Chapter 2

286 11 0
                                    

Chapter 2: Eyes

"Nasaan ang sapatos ko?"

"Malay ko sayo." Ubos na ang pasensya kong naghihintay sa kanya. Alas-syete na ng umaga at male-late na kami. Heto si Prin at hinahanap pa ang pares ng sapatos niya.

"Nandito lang iyon kagabi."

"Dapat kasi ay inayos mo na kagabi pa. Napakaburara mo naman kasi."

"Kung sana tinulungan mo akong magluto at magprepare ng babaunin natin edi sana ay madali tayong natapos. Ikaw nga itong ang bagal-bagal kumilos."

Babyahe pa kami. Kung sa kaling matagalan kami doon ay talagang mahuhuli kami sa klase.

Nakarating kami ng school around 8. Mabuti na lang at pinapasok pa kami. Magkahiwalay kami ngayon ni Prin. STEM ang kunuha nya habang ako naman ay sinubukan ang HUMSS.

Of course, nag-umpisa ang klase sa isang self introduction. Ako ang unang nagpakilala dahil nasa unahan ang upuan ko. Doon na lang kasi ang natitirang bakante. Ganoon naman lagi. Karamihan sa mga estudyante ay ayaw maupo sa harap. Maayos naman ang naging takbo ng lahat.
Halos magkakakilala na ang buong klase dahil karamihan sa kanila ay doon na nag-aral simula pa ng junior high. Pakiramdam ko tuloy ay naiiba ako sa lahat.


"Kamusta ang first day?" Prin asked me. Nasa cafeteria kami for lunch. Sinamahan niya talaga ako ngayon dahil alam niyang wala akong kasama.

"Okay lang."

"You know what? I don't get you. Artista ka pero wala ka man lang socialization skills. Hindi ka marunong makipag-socialize? Ano bang ginagawa mo noon? Nakatayo ka lang ba sa harap at pakaway-kaway?"

"It has nothing to do with my demeanor nor attitude, Prin. It is all about my talent."

"Oo na."

"I am trying, okay? Hindi lang talaga ako magaling makipaghalubilo sa iba."

"Then kapag may time pa, I will introduce you to my classroom friends. Nabanggit kita sa kanila. But don't worry, I did not tell them about your past."

Itinuon ko ang atensyon sa sausage ko. Prin is right, I am having a hard time to socialize with other people. Pakiramdam ko nga ay may ulterior motives sila kapag kausap ako. And once na naging malapit naman ako sa isang tao, pakiramdam ko naman ay kailangan ko siyang i-please para hindi niya ako iwan. Ibang scenario naman si Prin, dahil simula pa lang nang nasa primary school kami ay kilala ko na siya.

"You can be friends with anyone else here. Except..." she deliberately paused.

"Anong except?"

"Except that guy." Itinuro niya gamit ang sariling tinidor ang lalaking nakasuot ng asul na hoodie jacket. Nakatalikod ito sa amin at nakaupo sa duluhang bahagi ng cafeteria. All alone.

"Who is he?"

"Hindi mo gugustuhing makilala."

"Ano bang meron, Prin? Bakit hindi mo na lang kaya sabihin sa akin? Wala tayo sa comic book para magbigay ka ng thrill or mysterious effect."

"He's my classmate."

"And?" Tinaasan ko siya ng kilay.

Wanting Daffodil (Under Revision)Where stories live. Discover now