Chapter 4

258 9 0
                                    

Chapter 4: Unexpected meeting

"Didn't I tell you not to be friend with him?" Nakapamewang itong nakatayo sa harap ko.

"Wala kang sinabi, Prin."

"Anong wala. I did. I did tell you. Nasa cafeteria pa tayo. I even pointed him. Don't you remember?"

"Ahhh. Oo nga meron nga." Tumango-tango ako. Oo nga't sinabi niya na maaari kong maging kaibigan ang lahat maliban lamang sa lalaking iyon. Because of what? Dahil daw red flag siya?

"Hindi na ako nagtataka kung bakit nakita mo siya doon. Wounded and alone."

"Why? What?" Mas kumunot ang noo niya ng makitang interesado ako sa sinasabi niya. Ni halos nakalimutan na niya na bukas ang TV. I am not actually interested. Sa katunayan ay nagtataka lang ako.

"Seriously? Are you now interested with that jerk?"

"Curious, Prin. Curiosity is different from being interested. So ano nga?" Kinuha ko ang popcorn niya na nasa mesa at nag-umpisang kainin ito. Kanina pa niya inilalayo sa akin iyon dahil snacks niya raw iyon habang nagmo-movie marathon. But now, looking at her right now, it seems she forgot all the things she was doing when she remembered that guy.

"He's the notorious basag-ulo ng CMIS. Laman ng gulo. Kung hindi siya ang nagsimula, siya naman ang dahilan. Balita nga sa campus nitong nakaraang araw ay may nainkwentro silang gang kaya ilan sa kanila ay sugatan. Kaya siguro nadatnan mong nasa ganoong kalagayan si Atkinson."

Atkinson? Is that his name?

"Hoy, Daffodil. Don't be deceived by his good looks. He's a red flag. A red tide, a red crayon, a red standard bearer."

"Judger ka rin no?"

"Ayy ginoo. Hindi mo kasi siya kilala. Pareho lang tayo ng reaksiyon nang unang beses kong nakita si Atkinson. Syempre, pogi, amoy Johnson baby powder. Pero girl, ni hindi siya malapitan at makausap. Ni hindi nagsasalita kapag di mo kakausapin. Pulang nonchalant kumbaga. Dati madalas pumasok iyon ng may pasa ang-"

"Teka lang, Prin. Pwede bang huminahon ka. Ano't para kang nanay diyan na nagrereklamo dahil binully ang anak niya?"

"I am just trying to give you a warning, Daffa. Dennen Atkinson is different. Hindi mo gugustuhing makabangga siya."

Bahagya akong umurong upang makita ang screen ng tv. Kanina pa kasi nakaharang itong si Prin.

"Makinig ka sa akin."

"I'm listening."sagot ko at sumubo pa.

"Balita ko ay prosecutor ang mama niya. Walang naglalakas ng loob na banggain iyon, lalong-lalo na at mukhang mayaman ang pamilya. Maliban na lang sa mga taga labas. But it just a rumor. However, see- "

"AHHHHHH!" Napatili ako. Maski si Prin ay nagulat dito at muntik ng mapatalon.

"BAKIT? BAKIT?" Taranta niyang tanong.

"They kissed." Kinikilig kong sabi at itinuro pa ang screen.

"OA-han, De Roso? Grabe ha. Akala kong ano na."

"Sorry na. Ang dami mo kasing sinasabi." Sabi ko habang puno ang bibig.

"Ang baboy mo. Teka-hoy! Akin na nga iyan. Inubos mo na! Gahaman ka talaga." Inagaw nito sa kamay ko ang bowl at naupo na sa tabi ko.

Akala ko ay hindi na siya titigil. May balak pa ata siyang ikuwento ang buong talambuhay ng lalaking iyon.

Wala naman akong balak na manatiling konektado sa binatang iyon. Sadyang nag-aalala lang ako dahil sa nadatnan kong kalagayan niya noong nakaraang araw. Kung sa iba mangyari iyon ay ganito rin ang gagawin ko.






Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 12 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wanting Daffodil (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon