Chapter 04

132 11 0
                                    

Nakatayo lang kami sa gilid habang pinagmamasdan si Sir Peterson at ang dalawa niyang kasama na kinakalikot ang laptop at computer namin ni Sandy.

Malamig na ang pawis na tumutulo sa noo ko at feeling ko mahihimatay ako pag nahuli ng mga taong 'to si Sake.

You can stop caring from now on. Ah! Wala akong paki kung ayaw mong mag-alala ako sayo hindi ko kayang pigilan ang sarili ko na hindi mag-alala.

"Okay. Wala na ba kayong ibang computer dito?" tanong ng lalaking payat sa amin.

Pagsasabihin kong 'oo' may posibilidad na mapapahamak si Sake kung sabihin ko namang 'hindi' sigurado akong may masamang mangyayari.

"Sa kabilang kwarto po. Hindi lang ako sigurado," sagot ni Sandy sabay turo sa kaharap naming kwarto. Sake's room.

Napapikit nalang ako sa sobrang kaba. Aish, hindi ko pa pala nasasabihan si Sandy.

Agad na pinihit ng isang lalaki ang doorknob ng kwarto at bumukas din naman ito agad. Hindi ko na 'to kaya!

"Sir-"

Magmumukha akong defensive kong may sasabihin ako at isa lang ang magiging conclusion nila Sir Peterson. May tinatago ako.

"Yes?"

"A-Ah wala po. Dahan-dahanin niyo nalang po ang pagtanggal sa takip ng computer," sagot ko.

"Sure," nakangiti niyang sagot.

Sinunod naman ng dalawa niyang kasama ang sabi ko at maingat na inaalis ang takip nito.

"Naka-off," wika ni Sir Peterson kaya mabilis na binuksan ng kasama niya ang computer pagkatapos itong isaksak.

Naka-on na ang computer pero nagblue screen ito for about 10 seconds at pagkatapos ay lumabas na ang windows na logo nito. Eh? Anong nangyari?

Wala na ang kakaibang symbol sa gitna ng screen nito. Langit na din ang background nito hindi na itim. May mga application na din sa monitor at mukhang normal na computer nalang ito.

They scan the folders in the computer at wala silang ibang na hanap kundi music at mga anime movies lang.

"Mukhang gamer ang may-ari nito ah," wika ng lalaking mataba.

"Ngayon mo lang napansin sa upuan palang, keyboard at mouse masasabi mo agad," wika naman ng lalaking payat na tumitingin sa mga computer files.

"Oh! Gamer nga! Tignan mo may OMEN siya Ben!" tuwang-tuwa na sabi ng lalaking mataba.

"Anong OMEN?" tanong ko.

"Sikat na laro 'yan at umaabot sa milyon ang premyo sa mga manlalarong nanalo sa international. Pero kahit dito sa atin umaabot ng thousands ang pustahan sa larong 'to," paliwanag ng payat na lalaki.

Napailing nalang si Sir sa mga assistant niya pero mapapansin namang natatawa siya sa pagiging devoted ng mga ito sa larong tinutukoy.

Hinatid na namin silang tatlo sa labas at hanggang sa gate ay tungkol parin sa OMEN ang pinaguusapan ng dalawang kasama ni Sir Peterson.

"Pasensya na sa istorbo mukhang gusto kaming paglaruan ng hacker na hinahanap namin. Salamat sa cooperation," paumanhin ni Sir sa amin.

"Wala pong problema Sir," nakangiti namang sagot ni Sandy habang nagbibeautiful eyes pa. Parang kanina lang nagpapanic ka pa ah.

Pagkaalis nila Sir ay siya ring pagdating ni Sake.

"Ay naku! Muntik na akong atakihin sa puso dahil sa nangyari ngayon!" parinig ni Sandy at tinalikuran na kami.

OMEN: The Crowned King (Gamer Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon