Chapter 3

248 11 0
                                    

Chapter 3: Infirmary

"Nadedemonyo ako!"ani ko at itinakip ang kumot sa mukha. "Umalis ka sa isip ko!" Kakagising ko lang. Naiinis ako dahil maski sa panaginip ko ay naroon siya.

Buong gabi ay ang lalaking iyon ang nasa isip ko. Mukhang maayos naman na siya kahapon. Nagawa niya nga akong tulungan at sungitan. Pero bakit iniisip ko pa rin siya? Kung pwede ko lang siyang walisin paalis sa utak ko ay matagal ko ng ginawa.

Damn it! May pasok pa kami. Ano't heto ako at ukupado ang isip dahil sa binatang iyon? Minsan talaga ang pange-ngealam ko ang nagpapahamak sa akin. I should have completely ignored him. Bakit kailangan ko pang sundan at habulin siya?

Tumayo ako't nag-ready na. Talagang masesermonan ako ni Prin kapag nakita niyang hindi pa ako prepared. Maaga pa naman ang pasok niya ngayon dahil myembro siya ng school papers.

"Ginamot mo na iyan?"puna ni Prin. Kalalabas lang namin sa sasakyan. Nandito na kami sa school.

"Oo. Di naman malala."

"Ano ba nangyari dyan?"

"Nasangga lang." Palusot ko. Tiyak na tatawanan niya ako kapag nalaman niya ang totoo.

"Una na ako. Pupunta pa ako sa studio."

"Sigi."

"Bye." Nang maiwan akong mag-isa ay hindi ko alam kung saan muna ako pupunta. Maaga pa at halos wala pang estudyante sa school. Wala kaming first subject dahil um-attend sa seminar ang adviser namin. Naisipan kong sa library na lang pumunta total may aircon doon at tahimik pa.

"Why are you not wearing your uniform?" Tanong nang nagbabantay sa desk.

"Po?"

"Your uniform, Ija. Are you a student here?"

"Opo. Hindi pa po ako nasusukatan." Sagot ko. Hanggang ngayon ay hindi pa ako nakakabili ng uniform ko. Meron namang extra si Prin pero ayaw ko namang kunin pa iyon sa kanya. Dadalawa na nga lang ang uniform niya, kukunin ko pa ang isa.

"How about your ID?"

"Wala pa rin po."

"Are you new here?"

"Opo."

He sighed. Sa huli ay pinapasok niya rin ako. Kailangan kasi ng ID para maka-access sa isa sa mga locker nila doon. Hindi kasi pwedeng magdala ng bag o di kaya ay food and drinks sa loob ng library.

Una kong tinungo ang literary section.
Hindi ko hilig ang pagbabasa pero may mga certain genre ang nakakapag-entertain sa akin.

Napanguso ako nang makita ang librong gusto ko na nakalagay sa mataas na bahagi ng shelves. I tried to reach it, pero hindi ko kaya. Susubukan ko sanang tumalon pero napatigil ako nang may kamay na kumuha nito mula sa taong nasa likuran ko. Iniabot niya sa akin ito. Mabilis ko itong tinanggap at hindi man lang magawang humarap sa kanya.

"Salamat."

Hindi ito sumagot. Nang akmang haharap ako ay mabilis itong tumalikod sa akin at naglakad papalayo. Tanging likod niya lang ang nakita ko at ang suot nitong puting polo shirt na tinernuhan niya ng asul na baggy pants.

Naghanap ako ng mauupuan na malapit sa aircon. Doon ay nagsimula akong magbasa.

Hindi ko pa nakakalahati ang libro ay napapahikab na ako. Bumibigat ang talukap ng mata at pilit na hinihila ng antok sa mahimbing na pagkakatulog. Hindi maayos ang tulog ko kagabi, dahil nga sa hindi ako madalaw ng antok ay tinapos ko ang mga pending activities ko. Idagdag mo pa ang ukupado kong isipan dahil sa binatang iyon at sa kuryusidad sa kung ano at sino siya.

Wanting Daffodil (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon