Chapter 21

93 9 0
                                    

Hindi ako makapaniwala at nagawa ko na hindi matulog sa klase ko ngayon kahit ala-una na kami natulog ni Chris kagabi. Grabe siya. Ibang level ang eagerness niya. Mamayang gabi mukhang matatapos agad namin ang research paper dahil sa ibang level na energy niya.

"We will have a quiz next meeting. Good bye."

Hudyat ang sinabi ng professor namin para magsitayuan ang aking mga kaklase. Kanya-kanya silang naglabasan habang ako ay naiwan dito sa inuupuan ko. Plano kong matulog muna bago umuwi. Ayaw kong magmukhang sabog sa bahay. Ahh, plano ko pa naman sana na ipagluto si Chris bilang pasasalamat kaya kailangan kong mag-recharge ngayon kahit sandali lang.

Nilapat ko ang aking ulo sa mesa sabay pikit ng aking mga mata nang biglang may tumawag sa'kin.

"Anya!"

Napaangat ang ulo ko at automatiko na napalingon sa may pinto. Pamilyar sa'kin ang boses ng tumawag sa'kin at hindi nga ako nagkamali kung sino 'to.

"Chris?" Sambit ko habang kinukusot ang aking mata. "Anong ginagawa mo rito?"

Naglakad siya papalapit sa'kin at marahan na hinaplos ang aking ulo. I don't mind Chris touching my head. Sa tingin ko naging mannerism niya 'to dahil sa pamangkin niyang mahal na mahal niya.

"Uwi na tayo," nakangiti niyang sabi.

"Uh, sige. Plano nga pala kitang ipagluto ngayon."

Napatitig sa'kin si Chris at malapad na napangiti. Agad niyang kinuha ang bag ko at sinuot ito saka ako hinawakan sa wrist ko.

"Yey! I can't believe you'll cook for me. Bili muna tayo ng fried chicken sa Cu Chicken bago tayo umuwi, okay?"

Tumango ako at hinayaan na siyang hatakin ako papunta sa kung saan naka-park ang kanyang motor. Pikit ang aking mga mata nang tumigil kami. Inaantok pa ako. Kailangan kong matulog kahit saglit lang.

Naramdaman kong sinuot ni Chris sa'kin ang isa niyang helmet pagkatapos ay pinaangkas niya ako. Napangiti ako at walang lakas na nagpasalamat.

"Ba't hindi ka sumabay sa'kin kanina?"

Nasa byahe na kami at dahil siguro sa hangin na sumasalubong sa'kin, mas nanghina ang buong sistema ko.

"Maaga akong umalis dahil may kailangan akong ipasa. Pasensya ka na." Gosh, gusto kong isandal ang ulo ko.

"Ayos ka lang, Anya?"

Huminto saglit si Chris para alamin ang kalagayan ko. Nilingon niya ako, puno ng pag-aalala ang kanyang mukha. Pilit akong ngumiti sa kanya habang nilalabanan ang aking antok. Ilang sandali pa ay naramdaman kong isinandal niya ang aking ulo sa kanyang likod saka pinulupot ang aking mga kamay sa kanyang bewang. He smells nice.

Wala na akong maalala pagkatapos ng pangyayaring 'yon basta paggising ko nasa tapat na kami ng Cu Chicken at naka-recharge na ako. Medyo malayo ang naging byahe namin kaya nagkaroon ako ng sapat na pahinga. Nagising akong nakayakap kay Chris at para iwasan ang kahihiyan na 'to, patay-malisya nalang ako. Sorry, Chris.

"Sandali lang ako sa loob. Dito ka nalang sa labas maghintay."

Nginitian ko si Chris bilang pagsang-ayon. Ginulo niya ang aking buhok saka pumasok sa loob ng Cu Chicken na nakangiti.

Napaupo ako sa tabi ng motor, inaalala ang ginawa ko kay Chris buong byahe. Nakakahiya talaga ako. Natuluan ko kaya siya ng laway ko? Agad akong napatayo para tignan ang aking mukha sa salamin pero agad din akong napaupo ulit nang makita ko ang dalawang tao na naglalakad papalapit sa direksyon ko.

"Solid fan ka talaga ng Cu Chicken, King," wika ni Claire. Hindi siya sinagot ni Sake at diretso lang itong naglakad papunta sa entrance.

Bago pa man mahawakan ni Sake ang pinto may tumulak na nito mula sa loob. Napalunok ako nang makilala ko kung sino 'to-si Chris! Agad akong napatayo at napatingin sa kanila. Napatigil sila Sake ganun din si Chris. Seryoso nilang tinitigan ang isa't-isa hanggang sa napangisi si Chris at nilingon ako.

"Anya!"

Napakurap ako ng tawagin niya ako sabay pakita sa'kin ng dala niya. Sandaling nagtama ang mga mata namin ni Sake at ganun pa rin ang ipinakita niyang expression sa'kin. Blanko pa rin, tila walang paki kung anong nangyari sa'min ni Sandy pagkatapos namin umalis. Napaiwas ako ng tingin at matamis na nginitian si Chris.

"Tara na," wika niya sabay akbay sa'kin. Tumango ako sa kanya at sinuot ang aking helmet.

Hindi ko na nilingon pa muli si Sake hanggang sa makaalis kami. Gusto ko sana paniwalain ang sarili ko na nag-aalala sila sa'min pero mukhang hindi naman pala sila apektado. Tama nga siguro si Sandy. Kailangan na nga namin lumipat tutal aalis din naman kami roon.

Palihim akong napatitig sa likod ni Chris. If it weren't for him, iyak na naman sana ako ngayon. Sa tuwing kasama ko siya, automatic ligtas ako sa lahat. Nakakatuwa pa siya kasama at hindi siya nauubusan ng kwento. He's also sensitive. Inaalam niya kung ayos lang ba ako o may bagay pa na hindi ko nagugustuhan. He is taking good care of me.

Nakakapagtataka lang at hindi man lang siya naiilang sa'kin. Para bang matagal na niyang pinaghandaan ang araw na makasama ako sa sobrang kalmado niya. Hindi naman sa assuming ako, okay? Ganun lang talaga ang nararamdaman ko. Dahil sa ginagawa niya, pakiramdam ko tuloy may gusto siya sa'kin.

Nang marating namin ang tinutuluyan ni Chris, I never felt so safe. Dito sigurado ako hindi magku-krus ang landas namin ni Sake. Dito alam kong hindi ako masasaktan.

"Salamat nga pala," wika ko habang tinatahak namin ang daan papunta sa apartment ni Chris.

Umisod siya papalapit sa'kin, mas maaliwas na ngayon ang kanyang mukha. He look so proud of his self.

"Naaalala mo na ba ako ngayon?"

Napakunot ang aking noo at natatawa na umiling. Ba't biglang lumihis ang usapan namin?

"Seryoso? Hindi mo maalala ang poging mukha na 'to? Soccer player? Please try to remember."

Napatigil ako sa paglalakad at hinarap si Chris. Mariin akong napatitig sa nakangiti niyang mukha at bigla kong naalala ang lalaki na nakahandusay sa gitna ng field noon. Sa sobrang hiya ko that time, tinakbuhan ko siya pagkatapos kong mag-first aid pero sinigaw niya sa'kin ang pangalan niya. Ibig sabihin...

"Ikaw 'yong na-sprain ang ankle?!" Tinuro ko siya at proud siyang tumango-tango sa'kin.

"Ako nga. Ang sakit lang at hindi mo man lang ako naalala."

"Gosh! I'm so sorry. Black kasi 'yong buhok mo last year at dahil siguro sa brown na ngayon ang kulay nito, medyo umiba 'yong imahe mo sa alaala ko."

"Oh, yeah. Ito ang original na kulay ng buhok ko," tumawa siya, "last year naisipan ko lang siya kulayan ng black para maiba. Oo nga, noh. Nakalimutan ko ang detalye na 'yan tapos ikaw naalala mo pa. Teka, ibig sabihin ba hindi mo talaga ako nakalimutan?"

Napakamot ako sa batok ko at ipinagpatuloy na ang aking paglalakad, sumunod sa'kin si Chris.

"Nakakahiya 'yon kaya paano ko makakalimutan ang pangyayaring 'yon." I heard him chuckled.

"Eh, bakit hindi mo maalala ang pangalan ko?" sunod niyang tanong.

"Masyado na akong malayo nang isigaw mo ang pangalan mo kaya hindi ko talaga 'to narinig," paliwanag ko.

May kasalanan din naman ako that time. Kung hindi ako nagmamadali na umalis baka narinig ko pa ang pangalan niya.

"Kung ganun," dahan-dahan na nilapit ni Chris sa'kin ang kanyang mukha, "pwede ba-"

Hindi niya naituloy ang sasabihin nang biglang bumukas ang pinto sa harapan namin.

"Tito Chris!" Nakangiting bati ng isang bata sabay yakap sa binti ni Chris.

"Lawrence!" Masiglang bati naman ng kasama ko. Tiningala ako ng bata at matamis akong nginitian. So he's Lawrence?

"Tito Chris, girlfriend niyo po?" nakangiti nitong tanong sabay turo sa'kin.

***

OMEN: The Crowned King (Gamer Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon