Chapter 24

94 10 0
                                    

Isang linggo na ang lumipas simula ng makuha namin ang gamit namin sa bahay. Nang makauwi kami, hindi na namin hinintay pa si Chris para magpaalam na lilipat na kami. Binisita ko pa rin naman ang apartment niya nang maayos na namin ang gamit namin sa bago naming tinutuluyan. Paglilinis lang naman ang pakay ko roon, hanggang sa makauwi siya.

"Okay lang ba kayo roon? Masyadong maliit 'yong kwarto para sa inyo ni Sandy."

Narito kami ngayon ni Chris sa Cu Chicken para mag-lunch. Nang mag-confess siya sa'kin noong nakaraan, pumayag ako na bigyan siya ng pagkakataon na kilalain ako bilang kaibigan.

Hindi naman kasi dahil gusto mo na ang isang tao, okay na agad. Marami pa siyang hindi nalalaman tungkol sa'kin at ganun din ako sa kanya. At ang mainam na paraan para makilala namin ang isa't-isa ay maging magkaibigan.

"Ilang buwan nalang din naman magtatapos na ang klase kaya okay na 'yon," natatawa kong tugon.

"Matagal pa kaya! Sa'min na kayo magpasko."

Napatitig ako sa nakasimangot na mukha ni Cris, hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako sa kanya. Nang magtama ang mga aming mata, nauna agad si Chris na umiwas ng tingin. Kabado niyang ininom ang coke sa baso niya pero aksidente siyang nabulunan dahilan para mabasa ang kanyang damit.

"Ayos ka lang?"

Nag-aalala ko siyang nilapitan saka pinunasan ang kanyang damit gamit ang panyo ko. I can feel he's staring at me. Naiilang ako pero hinayaan ko nalang siya hanggang sa matapos ako.

"I'm fine, but my clothes aren't."

Natatawa siyang tumayo sa pagkakaupo at nagtungo sa counter. Sumunod ako sa kanya pagkatapos kong ilagay ng maayos ang mga plato sa mesa para hindi na mahirapan ang maglilinis nito.

I heard the guy at the kitchen laughed at Chris. Ang babae naman sa counter ay napailing nalang habang nakangiti na binibilang ang sukli ng kasama ko.

"Nakakahiya sa date mo," sumbat nito sabay abot ng pera kay Chris.

"Naku! Okay lang po. Aksidente lang naman po 'yon," depensa ko. Napangiti sa'kin ang babae saka ibinaling ang atensyon kay Chris.

"Oi, Christopher, 'wag mo ng pakawalan 'to."

Bigla akong namula dahil sa sinabi ni Mrs. Cu. Bago pa man magsalita uli ang ginang, hinila na ako ni Chris papunta sa labas na hindi man lang nagpapaalam sa kausap.

"Hays, si Mrs. Cu talaga. Paano kita mapapakawalan kung hindi ka pa naman akin?" Chris brightly smiled at me. "I don't want to make you feel uncomfortable. Promise last na banat ko na 'to ngayon. Bukas kasi iba naman."

Napakamot siya sa kanyang batok. Mahina ko siyang sinuntok sa braso habang pinipigilan ang sarili ko na matawa sa kanyang sinabi.

I feel so light kapag si Chris ang kasama ko. Hindi ako nahihirapan makipag-usap sa kanya dahil siya mismo ang una-unang kakausap sa'kin. Napakalayo ng ugali niya kay Sake. Napatigil ako at mahina na hinampas ang aking dibdib.

"Oi, Anya, ayos ka lang?"

Hinawakan ni Chris ang kamay ko habang puno ng pag-aalala ang kanyang mukha. Siya ang kasama ko ngayon pero iba ang iniisip ko. Nakakahiya sa kanya. Nakatuon ang buong atensyon niya sa'kin habang ang sa'kin nandoon sa iba.

Habang kumakain kami, si Sake rin ang laman ng isip ko. Kumain na kaya siya? Okay na kaya siya ngayon? Hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko na mag-alala. Kulang pala ang isang linggo para kalimutan ang taong ilang taon mo rin minahal.

Hinawi ko ang kamay ni Chris at pilit na tumawa. "I'm fine. Sumikip lang dibdib ko sa banat mo."

Seryoso siyang napatitig sa akin. I know lame ang excuse ko pero wala na akong ibang maisip na dahilan, eh. Ilang segundo na ang lumipas pero nanatili pa rin sa'kin ang mga mata ni Chris and it's making me feel uncomfortable. Napatingin ako sa shop na nasa tabi ng Cu Chicken para lang hindi magtagpo ang mga mata namin ni Chris.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko sa may bintana ang isang babae na seryosong nakatingin sa computer screen. Anong ginagawa ni Claire rito?! Nakasuot siya ng headphones habang walang awa na pinipindot ang keyboard at mouse. She looks angry.

I never thought na makikita ko siya rito ngayon. We need to get out of here.

Hinampas ni Claire ang keyboard dahilan para lapitan na siya ng tagabantay. Hindi ko marinig ang mga sinasabi niya pero isa ang sigurado ako, lalabas niya siya ngayon. Hindi niya ako pwedeng makita!

"C-Chris," natataranta kong wika. Seryoso pa rin na nakatitig sa'kin si Chris kaya kinurot ko na ang pisngi niya. Naiilang na ako.

Napadaing siya habang nakahawak sa kanyang kaliwang pisngi. Nang makita kong tinulak si Claire ng tagabantay papunta sa pinto, hindi na ako nagdalawang-isip pa na hilain si Chris papunta sa motor niya. Mabilis ko siyang sinuotan ng helmet saka sinuot ang helmet ko.

"T-Tara na. Bilis."

Kunot-noo niya akong tinitigan pero sinunod niya rin ang utos ko. Gulat akong napaiwas ng tingin nang mapalingon sa direksyon namin si Claire. Agad akong umangkas sa motor ni Chris at pabulong siyang inutusan na umalis na.

Nakahinga ako ng maluwag nang makalayo na kami sa kinaroroonan ni Claire. Alam kong pagsasalitaan niya na naman ako ng hindi maganda o ano pa man na hindi ko kayang sagutin dahil naman ako katulad ni Sandy. Ano kayang ginagawa niyo roon? Naku, hindi ko na kailangan alamin.

Huminto si Chris sa tapat ng apartment na kasalukuyan na tinutuluyan namin ni Sandy. Pinasalamatan ko siya. Mukhang natanggap niya rin ang paliwanag ko kanina dahil bumalik na siya uli sa pagiging masayahin niya.

"I'll pick you up tomorrow same time," wika niya. Nakangiti akong tumango.

Pagkatapos niyang guluhin ang aking buhok, pinaharurot niya ang kanyang motor paalis. Napangiti ako nang maalala ko ang ginawa namin ni Chris kanina pero agad din itong nabura nang maalala ko si Claire.

"You look bothered."

Napaangat ang ulo ko nang marinig ko ang isang pamilyar na tinig. Napaigtad ako nang bumungad sa'kin si Baron, nakasuot siya ng suit at tie. Ngumiti siya sa'kin at nakapamulsa akong nilapitan.

"How are you, Anya?" he asked.

"O-Okay lang ako."

Nginitian ko si Baron pero hindi ibig sabihin nito ay masaya akong makita siya. Matagal na rin noong huli kaming nag-usap kaya nakapagtataka kung paano niya nalaman na lumipat kami rito.

"Oh," he exclaimed, "si Sandy ang nagsabi sa'kin na dito na kayo nakatira. Nabigla ba kita?"

"P-Pasensya na nagtaka lang ako paano mo 'to nahanap. Si Sandy naman pala ang dahilan."

Natanggal ang kaba sa aking dibdib nang marinig ko ang paliwanag ni Baron. Impossible naman na sundan niya kami, 'di ba? At kahit siya ang head ng security system ng school, hindi niya kami pwedeng i-locate kung hindi kinakailangan.

"Ano nga pala ang-"

"Pwede ba tayong mag-usap doon?"

Napadako ang aking tingin sa tinuro ni Baron, he is pointing at 7/11. Nasa kabilang kalsada lang 'to. Tumango ako at nauna ng naglakad sa kanya.

Ice cream ang naisip kong kainin habang si Baron naman umorder ng burger pero hindi pa ito ginagalaw.

"So Anya, naalala mo pa ba noong bumisita ako sa inyo noon?"

Nagugulahan akong tumango. Nakapagtataka. Ba't tinatanong niya ako tungkol noon? Hindi kaya tungkol sa mga files na napunta sa computer ni Sake ang pakay niya ngayon? Nalaman na kaya nila na si-

"Kaano-ano mo nga pala 'yong lalaki na kasabay natin maghapunan?"

Baron is smiling at me, but there's something dark behind his smile. Hindi ko maipaliwanag pero mas lalo akong nag-alala kay Sake.

***

OMEN: The Crowned King (Gamer Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon