Chapter 31

93 9 0
                                    

Nabibingi ako sa ingay ng mga manonood. As soon as they heard what that guy said, they started stomping their feet and I really don't know why. Napatingin ako sa audience, may ilan na katulad ko, walang alam kung anong ginagawa ng majority kaya napakunot nalang ang noo.

Ilang minuto ang lumipas, tumigil ang lahat. Kanya-kanya na sila ng ginagawa, kinausap na ng iba ang kanilang mga katabi, may kumakain, at kung ano pa na typical mong makita na pwedeng gawin sa ganitong set up. What was that?

"Ang tagal na nang huli ko 'tong ginawa."

Napalingon ako kay Sandy. Nakangiti siya habang nakatingin sa kanyang dalawang paa. Tama, kanina isa rin siya sa nag-stomp.

"Ano 'yon?" I ask out of curiosity. Mukhang ako lang ang walang kaalam-alam dito hilera namin.

Napangiti sa'kin si Sandy sabay bitaw sa aking kamay. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat, malalim na tinitigan sa mata, at walang pasabi na inuntog ang kanyang noo sa akin. Napadaing ako sabay tulak sa kanya.

"Ang sakit!" I gently caress my forehead while enduring the pain Sandy caused me. Matalim ko siyang tinitigan pero tinawanan niya lang ako.

"Gusto mo si Sake tapos hindi mo alam na ganun ang paraan ng pagpapakita ng suporta sa gusto mong team?" Napakurap ako sa sinabi niya.

"H-How did you know?"

Binaba ko na ang aking kamay at mas mataman na tinitigan si Sandy. Mahina siyang natawa at ibinaling ang kanyang atensyon kay Kedo, natataranta na 'to habang pabalik-balik na naglalakad sa entrance.

"Player ng OMEN ang kapatid ko noon. Siya ang nagturo nito sa'kin. Although, hindi siya sumasali sa mga ganitong event at madalang lang siya maglaro, alam niya na paraan ito ng pagpakita ng suporta. Kaya 'yon dahil pauso siya tinuro niya 'to sa'kin at tuwing naglalaro siya sa bahay, para akong tanga as I stomp my feet to show him my support." She chuckled.

Nanuyo ang lalamunan ko dahil sa paliwanag ni Sandy. I didn't know na magiging involve ang Kuya niya sa usapan. Pero mukhang maayos na siya ngayon, her face says it all. Nagtagpo ang mga mata namin.

"'Wag mo akong titigan ng ganyan," reklamo niya sabay takip sa mukha ko gamit ang kanyang palad.

Hindi ko napigilan na matawa habang inaalis ko kanyang mga kamay. Tumigil kami sa paghaharutan nang aksidente kong masagi ang IT student sa tabi ko. Hindi naman siya nagalit pero sapat na 'yon para mapatigil kami ni Sandy.

Minutes passed and still no sign of Sake. Nakaupo lang kami rito ni Sandy habang pinagmamasdan si Kedo pero alam kong pareho na kaming kinakabahan para sa kanya.

Ilang beses na nilapitan ng lalaki na huling nagsalita kanina ang grupo niya para siguro alamin kong kompleto na sila pero napailing nalang si Kedo. The guy said something to him dahilan para kunin niya ang cellphone sa kanyang bulsa.

"Walang hiya talaga si Sake. Nasaan na ba siya?" Iritado na ang boses ng katabi ko.

"Baka may dinaanan lang," depensa ko naman. Napatayo si Sandy sabay lapag ng kanyang bag sa upuan.

"I'll buy Kedo a drink. Mukhang kailangan niya ng maiinom."

Napaiwas siya ng tingin at nagmamadali na naglakad pababa. Is she shy? Oh, gosh. Nag-aalala siya kay Kedo! Napangiti ako sa ideyang 'to. Lumalayag na ang ship ko.

"Ang tagal naman. Ano ba nangyayari sa baba?" Reklamo ng isang lalaki, hindi kalayuan sa kinauupuan ko.

"Wala pa ang isang player ng Below. Paimportante ang loko."

Napaigtad ako dahil sa aking narinig. I totally forgot na halos lahat pala ng nakaupo rito sa side namin ay lalaki. Ba't ba rito namin naisipan na maupo ni Sandy? Natatakot ako. Maliban sa mga kaibigan ni Sake, ngayon lang ako nalagay sa sitwasyon na puro lalaki ang kasama ko.

"Weird ng team name nila, noh? Below. Mukhang sa lupa sila pupulutin agad." Malakas na tumawa ang isa pang lalaki, napakuyom ang kamao ko.

Hindi nila alam ang pinagsasabi nila. Kung alam lang nila kung gaano pahalagahan ni Kedo ang team niya, they'll praise him. I met Kedo's team earlier and they are all nice. Although, mukhang nerd ang kalahati sa grupo nila pero I know they're good.

Hindi ko man maintindihan kung anong dahilan ni Kedo kung bakit sumali siya sa team na sa mata ng iba ay talunan na, but I know he has good reason about it. Masaya siya noon nang balitaan siya ni Sake na tanggap na siya kaya alam kong mahalaga sa kanya ang Below. Walang karapatan ang mga lalaking 'to napagsalitaan sila ng masama.

I need to stop them. Kinakabahan ako baka suntukin nila ako pero hindi na tama ang mga sinasabi nila.

Akmang tatayo na ako nang hawakan ako ni IT sa braso. I don't know his name kaya 'yon nalang muna ang naisip kong itawag sa kanya. Nagtagpo ang mata namin at umiling siya sakin.

"Hayaan mo na sila," mahina niyang sabi. Inalalayan niya akong umupo ulit at matamis akong nginitian. "Maingay talaga ang lata na walang laman."

Natawa ako sa sinabi niya. Ngayon ko lang napansin na ang cute niya pala. Ang taba ng cheeks niya! Gusto ko 'tong kurutin! Ah, nanggigigil ako sa kanya.

Agad niyang tinakpan magkabilang pisngi gamit ang dalawang kamay. Napanguso siya sa'kin sabay shake ng kanyang ulo as a assign of disagreement. Mukhang nabasa niya ang laman ng isip ko, natawa ako sa aking sarili.

"Anya," pakilala ko para pakalmahin siya. Napangiti siya sa'kin sabay abot ng kanyang kamay.

"Andrei," masigla niyang sabi. Napadako ang mga mata ko sa ID niya.

"Oh! Mas matanda ako sa'yo. You should call me Ate Anya," bulalas ko nang malaman kong second year palang siya. Napaiwas siya ng tingin at nahihiya na tumango. Oh, what gives! I need to pinch those cheeks now!

Walang paalam ko siyang hinawakan sa magkabilang pisngi dahilan para manlaki ang kanyang mga mata. His cheeks are hot. Diretso siyang napatitig sa'kin, mas lalong namula ang kanyang pisngi.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at kinurot ko na ang mataba niyang pisngi. Siopao, wika ko sa sarili. Parang siopao ang pisngi niya, isa sa paborito ko! Okay lang kaya kagatin ko 'to? No, sobra na 'yon.

Natuwa ako nang hindi man lang niya inalis ang aking kamay at hinayaan lang akong pisilin ang kanyang mga pisngi. I smiled at Andrei. Ang cute talaga ng batang 'to.

My eyes unconsciously aimed at the entrance. Hindi ko maintindihan kong bakit napadako ang mga mata ko roon. Parang may kung anong energy na humahatak sa'kin mula sa direksyon na 'to but then, I found it. Ang dahilan kung bakit napunta roon ang atensyon ko.

Biglang tumugtog ang When I Was King ng One Ok Rock at kasabay nito tuluyan ko na nga nakita ang kanina ko pa hinihintay. When I saw his whole appearance, bumagsak ang mga kamay ko, nanlaki ang mga mata ko, nanginig ang buong katawan ko, at biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Natataranta kong tinignan ang lahat ng babae rito sa loob at hindi nga ako nagkamali, they are all staring at Sake. I can't breathe. Wala naman nagbago sa porma niya. White t-shirt, jeans na palaging may butas sa isang tuhod, at puting sapatos pa rin naman ang suot niya.

Napahawak ako sa aking dibdib. No, may nagbago, eh. Akala ko gusto kong makita ang pagbabagong 'to pero ngayon ayaw ko na. He cut his hair. Sake cut his hair and his hair style right now is illegal. It's too much.

***

OMEN: The Crowned King (Gamer Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon