Chapter 47

97 9 0
                                    

"TULONG! TULUNGAN NIYO KAMI!"

Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata para tignan sila Ben. Pagkatapos namin mag-usap nila Lily kanina, nakinig lang ako sa kanila dahil hindi naman ako makapagsalita, biglang sumama ang pakiramdam ko kaya naidlip ako saglit. I've been hearing Lily's screams lately. I'm really glad I can still hear her. Naging palatandaan ko na ang sigaw niya na buhay pa kami.

Napaungol ako nang maramdaman ko na mainit ang katawan ko. May lagnat ba ako? Gosh, Anya. Sino ba ang hindi magkakasakit sa kalagayan mo? Natulog ka lang naman na basa ang damit mo!

Napapikit nalang ako nang maintindihan ko na ang nangyayari. Lily is shouting because of me.

"Anya! Ayos ka lang?! Kanina ka pa pinagpapawisan. Kailangan mong magbihis, kailangan mong uminom ng gamot, kai-"

Pilit akong ngumiti sa kanya habang nakapikit pa rin ang aking mga mata. Masama na nga pakiramdam ko.

I'm fine, senyas ko sa kanila. I lied.

Gusto ko na talagang umuwi at humiga sa kama ko. Gusto ko ng matapos 'to. Kung hindi sana biglang sumulpot si Troy, masaya siguro kami ngayon at nag-uusap tungkol sa mga buhay namin. Kung hindi sana biglang sumulpot si Troy, bukas makukuha na sana nila Ben ang pera nila ng walang galos sa kanilang katawan. Kung hindi lang sana biglang sumulpot si Tro-

Napayuko ako para itago ang aking mukha. Ayaw kong makita nila akong umiiyak. Sigurado akong sisisihin lang nila ang sarili nila dahil hindi nila ako agad hinatid kanina. It's not their fault. Ako talaga ang may pinakamalaking kasalanan dito. Kung sinabi ko nalang sana agad kay Sake na mabait sila Ben, kung nagpaliwanag nalang sana ako ng maayos, kanina umaga palang nakaalis na sana kami rito.

Inulit ko na naman ang mali ko noon. Hindi na naman ako nagtanong kay Sake. Hindi ko na naman siya kinausap ng maayos.

"Anya," sambit ni Lily. Hindi ko na napigilan ang paghikbi ko.

Kung kinausap ko sana ng maayos kanina si Sake hindi sana nangyari 'to.

Sa kagustuhan kong tulungan sila Ben, nakalimutan ko na may mas magandang paraan pa pala para matulungan sila. I'm so stupid. Natakot ako at baka ipakulong sila nila Baron. I was scared when I heard Sake's voice earlier and he just made me confused when he send that text message after.

Hanggang ngayon hindi ko pa rin talaga siya kilala. Kailan ko ba talaga tuluyang makikilala si Sake? Sa loob ng ilang buwan na nakasama ko si Sake, binuksan niya ang pinto niya para makilala ko siya. Pero sa kabila pala ng pinto na binuksan niya, marami pa palang pinto ang nakaabang sa'kin. I still love him tho'.

Mahal na mahal ko pa rin siya, bulong ko sa'king sarili.

Narinig ko ang pagbukas nang pinto. Nagsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako umaasa na si Sake 'to. Kaya kahit nanghihina na ako, pinilit ko talaga buksan ang nakapikit kong mata. Uh, nanlalabo na ang paningin ko but I'm sure I saw a guy wearing a suit.

"Anya!" I heard Lily scream again. Ilang beses niya bang isisigaw ang pangalan ko habang nandito kami?

"Anong nangyari sa kanya?" I was wrong. Hindi pala si Sake ang dumating.

"Hindi namin alam. Ba't bigla kang bumalik? Akala ko ba bukas ka pa pupunta rito?"

Nakapikit man ang mga mata ko, naririnig ko pa rin naman ang pinag-uusapan ng mga nakapaligid sa'kin. Si Troy ang dumating at kausap niya ang isa niyang kasamahan.

"Dito ako matutulog ngayong gabi. Nakipaghiwalay na sa'kin si Mira kaya," I can feel Troy's gaze on me, "kung hindi ko mapigilan ang sarili ko si Anya nalang muna ang ikakama ko." Nanigas ako nang marinig ko ang sinabi niya. No, please.

"BALIW KA NA! DON'T YOU EVEN DARE A-SHOLE! IPAPAKULONG KITA!" Paos na ang boses ni Lily at naririnig ko na ang paghikbi nila.

