hininga. Tinawag ko na ata lahat ng Santo sa utak ko para mapaalis na sa bahay pero mukhang hindi ako swerte ngayon.

"Kaya naiispoiled 'yang si Lia dahil sa 'yo eh," aniya.

Hindi mo alam kung galit ba si kuya Paul o ano kasi nakangiti pa rin siya habang nakatingin kay ate Layla. Tangna, sakit sa eyes. Tumingin naman ulit sa 'kin si kuya Paul bago tinuro 'yung taas.

Magrereklamo pa sana ako sa kaniya pero binigyan niya na 'ko agad ng masamang tingin. Bumagsak lang ang balikat kong naglakad paakyat habang kinakain ang tinapay ko. Bad trip, sana lang talaga hindi ako malate sa paggising kay Lyka.

Hindi naman ako ganito magrereact kung hindi ko pa 'to nararanasan, 'no. Kaya nga madalas ay mas maaga akong gumising para hindi ako ang gigising sa bruhildang 'yon dahil once na 'kong nalate sa 1st subject ko dahil lang sa kaniya.

Padabog lang akong naglalakad paakyat at bubuksan na sana ang pinto ng k'warto ni Lyka nang mapansin kong bukas ang pinto ng kwarto ni Pilak. My lips form a smile when bright idea crossed my mind.

Siya na lang ang gigisingin ko then bahala siya maghirap sa paggising kay Lyka. Oh myghad, ang talino mo talaga Lia, I'm so proud of myself.

Dahan-dahan akong pumunta sa tapat ng pinto nito at walang katunog-tunog na binuksan ng husto ang pinto. I just left it open habang nililibot ang paningin sa kwarto niya. And let me just say this,

Wow!

I've never thought na malinis pala siya sa kwarto even though walang kagamit-gamit ang loob dahil guest room lang naman talaga 'to. But still, it's so clean for a guy like him. Kahit ang maruruming damit niya sa may basket ay nakatupi, samantalang ako, tamang shoot lang. Kung pumasok e di mabuti, kung hindi, e di try again.

Tinigil ko na ang pagtingin sa paligid at tinuon ang attention sa lalaking nakahiga ngayon sa kama. Nakadapa siya habang nakatalukbong ng kumot ang buong katawan niya. I was about to touch him para yugyugin nang mapahinto ako bigla.

My brows furrowed nang makita ang mga librong nakabagsak lang sa ibaba ng kama niya. Lumuhod ako dahil do'n. I picked it up at tiningnan kung anong libro 'yon, it's psychology book. Psychology ba ang tini-take niyang kurso? Kinuha ko pa ang dalawa pang libro na nahulog and just like the other one, it's still books for psychology.

Nilapag ko lang 'yon sa may side table niya bago ginawi ang tingin sa kaniya. Automatic naman na napatitig ako sa itsura niya nang makita kung gaano siya ka-peaceful matulog. I don't know why but I can't take my eyes on him right now. Nagpahalumbaba pa ako sa harap niya habang pinagmamasdan siyang matulog.

Until We Meet Again [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon