[11]

64 11 18
                                    

It's been a month since our father passed away. I came back to the University and continued my studies. That's the only thing I can do for now, and I will make him proud.

Ginawa ko lahat ang mga pinapagawa ng mga professors namin noong hindi ako nakakapasok sa klase. Tinutulungan din ako ni Zie kapag may hindi ako naiintindihan. Natambakan ako ng mga gawain kaya sa loob ng ilang linggo ay puro pag-aaral lang talaga ang inaatupag ko at saka wala naman akong ibang pupuntahan.

Maliban na lang kapag dadalaw ako sa puntod ni Papa, isang beses sa isang linggo. Hinding-hindi ko nakakaligtaan 'yon.

Linggo ngayon at katatapos ko lang maligo at magbihis. Napagpasiyahan ko kasing pumunta ng mall para bumili ng mga materyales para sa bagong proyektong ipinapagawa sa amin.

Lumabas na ako ng kwarto at nagtungo sa harap ng kwarto ni Alice. Tatanungin ko lamang siya kung gusto niyang sumama sa akin.

Kumatok ako sa pinto at ilang sandali lang ay binuksan niya na rin ito. Kumunot ang noo niya, nagtataka kung bakit ako nasa harapan ng kwarto niya.

Binuksan ko ang bibig ko upang magsalita. "Pupunta ako sa mall, gusto mong sumama?" Nginitian ko siya.

"Uh, hindi na. May ginagawa ako, e'." Mahinang sagot niya.

Napatango-tango ako. "Ah, ganoon ba? Baka may gusto kang ipabili? Isasabay ko na," pag-iinsist ko.

"Wala naman."

"Okay, I'm going."

"Take care," nginitian ko siya muli bago tumalikod upang bumaba.

Sa loob ng isang buwan, masasabi kong medyo napalapit na ang loob niya sa akin. Hindi na siya naiinis sa akin kapag kinakausap ko siya hindi katulad dati na hindi pa ako tuluyang nakakalapit sa kaniya pero pakiramdam ko pinapaalis niya na agad ako.

"Ma?" Pagtawag ko kay Mama pagkababa.

"Bakit?" Narinig ko ang boses niya sa may kusina kaya't nagpunta ako roon.

Nadtanan ko siyang naghihiwa ng mga sangkap para sa lulutuin niya. Matamlay ang mukha niya habang ginagawa 'yon. Hindi katulad dati na kahit anong ginagawa niya ngumingiti siya.

Sa aming tatlo, siya ang pinaka naapektuhan sa pagkawala niya. Hindi ko naman siya masisisi. Masakit mawalan ng taong minamahal.

"Ma, may pupuntahan lang po ako. Bibili lang ako ng mga materials para sa project ko." Paalam ko sa kaniya.

"Kasama mo si Zierra?" Tanong niya at bahagyang tumingin sa kinatatayuan ko.

"Hindi po, ako lang po." Sagot ko naman. Tumango siya habang nakatalikod sa akin.

"Sige, mag-iingat ka, a'. H'wag kang magpapagabi," aniya.

Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya patalikod. Napahinto naman siya sa ginagawa niya dahil sa ginawa ko.

"Magiging ayos din ang lahat, Mama." Mahinang sambit ko.

"Sana nga, Kierre. Kakayanin natin 'to." Napangiti ako sa tinuran niya. Akala ko tuluyan na siyang nawalan ng pag-asa.

Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya at nagpaalam muli bago lumabas.

Pinapaikot-ikot ko ang susi ng kotse sa daliri ko habang binubuksan ko ang gate namin. Pumasok ako sa loob ng sasakyan at binuksan ang makina nito at minaneho ito palabas ng bahay namin.

Hininto ko muna ito panandalian at saka ako lumabas muli para isarado ang gate.
Pumasok na muli ako sa kotse at minaneho ito patungo sa mall.

Noong nakaraan ay nag-usap-usap kaming tatlo nina Mama at Alice kung ano ang gagawin namin dito sa sasakyan ni Papa.

Is There a Lifetime? (Oliveros Series #1) Where stories live. Discover now