"M-Maawa ka," Ben is stammering, "hindi na makatarungan ang gusto mong gawin."

"Huh? Isang gabi lang naman, ah. I'm sure inosente lang siyang tignan pero nagalaw na ata 'to ng may-ari ng GameSide. Isipin niyo nga, paano naman siya naging malapit sa isang bilyonaryo? Syempre gamit ang katawan niya," humalaklak si Troy.

Napalunok ako dahil sa sinabi niya. Kung hindi mo alam ang pinagdaanan ko kasama si Sake, katulad talaga ng kay Troy ang magiging ideya mo. Nakakalungkot lang at ganun agad ang naging tingin niya sa'kin dahil lang sa magkaiba ang status namin ni Sake.

Isa ba 'to sa dahilan ni Sake kaya ayaw niyang sabihin sa'kin ang ginagawa niya? Sana nga hindi ko nalang nalaman na may-ari siya ng GameSide. Pero kahit naman nalaman ko, wala pa rin naman nagbago sa nararamdaman ko e. Wala talaga akong takas kay Sake.

"Okay! Ilabas niyo muna sila," biglang wika ni Troy. Biglang bumigat ang paghinga at mas lalo akong nahilo.

Narinig ko ang mga yabag ng paa pupunta sa direksyon nila Lily. Gusto kong buksan ang mga mata ko pero nanghihina na talaga ako. Tuluyan na akong humagulhol nang marinig ko ang sigaw at pagpupumiglas nila Ben nang hilain sila palabas.

"BITIWAN MO AKO! WALANG HIYA KA!" Lily screamed.

"Maawa ka kay Anya," pagmamakaawa ni Paul.

"Please, we'll do anything," wika ni Ben.

"LINTIK KA! MAMATAY KA NA!" sigaw ni Tristan.

Nang tuluyan nang masara ang pinto, katahimikan ang bumalot sa buong silid. Nanginginig na ang buong katawan ko dahil sa takot at lamig. Maya-maya pa naramdaman ko ang paglapit sa'kin ni Troy.

"Sandali lang tayo," bulong niya sa tenga ko. Dahan-dahan niyang nilapit ang kanyang mukha sa'kin.

Inipon ko lahat ng lakas ko para lang ilayo ang katawan ko kay Troy dahilan para matumba ang upuan ko. Pagod na ako pero hindi ako pwedeng mag-collapse ngayon. Konting tiis lang. Kahit hindi ako sigurado kung may dadating, maghihintay pa rin ako. Please, Sake. Please, find me.

"Naku, naman," iritado niyang wika saka tinanggal ang pagkakatali ko sa upuan. Hindi pa ako tuluyang nakalaya dahil ibang usapan na ang tali sa kamay at paa ko.

Naramdaman kong binuhat ako ni Troy papunta sa kama. I really tried my best na kumawala sa hawak niya pero hindi man lang siya natinag. I was to weak. Wala na akong ibang magawa kundi ang umiyak nalang.

"Maganda ka nga talaga," wika niya sabay tanggal sa panyo na nakatakip sa aking bibig. Mahigpit niya akong hinawakan sa leeg at buong pwersa akong hinarap sa kanya.

Pumatong sa'kin si Troy dahilan para mas lalo akong maiyak. I don't want any of this. Ni minsan hindi ko naisip na mangyayari sa'kin 'to. I'm scared! Please, someone save me!

"Sayang at hindi ako ang first kiss mo. Sigurado akong mas magaling ako sa boyfriend mo." Mariin akong napapikit nang maramdaman ko ang hininga niya sa aking leeg.

Nagsisisi na ako. Sana pala hinalikan ko nalang si Sake sa labi bago siya umalis noon kasama si Andrew. Sana pala niyakap ko siya ng mahigpit bago kami naghiwalay. Kahit hinalikan ko nalang siya sa noo tulad ng ginagawa niya sa'kin. Ayaw kong mapunta sa isang manyak ang mga iningatan ko para kay Sake!

"Ang kinis mo pala."

Naramdaman kong dahan-dahan nang hinubad ni Troy ang pajama ko. Sinubukan kong ilayo ang mga binti ko pero pinigilan niya ako.

"This'll be quick," bulong niya sa'kin at tuluyan ng pinunit ang suot kong pang-ibaba.

Please, Sake! Please, save me!

***

OMEN: The Crowned King (Gamer Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon