Chapter 30

858 48 6
                                    

L I A

"Anong oras na ba," inaantok na tanong ko sa sarili bago umupo mula sa pagkakahiga.

I look at the space beside me at agad na nalungkot nang makitang wala siya sa tabi ko. I just took a deep breath bago inalis ang kumot sa katawan ko.

Pero agad akong napahawak sa ulo ko ng bigla itong kumirot. Mukhang napasobra ata ako sa tulog.

I tie my hair up first bago kinuha ang phone na nasa ilalim ng unan. Agad lang lumukot ang mukha ko ng makita ang oras, it's already midnight? Pero bakit wala akong matandaan na ginawa ko buong gabi.

Tatayo na sana ako mula sa pagkakaupo nang biglang mag ring ang phone ko. Muntik ko pa 'tong malaglag mula sa pagkakahawak dahil sa gulat. I just answered it nang hindi man lang tinitingnan kung sino ang caller.

"Thalia Dela Puerte speaking," I yawned.

[Hoy, nasaan kang gaga ka?]

Napatingin agad ako sa caller at kinagat ang labi bago tumingin sa paligid. Shit, I nearly forgot that I'm not in my room.

"Oh, uhm. . . Overtime ako sa work. Yeah, may need lang akong tapusin," I lied.

[Umuwi ka agad pagkatapos. Hilig mag over time tsk.]

"Yes mommy Yzah. Sige na ibababa ko na. Bye," natatawang paalam ko bago ibinaba ang tawag.

I just breath heavily bago tumayo sa kama at lumapit sa pinto para lumabas sana nang bigla itong bumukas ng kusa. I smiled back when he smiled at me.

"Akala ko tuloy panaginip lang ang lahat," nakangusong saad ko.

Natawa siya sa sinabi ko while he's reaching for my hand. Sinundan ko lang siya nang hatakin niya ko papalapit sa higaan. He sat at the edge of it at pinaupo ako sa may kanang binti nito sabay lagay ng ulo niya sa balikat ko. Umakbay naman ako nang maramdaman ko ang kamay niyang pumulupot sa bewang ko.

"Gagawin ko pa rin totoo 'yon kung panaginip man ang lahat ng nangyari," inaantok na aniya na nakapagpakilig sa akin.

Akala ko talaga ay panaginip lang ang lahat. Na nasa utak ko lang na maayos na kami ni Pilak ngayon.

"Ngayon lang natapos shift mo?" I asked out of nowhere.

Matagal muna bago siya tumango at inayos ang pagkakasandal nito sa balikat ko. His hair still tickles me though, pero hinayaan ko na lang at sinilip ang mukha niya.

I smiled at dahan-dahang tinapik ang likod niya nang makitang nakapikit ang mata niya.

We stayed at that position for awhile. I just let him rest on my shoulder while I'm slowly tapping his back and humming my favorite songs. Pero naputol din 'yon nang magtanong ito.

"'Di ka paba nagugutom?" he suddenly asked, still leaning on my shoulder.

"Not yet."

Pero sadyang taksil talaga ang tiyan ko na naging dahilan kung bakit siya tumawa.

Pesteng tiyan 'to hindi man lang nakisama. That's when I remembered na nakatulog pala ako dito sa kwarto ng office ni Pilak nung hapon. Kaya pala wala akong maalala na ginawa ko kagabi kasi dire-diretso na ang tulog ko.

"Hindi pa talaga, hindi pa naman ako gano'n kagutom," I denied.

"Yeah right," he laughed and leaned forward to kiss my cheeks. "By the way, what happened to your work?" tanong niya sabay sandal ulit sa balikat ko.

"Ewan ko, bigla na lang kami pinauwi ng maaga. Ididisinfect daw ang buong company," I explained.

Inangat niya ulit ang ulo sabay halik na naman sa pisngi ko. I just laughed and made face nang paulit-ulit pa muna nitong ginawa 'yon sa pisngi ko bago tumigil.

Until We Meet Again [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon