[34]

69 6 21
                                    

Hindi ko alam ang magiging reaksiyon ko dahil sa nalaman ko. Halos manigas ako sa kinauupuan ko at napatulala na lang sa kawalan habang pilit pinoproseso ng utak ko ang impormasyong 'yon.

Nagsimulang maghabilin ang doktor ngunit hindi ko rin naman nasusundan ang kaniyang sinasabi. Si Zierra ang nakinig para sa akin. I saw on my peripheral vision that she was taking down on her notes. I knew she also didn't expect what she just found out.

"Kierre..." She held my hand as I slowly turned to her.

"Zie," tears were pooling in my eyes and I saw how she panicked. Unti-unti na ring tumulo ang mga 'yon.

"Kierre, look at me." I obliged while tears were still streaming down my face. "Stop crying, please, it's not good for you." She worriedly said and wiped my cheeks using her right hand while her other hand was rubbing my back.

"Zie, w-wala pa akong trabaho." Nanginig ang labi ko habang nagtataas baba ang aking mga balikat. "Zie, anong sasabihin nina Mama? A-anong gagawin ko?" Nanlalamig ang mga kamay ko at nanginginig.

"Kierre, may plano ka naman sigurong sabihin kay Skyllen, hindi ba?" Tanong niya at umaasang magiging 'oo' ang sagot ko.

Matagal na namayani sa aming pagitan ang katahimikan. Lumipas pa ang ilang minuto bago ako nakapagsalita.

"Sasabihin ko." Mahinang bulong ko. She sighed after hearing me. She felt relieved. Habang ako hindi pa rin malaman kung ano ba talaga ang dapat gawin.

"Ngayon mo lang talaga nalaman na buntis ka? Hindi mo ba naramdaman 'yung mga senyales?" Agad akong umiling ngunit napatigil din noong may mapagtanto.

"I didn't get my period for this month but I didn't notice it. I was too busy and preoccupied." I whispered. My hand reached for my stomach and I gently caressed it.

I can't believe I was carrying a life inside me. I will take care of you.

"Ninang ako, a'." Medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil sa isinaad ni Zie. Tipid akong ngumiti at tumango.

"Siyempre naman." Nawala rin kaagad ang ngiti ko at napabuntong-hininga na lang. "I still don't know how will I tell them."

They will get mad. That's for sure.

Zierra gave me a reassuring smile. "Alam mo namang nandito lang ako para sa 'yo, 'di ba?" Tumango ako at niyakap muli siya.

"Salamat, Zie."

Pagkalipas ng ilang oras, nadischarge na rin ako. Bumili kami ng mga gamot na inihabilin ng doktor kanina.

"Don't stress yourself too much, sleep early. Eat healthy food! Do not also forget to take your vitamins." Muling paalala niya habang akay-akay pa ako.

Nagtatalo pa nga kami kanina dahil sabi niya bagalan daw namin ang lakad namin. Baka raw madulas ako at kung ano pa ang mangyari. Kanina pa rin siya paulit-ulit sa mga kailangan kong gawin.

"Yeah, yeah. I won't forget, Mom." I teased her when we're finally outside of our condo unit. Hindi niya pinansin ang pang-aasar ko at tila malalim na nag-isip.

"Kung dito na lang kaya ako matulog, Kierre? Para mabantayan kita." Nag-aalalang sabi niya at ultimo'y desidido talaga.

Tumawa naman ako at umiling sa kaniya. "Ano ka ba? Ayos lang, kaya ko ang sarili ko. Salamat talaga, Zie." Ngumuso naman siya ngunit wala ring nagawa noong pinauwi ko na siya. Bahagya lang siyang yumakap at humalik sa aking pisngi.

Pipindutin ko pa lang sana ang pass code ng unit nang maramdamang nagvibrate ang phone ko. Napakunot ang noo ko noong makitang ang kapatid ni Sky ang nagtext.

Is There a Lifetime? (Oliveros Series #1) Where stories live. Discover now