CHAPTER 6

1.9K 131 3
                                    

Hellish Start

"Shifu, ayoko na! Pagod na ako! Ang bigat-bigat nito!" Pabagsak akong humiga sa lupa dahil sa pagod. Ikaw ba naman ang pagbuhatin ng malalaking bato. 

"Aysus. Hindi ka makakapag-agahan kapag hindi mo iyan nailipat doon sa kabila." Nanlumo ako sa itinuro niyang direksiyon. Napakalayo ng distansiya ng lugar na iyon. Ang bigat pa ng mga bato. Kahit tatlo lang ito, mahirap paring buhatin dahil sa laki.

"Lahat?"

"Lahat." Madiin niyang ani. Bagsak-balikat kong binuhat ang isang bato bago magsimulang maglakad. Nakatatlong hakbang pa lamang ako nang binagsak ko ulit ito. Hutaness! Akala ko madali ang pagsasanay kong ito!

"Shifuuu~! Gutom na po ako! Pwede mamaya na ito?" Nilingon ko siya at nagpacute. Nginitian niya lamang ako kaya ginantihan ko rin siya ng malawak at peke na ngiti. Napatili ako nang wala sa oras dahil sa ginawa niya. Sinipa niya ang likod ng tuhod ko kaya napaupo ako at muntikan nang masubsub.

"Pulutin mo iyan at magsimula ka na. Nasasayang ang oras mo at ang mana na nasa paligid para tulungan kang mapalabas ang tunay na kapangyarihan mo." Saad niya bago ako talikuran. Sasabitan na ng kaldero ang nguso ko habang binubuhat isa-isa ang mga bato papunta sa tinutukoy niyang lugar.

Magtatanghali na bago ko matapos ang training ko daw. Eh, para nga akong trabahador sa mga quarry kung pagbuhatin ako ng mga bato.

"Shifu! Tapos na ako!" Masaya kong ani sa kanya nang madatnan ko siyang nagpapahinga sa rocking chair niya.

"Hmm." Ang tangi niya lang na tugon lumapit ako sa kanya uminon ng tsaa na nasa teapot niya. Ramdam ko agad ang panunumbalik ng lakas ko at nawala agad ang pagod ko. Kunot-noo kong tiningnan ang basong walang laman nang umimik ang maestro ko.

"May nilagay akong elixir diyan upang manumbalik ang lakas mo."

"Ang galing mo, shifu!" Napapalakpak kong sigaw.

"Hah! Ako pa." Medyo mayabang niyang sagot. Umirap muna ako bago talikuran siya.

"Ang yabang naman ng matanda na iyon." Mahinang bulong ko.

"Narinig ko iyon. Bumalik ka na doon. Takbuhin mo iyon ng paulit-ulit hanggang gumabi."

"Whaaat?! Hindi pa nga ako kumain ng agahan at tanghalian!" Sigaw ko sa kanya. Narinig ko pang nagkakagulo ang Tiyan ko.

"Na may nakasabit na bakal sa paa mo. Magreklamo ka pa dadagdagan ko iyan." 

Napahawak ako sa pintuan dahil bigla ata akong naghina. Gusto ko mang umangal ngunit wala akong magagawa. Siya ang kailangan ko ngayon. 

"HAHAHAHA." malakas niyang tawa dahil sa naging reaksiyon ko. Sinamaan ko siya ng tingin bako magsimulang lumabas sa bahay.

Bagsak-balikat ulit akong bumalik sa pwesto ko kanina at nagsimulang tumakbo. Nakakangalay ang mga bakal na nasa paa ko. Nahihirapan akong tumakbo dahil tila mahihiwalay ang paa ko sa katawan ko.

'You can do this, Natasha. Guide me, Serene.'

NAGISING ako dahil sa malamig na tubig na ibinuhos sa katawan ko. Magkakalahatingtaon na akong nagsasanay dito. Sa una, nahihirapan akong buhatin ng paulit-ulit ang mga bato at takbuhin ng paulit-ulit ang lugar na iyon. Ngunit sa ngayon nasanay na ako at tila ayos na sa akin lahat iyon. Mag-iisang taon na din pala akong naninirahan sa kakaibang mundo nila.

"Bumangon ka na Serene. Maligo ka na habang malakas pa ang Qi na paligid. Wag mong kalimutang lagyan ng dahon ng selebes (pampalakas ng inner strength) ang pagliliguan mo." Paalala niya sa akin bago lumabas sa kwarto. Nakapikit pa akong tumayo at sinuot ang tsinelas ko. Nagsimula na akong maglakad ngunit napatili ako dahil sa pagkakadulas. Bumagsak sa sahig ang puwet ko at nauntog pa ako sa gilid ng kama.

REINCARNATED AS THE 11TH PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon